Chapter 12

0 0 0
                                    



KINAUMAGAHAN, sakit ng katawan ang gumising kay Meili.  Una ay dahil sa siko niya na nasugatan at pangalawa, dahil sa bigat na dinaramdam ng ulo niya. Ngunit napukaw ang buong sistema niya nang mapansin ang isang band aid na nakalapat na sa siko niya.
Paano?
Biglang lumakas ang tibok ng puso niya, pagkatapos ay napabalikwas ng bangon.
She was not in her room! At hindi niya alam kung nasaan na lupalop siya ng mundo.
Subalit nakahinga naman siya ng maluwag nang makitang ganuon pa rin ang suot niya. She heaved a sigh. Nagtataka siya. Paano siya napunta roon? Kaninong kuwarto ‘yun? Nag-isip siya.  Ngunit parang saglit naman na nabura sa utak niya ang huling nangyari at wala siyang maalala.
Matagal muna bago niya tinungo ang pinto. Bahagya itong nakabukas.
Nang makalabas, napahalukipkip siya sa lamig ng panahon. At ipinagpasalamat niya na  bahagi pa rin iyon ng cruise.
Gayunpaman, nakalanghap siya ng mabangong aroma ng kape at hindi niya maiwasang pakasundan ito. Tila nakakapang-akit iyon. At nahigit niya ang hininga ng matanaw si Rico sa labas. Nakaupo ito sa isang yerong upuan at may hawak na tasa.
Namangha siya. Nang humigop ito ng kape, talo pa yata nito ang mga commercial model sa mga advertisements na napapanuod niya sa TV. Marahan at perpekto ang paraan ng pag-angat nito ng tasa, ganun na rin ang pag-inom nito.
Lalapitan na sana niya si Rico kaso may biglang tumawag dito. At kasabay ng pag-alis nito bumuhos naman ang isang malakas na ulan. Napasinghap siya. Aalis na sana siya ngunit napansin niya ang auditbo na tila naiwan nito. Napilitan siya na takbuhin iyon. Basang-basa na siya. Subalit hindi niya iyon pinansin lalo na nang makita ang nakangiting litrato niya na ginawang wallpaper nito. Natutop niya ang bibig. Kuha ang litrato na iyon nang araw na maisauli niya ang cellphone nito.
It surprised her. Kahit nilalamig siya, nag-init ang magkabilang pisngi niya.
“Meili?”
Sa boses na narinig, parang nestatwa siya. Dumagundong ang lakas ng tibok ng puso niya. At hindi siya nakapagsalita.
Gayunpaman, dahan-dahan siya na napalingon dito at ganun na lang ang pagkawala ng mga luha niya nang mabungaran ang halatang nagulat din na mukha ni Rico. Bagamat hindi nito malalaman dahil sa buhos ng ulan.
Nagkatinginan sila sa mga mata.
“B-bakit?” nauutal na tanong niya.
Sa halip na sagutin siya, bigla itong lumapit sa kanya at niyakap siya.
Hindi siya tumutol. Bagkus, isinubsob pa niya ang mukha sa malapad na dibdib nito.
Nang kumalas siya, nagkatitigan sila.
“Meili, alam mo ba kung bakit ako nandito?” He softly touched her checks.
“Bakit?” naluluhang tanong niya.
“Dahil alam ko na nandito ka.”
“Ganun talaga kalaki ang tiwala mo sa akin?”
Tumango ito. “Yes. Because I know you can do it. At hindi nga ako nagkamali. You proved to me that you are really one of a kind. Wala kang katulad, Meili.”
“Rico...”
“You never failed to amuse me, alam mo ba ‘yun. Kapag pumupunta ako ng Delight, na-e-excite ako noon na hindi ko maintindihan. I thought it was just because of the cake but later ko ng na-realize na it was really because of you. Dati pa man, natutuwa na ako sa’yo.
“Kaya ba hindi mo binura ang mga pictures ko sa cellphone mo? Kaya ba nagsinungaling ka ng tanungin kita?”
Ngumiti ito at tumango.
“But why?”
“Because my heart is always searching for you, Meili. Tulad ng sinabi mo, lahat ng bagay may kapares, at para sa akin, ikaw ang kapares ko. And that day you left me, I don’t know what to do. I felt devastated. I even hated my self for not telling you how I truly feel. I was afraid that confessing my love for you could make you disappear ngunit wala iyong pinagkaiba sa nangyari. Akala ko, lilipas din ang nararamdaman ko para sa iyo but I was wrong. Habang dumaraan ang araw na hindi kita nakikita, mas lalo pa kitang hinahanap.”
Suminghot siya. “Ngunit bakit parang hindi ka masaya nang magkita tayong muli?”
He sighed. “Heaven knows, how happy I am to see you again, ngunit binaha ang puso ko ng selos. I saw that kid putting his arm on your shoulder and it kills me. I was hurt and insecure. Ano ba naman ang laban ko sa kanya gayong mas matagal kayong magkasama and mas bata siya. I was anxious. Isa pa, napagkamalan mo akong siya kagabi habang kinakarga kita.”
“Hindi ‘yan totoo. Marahil, ‘nung una napagkamalan kitang siya ngunit nang marinig ko ang boses mo at maamoy ko ang pamilyar na pabango mo, kahit lasing ako, alam ko na ikaw ‘yun Rico. I’m sorry for making you feel that way.”
“Meili, kung kailangan ko man na lumaban mapanalo ko lang ang puso mo gagawin ko. Just let me do. Ayoko ng malayo sa’yo.”
Napangiti siya.
“Rico, you don’t have to fight for a place in my heart, because you have my heart. Matagal na. At simula ng tumibok ang puso ko para sa’yo, hindi ko na hawak ‘to.”
“I thought I was already late.”
“No Rico. You are just in time. At kahit pa mahuli ka man, hindi na ako maiinip na hintayin ka.”
“Oh Meili, I was so stupid for letting you walked away from me.”
“Pero paano si Ma’am Jessica?”
Napakunot-noo ito.”What about her?”
“Hindi ba mahalaga din siya sa’yo?”
“Bilang kaibigan. Nang araw na sinabi mo sa akin na aalis ka, nagkaayos kami.”
“Talaga? ‘Yun lang?” paniniyak niya.
“Yeah. ‘Yun lang, because you are the only one for me, Meili. Only one.
Ilang sandali pa, bumaba ang tingin nito sa mga labi niya, kapakuwan ay ginawaran siya nito ng halik sa mga labi. Sa una, banayad lang ang halik nito na tinugunan naman niya, ngunit nang lumaon naging mapusok iyon at parang wala ng bukas. They missed each other. And for a moment, she felt loved.
Hindi nila inalintana ang sama ng panahon. They were both soaked and still kissing in the rain. Somehow, the feeling was so intense and special. More beautiful than anything. A dream came true in every fairytale. A happy-ever-after in every story. And a lovesong that was so sweet to hear.
“One day, I will marry you,” masuyong usal nito nang magbitaw ang mga labi nila. She giggled. At mahigpit na nagkayakapan sila. “I love you, Meili.”
Lumawak pa ang pagkakangiti ng mga labi niya. “I love you more, Rico.”
Sa pagkakataong iyon, nalulunod na ang puso niya sa sobrang saya.

- Wakas -

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just in Time (Completed)Where stories live. Discover now