Chapter 6

0 0 0
                                    


“ANONG ginagawa mo rito? Umiiyak ka ba?”
Napalingon si Meili sa kanyang gilid nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Sandaling nanlaki ang kanyang mga mata. Nakita niya si Rico. Tila kakaiba ang epekto nito sa kanya. Ilang araw din na hindi ito nagdaan sa Delight, kaya marahil naninibago siya sa presensiya nito. Pinagpag nito ang semento at umupo sa tabi niya. Sa pakiwari niya, kagagaling lang nito sa pag-jo-jogging. Humahangos at pawisan pa ito. Nakasuot lang ito ng simpleng puting, loose shorts at rubber shoes.
Gayunpaman, kinusot ni Meili ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ang namumuong luha sa gilid. Nasa tabing-dagat siya at nagpapahangin. Pinili niya roon para saglit na makapag-isip-isip. At para makalanghap na rin ng sariwang hangin. Maaga pa naman kaya ramdam niya ang hamog sa paligid.
“Ano’ng problema?” Bakit umiiyak ka?” tanong uli ni Rico.
“Hindi ako umiiyak. Napuling lang ako,” pagdadahilan niya.
“Nah! Gasgas na ang linya na ‘yan. Wala ka bang bago?”
Bahagyang napangiti siya. Kahit papaano, gumaan ang loob niya.
“Seriously, what’s wrong?”
Sinserong napatingin si Rico sa kanya.
“Yung  chance ko kasi na makapunta sa Australia, sa tingin ko, hindi na mangyayari.”
“What do you mean?”
Bumuntong-hininga siya. “Kailangan pa raw i-re-evaluate ang application ko. Hindi ako sigurado kung ma-a-approve. Hmm... hindi yata talaga ako para rito.”
Napayuko si Meili. Isang araw matapos ang assessment, kinausap siya ni Ma’am Jessica. Sinabi nito na limitado lang ang ipapadala sa Australia. At kailangan pang suriin muli ang application.
Nang araw din na iyon, tumawag ang mama niya, ngunit hindi niya ikinuwento rito ang nangyari. Nag-aalangan siya na baka madismaya niya ito, gayong sabik na sabik pa naman ito na makita at mayakap siya ng muli sa personal. At isa pa, ipinagmamayabang na rin siya ng mga ito sa mga kaibigan at kababayang Pilipino roon. Nangangamba siya na baka mapahiya lang ito dahil sa kanya.
She was worried. Paano kung hindi nga siya ma-consider ng university? Paano niya iyon ipapaliwanag sa kanyang Mama Belinda ang lahat? Parang piniga ang utak niya sa kakaisip. Hindi niya alam kung bakit mas namamayani sa kanya ang negatibong mga bagay-bagay kaysa pagkatiwalaan ang positibong magaganap. Parang nais niyang maiyak uli. Magkahalong lungkot at disappointment ang kanyang nararamdaman para sa kanyang sarili ng mga sandaling iyon. At tila iyon lang ang naglalaro sa isipan niya nitong mga nakaraang araw.
“Wait a second,” anito mayamaya. Iniangat niya uli ang mukha para tingnan si Rico. May kinuha ito sa bulsa. At ng ilabas nito ang kamay, may hawak na itong piso.
“Piso?” aniya.
Wala siyang ideya kung ano ang gagawin ni Rico.
“Yeah. You must look.”
Ikinuyom nito ang mga kamay na may laman na piso, at saglit na pina-ikot-ikot sa ere. Pagkatapos, itinapat nito sa kanya nang buksan nito ang kamay, nagulat siya ng mawala ang piso.
“Saan na ‘yun?” nagtatakang tanong niya. Bigla siyang nakaramdam uli ng excitement.
“Here!” Ngumiti ito sabay kuha ng piso sa likod ng tenga niya. Namilog ang mga mata niya.
“Wow! Ang galing!” manghang-manghang bulalas niya. “Paano mo ‘yun ginawa?”
“Secret.”
Napangiwi siya at natawa. “Ang daya naman.”
Hindi na bago sa kanya ang ganung tricks. Ilang beses na niya iyong napapanuod sa TV. Pero iba pa rin pala kapag sa personal na niya ito masaksihan. Inaamin niya. Naaliw siya ng sobra.
“That’s great, tumatawa ka na uli. Mas maganda ka kapag ganyan.”
Maang na napatingin siya sa maaliwalas na mukha ni Rico. Hindi niya alam kung bakit parang nagririgodon ang kanyang puso. Nag-init ang magkabilang pisngi niya. What it is then?


PAGKATAPOS makausap ni Rico si Meili, nagdesisyon siya na puntahan si Jessica. Hindi siya mapakali. Sa tingin niya, may kinalaman ang nakaraan nila ni Jessica noon kung bakit pinahihirapan nito si Meili ngayon. Ayaw man niya na mambintang, hindi naman niya maiwasan na magduda.
Naabutan niya si Jessica sa pathway. Palabas ito ng university. Kapansin-pansin na nagulat ito nang makita siya.
“What brought you here?” tila may galak na tanong nito sa kanya.
“Let’s talk,” matipid na sagot niya.
Tumango ito, kapagkuwan dinala siya ni Jessica sa hindi ma-tao na restaurant. Magkatapat na nakaupo sila sa harap ng isang rounded at gawa sa kahoy na mesa.
“You made me happy,” mayamaya ay wika nito.
“Please don’t,” aniya. Napalis ang ngiti sa mga labi ni Jessica.
“I’m here to ask you this, may kinalaman ba ang issue natin noon sa pagkaka-kompormiso ng scholarship ni Meili?”
“Lumarawan ang galit sa mukha nito. “Bakit? Concern ka ba sa kanya? You know what, I’m already expecting this to happen, hindi ko lang aakalain na mapapaaga.”
“Kung ganun, sinadya mo nga. Why are you doing this? What’s your point compromising her future?”
“Gusto mo’ng malaman? I’ll be frank dahil nagseselos ako, dahil inagaw ka niya sa akin. I saw you with her nang magpunta ako sa Delight, at nakita ko rin kayo na naghahalikan. Sa tingin mo, ano ang mararamdaman ko?”
Saglit na bumalik sa kanya ang alala na iyon. Pero wala siyang balak magpaliwanag. Tapos na sila kaya wala ng dahilan para gawin iyon. Isa pa, wala na itong karapatan na panghimasukan ang buhay niya.
“Rico, anim na taon, we’ve been in a relationship for six years, ganun na lang ba sa’yo kadali itapon ‘yun?”
“Jessica, you know that it was not my fault why it didn’t workout. In fact, I realized, it was not a relationship after all, it was a dictatorship. Ikaw lang ang parati na nasusunod and nakakasakal na. Kaya kung maaari, kalimutan na natin ang nakaraan at ‘wag mo ng idamay si Meili rito. Hindi mo alam kung paano niya pinapagod ang sarili niya para makuha ang scholarship.na ‘yun, ‘wag mo naman sana na ipagkait sa kanya ‘yun.”
“You never acted that way when we’re together. Anong meron sa kanya na wala ako? Dahil ba mas bata siya?”
“Jessica, don’t get it worse. Simple lang ang gusto kong hingin sa’yo. Stop being so manipulative, hindi lang ang mga tao sa paligid mo ang nasisira mo, pati na rin ang sarili mo. Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa pamilya ko noon? Haven’t you have enough?”
Hindi umimik ito.
“I guess, nasabi ko na ang dapat ko’ng sabihin. I need to go,” aniya at iniwan ito. Sa pag-alis niya, parang nabunutan siya ng tinik. Matagal na niya iyon na gustong gawin, ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ito. At sa mga oras na iyon, malalim na hininga ang pinakawalan niya.

NAWALA ang antok ni Meili nang makita si Ma’am Jessica na papasok sa Delight. Hindi niya inaasahan ang bigla nitong pagpunta. Malimit lang naman kasi ito kung dumaan doon.
“Good morning po, Ma’am Jessica!” kapagkuwan ay bati niya nang makapasok na ito.
Gayunpaman, ganun na lang ang gulat nila ng batiin at ngitian siya nito muli. Bigla siyang nakaramdam ng saya.
She was really thankful na pinansin na siya nito. In fact, nang mga unang araw niya sa Mindanao University, ito ang unang nakiklala niya.
Naalala pa niya, nag-aaral siya noon nang mapansin na may nahulog na wallet sa tapat niya. Nang iangat niya ang mukha, nakita niya ang likod ni Ma’am Jessica. Nilapitan niya ito, at pagkatapos, magalang niya’ng ibinalik ang wallet nito. Natuwa si Ma’am Jessica dahil sa ginawa niyang ‘yun. Kaya naman, nilibre siya nito ng pagkain sa canteen. At first, she was intimidated. Alam niya’ng pamangkin ito ng may-ari, ngunit simple lang ito nang makipagkuwentahan sa kanya. At simula ‘nun, nagging magaan na ang loob niya rito. Tinulungan siya nito. And she seemed to be her mentor. Mas lalo pa siyang naging inspirado mag-aaral dahil sa mga gabay nito. Dagdag pa, dahil dito, marami siyang contest na nasalihan at napanalunan. And she thought her so many lessons in life. Isa na roon ang magsumikap, lalo na sa bagay pinapangarap. And that led her to what she was now.
“Actually, Meili, I’ve decided to have a ‘bed of roses’ theme for my cake,” pukaw nito sa kanya. “Well, sa design, puwede bang sayo ko na i-request? I think, I don’t have enough time to work for it. And I believe in you. So can you do it for me?”
Natutuwang tumango-tango siya. “Don’t worry Ma’am Jessica, ako po ang bahala. Gagandahan ko po ang design.”
Ngumiti ito.”Thank you, Meili. You know what, you’re very lucky. And about your application, ‘wag ka ng mag-alala, ako na ang bahala ‘dun. Sa tingin ko naman, the University is still considering you.”
Lumapad ang pagkakangiti niya.
“Pero may isa pa sana ako’ng gustong hilingin.”
“Ano po?”
“Can you invite Rico on my birthday?”
Saglit na natigil siya. Bakit naman kailangang siya pa ang mag-imbita sa binata? Hindi ba’t parang ang dalawa naman ang mas magkakakilala? Gusto niya itong tanungin pero hindi niya nagawa.
“I know I have asked you so much already, but can you do it for me?”
Ano ba ang isasagot niya rito? Saglit na natahimik siya bago makasagot.
Napawaang ang mga labi niya. “Opo.”
Lumiwanag ang mukha nito. “I’ll be counting on you, aasahan kita at si Rico sa party ko. Pasensiya na, ha, grabe lang kasi talaga ka-busy ang schedula ko ngayon. Actually, si Tab ang unang kinausap ko tungkol dito pero baka nakalimutan na niya. Tsaka, isa pa, wala rin naman kasi siya ngayon.” Tama ito. Nasa Maynila si Sir Tab. May personal itong lakad.
Gayunpaman, napasubo na siya. Hindi naman siguro ganun kahirap na papuntahin ito sa party.


SA MGA SUMUNOD na araw, nakailang beses na napapasulyap si Meili sa pinto ng Delight. Umaasa siya na bubungad mula roon ang guwapong mukha ni Rico, ngunit lagi siyang bigo.
Saglit na napatingin siya sa relong pambisig. At napabuntong-hininga siya nang makitang ilang minuto na lang, magsasarado na sila. Nakagat niya ang ibabang-labi. Hindi siya mapalagay. Nangangamba siya. Sa darating na lingo, magaganap na ang party ni Ma’am Jessica, at sa kasalukuyan, huwebes na, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya nakikita si Rico. Hinahanap-hanap niya ito. Huli niya ito’ng nakasama, noong nasa tabing-dagat sila. At sa tuwing bumabalik siya roon, hindi niya ito matiyempuhan. Paano niya ito makakausap?
Minsan, hindi niya maintindihan ang sarili. May bahagi sa kanya na gustong ‘wag na itong pumunta. Ngunit hindi rin naman niya maiwasang makonsensiya. Kung tutuusin, maliit na bagay lang iyon, kumpara, sa lahat ng naitulong sa kanya ni Ma’am Jessica.
Tumigil siya sa pag-iisip nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone.
Nang tingnan niya ito, nakita niya ang isang mensahe na ipinadala sa kanya ni Ma’am Jessica.
“Hi Meili! Na-invite mo na ba si Rico? Pupunta ba siya? I hope I could get a positive reply from you. Thanks.”
Napabuntong-hininga siya.
Ilang sandalli pa, lumabas na siya ng Delight. Ngunit imbis na umuwi, sa pantalan siya dinala ng kanyang mga paa. Napahalukipkip pa siya sa lamig. Pakiramdam niya, parang may lubid na humihila sa kanya papunta roon.
Habang naglalakad, iniisip niya kung ano ang eksaktong sasabihin dito. Ngunit tila gulo ang isip niya. Marahil ay nenerbiyos siya. Ngunit bakit naman? Tumingala siya sa kaulapan, at napabusangot siya nang wala siyang makitang ni isang bituin sa langit – na sana man lang pampalubag ng loob niya.
Saglit na huminto siya. Parang nagdadalawang-isp na siya. Ngunit mas nanaig ang hangarin niya na makita at makausap ito, kaya sa huli, nagpatuloy siya.
Nang makarating sa daungan ng mga barko, agad niyang nilapitan ang isa sa mga crew doon. Mabuti na lang at isa lang ang barkong nakadaong ng mga oras na iyon. Hindi siya malilito.
Balak niyang personal na lang talaga na kausapin si Rico. Iyon lang ang alam niyang paraan para maimbita ito.
“Excuse me po, magtatanong lang po. Kilala niyo po ba si Rico?” tanong niya sa crew na nasa labas.
“Rico Galvantes ba ka’mo? Si kapitan?”
Tumango siya. “Opo.”
“Naku, busy si kapitan ngayon. Pero subukan mo na lang na puntahan siya sa cabin, Miss.”
“Ho?”
Lumarawan ang makahulugang ngiti sa mga labi nito. She felt a little strange.
Tumikhim siya. “Saan po banda?”
Itinanong niya rito ang direksyon papunta sa cabin ni Rico at wala pang segundo ay agad naman siyang sinagot ng crew.
Nang mahimigan ang sarili, pumasok na siya sa barko.
Mayamaya, napahakbang na siya sa hagdanan pababa sa kamarote nito. At wala pang isang oras, nasa tapat na siya ng pinto. Napahugot siya ng malalim na hininga. Sa kabila ng lamig, pinagpapawisan siya.

Just in Time (Completed)Where stories live. Discover now