Chapter 10

0 0 0
                                    

"HINDI pa ba tayo aalis?" tanong ni Ron kay Meili.


Sinamahan siya nito para bumili ng pagkain. Bago pumasok sa loob ng airport, dumaan muna sila sa isang food stall. Ngunit taliwas sa sinabi niya na saglit lamang sila roon, umaabot na sila ng mahabang minuto. At ang pangatwiran niya, nag-iisip pa siya.


Kasalukuyan na bitbit nila ang mga maleta at hinihintay ang flight papunta ng Australia.


Nang balingan niya si Ron, napasimangot ito.


"Sige na, mauna ka na lang," wika niya.


Nagkibit-balikat ito. "Hindi na. Ano ba kasi ang gusto mo?"


Hindi siya sumagot. Ano nga ba? Gulong-gulo na talaga ang isip niya. Ang akala niya, buo na ang loob niya na umalis, 'yun pala ay mali siya. Ayaw niya na malayo kay Rico. At wala siyang ibang gusto kun'di ang makita uli ito.


Nagagalit siya sa sarili. Sa palagay niya, makasarili siya. She waited for the moment she would see Mama Belinda again subalit parang may lubid na pumipigil sa kanya.


Tama nga ba naman ang nararamdaman niya? Bakit parang ang hirap timbangin ng damdamin niya? Madali lang naman sana talaga ang lahat, kung hindi nga lang siya nahulog kay Rico.


She would have just forgotten him and moved on ngunit sa parte niya, tila hindi iyon ganun-ganun lang.


Naroon pa rin ang kahilingan niya na makasama ito. At mula nang aminin niya sa sarili ang tunay na damdamin para rito, lagi na lang sumisingit sa isipan niya ang mga tawa at tingin nito.


There were times na natatagpuan na lang niya ang sarili na natutulala kaiisip dito. And it seemed she always see his faces anywhere she goes. She was always looking for him. Na kahit maraming beses na niyang sinubukan at pilitin ang sarili na ipagwalang bahala na lang ang magagandang araw kasama ito ay hindi niya mapagtagumpayan. In the past few days, mas lalo pang nadadagdagan ang matinding pangungulila niya para rito.


At ang tanging hiling laman niya ay makapiling ito.


He may not love her but somehow, she wanted to give it a shot. Paano kung mapa-ibig din niya ito? Paano kung umayon din sa kanya ang tadhana?


Naglalakbay ang diwa niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nagising siya. At naulinagan niya kung sino ang tumatawag - ang Mama Belinda niya.




"HEY, I can't reach her. Is this really her number?"


Hindi mapakali si Rico habang tinatawagan ang numero sa cellphone ni Meili. Ilang beses na niya itong kinokontak pero parati na lang naman out of coverage. Kinakabahan siya.


"Yeah. Ewan na lang kung suddenly nag-change siya ng number," sagot ni Tab.


Nahilamos niya ang mukha ng sariling mga kamay. He felt terrified.


Si Tab naman na kanina pa nakasunod ng tingin sa kanya ay halos mahilo na rin. He walked back and forth - the same direction.


Kagagaling lamang niya sa opisina ng Marina nang maisipan na magpunta sa Delight. At nang magkausap sila ni Tab, nalaman niya mula rito na nang araw na iyon ang flight ni Meili papunta ng Australia.


Wala siyang ideya kung ano ang gagawin. He was in a state of shock. Parang na-mental block siya. At doble-doble ang nararamdaman niya na pangamba na baka hindi na niya muling makikita si Meili.


He blamed his self. Sa mga nagdaang araw, wala siyang ginawa para ipadama ang pagmamahal niya para rito. Mas pinili niya na mamayani ang pag-aalinlangan niya. Na isarili na lang ang tunay na kahilingan ng puso. At ang mapangunahan ng takot.


Why was he so coward? Bakit pa niya pinaabot sa ganun ang sitwasyon? He may have accepted the fact that Meili would be leaving him for God's good sake, subalit ang hindi nito malaman ang totoong damdamin niya para rito bago man lang umalis ay isang malaking kasawian.


"What should I do?" frustrated na tanong niya.


"Rico, come on, why don't you just go. You can make it, if you hurry."


Sa sinabi ni Tab, parang nabuhayan siya ng pag-asa sa dibdib. "Can I borrow your car?" tanong niya kapagkuwan.


Tumango ito at nakangiting itinapon sa kanya ang susi ng kotse. "Follow your bliss, man."


"Yeah."


He went to his car at dali-daling niyang pinaandar iyon. At dahil sa kagustuhan na mahabol pa si Meili ay mabilis ang ginawa niyang pagpapatakbo sa sasakyan. Na kulang na lang walisin niya ang mga nakaharang na iba pang mga kotse sa daan. Ngunit napamura siya ng wala sa oras ng magkaroon ng mahabang traffic, dahil sa isang banggaan ng dalawang motorsiklo. Nahampas niya ng malakas ang manibela. At lumipas muna ng ilang minuto bago bumalik sa normal ang lahat. He sighed in relief. At muli siyang nagmaneho ng mabilisan.


He was so rugged. Parang gusto niyang makipagkarekarahan sa takbo ng orasan.


At pagkatapos ng mahabang sandali ng kanyang biyahe, narating na din niya ang airport. Kaya naman agad siyang bumaba ng sasakyan at hinagilap ang imahe ni Meili.


Ngunit hindi niya ito makita. Where is she, now?


Nagpumilit siya na pumasok sa loob ng building ngunit hindi siya pinayagan ng dalawang guard. Sinubukan na rin niya na ipaliwanag dito ang sitwasyon ngunit ayaw ng mga ito na makinig.


He felt wasted. Parang sinalakay na siya ng matinding kaba.


"Rico?"


Ganun na lang ang pagkagulat niya nang biglang may sumambit sa pangalan niya.


Agad siyang napalingon sa likuran.


"Jessica, where is Meili?" biglang tanong niya.


Lumarawan ang panghihinayang sa mukha nito. "She just left. Kaalis lang ng eroplano."


He shattered. That moment, he lost a part of his self. At naniniwala na siya sa kasabihang, nasa huli ang pagsisisi.




Sydney, Australia



"MEILI!"


Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Meili nang makalapag na ang mga paa niya sa arrival area ng airport.


It was her Mama Belinda. Excited ito sa pagdating niya.


She was even happy. Sabik na sabik na rin siya rito. At nahabag ang puso niya sa masuyong paghaplos ng mga kamay nito sa buhok niya. She kissed her cheeks at lumapad ang pagkakangiti nito ng pakatitigan ang mukha niya. Was she crying?


Marahang pinunasan ni Meili gamit ang mga kamay ang mga luha ng ina. "Huwag na po kayong umiyak, Ma. Nandito na po ako."


Ngumiti ito. "Luha ito ng kaligayahan anak. Natutuwa lang ako na makita at mahawakan ka uli. I thought it would be impossible for us to see each other again, but thanks God. He granted my prayers. And now, you are here with me. It's happening and I am so grateful."


Meili hugged her again. "Na-miss ko po kayo ng sobra." At siya naman ang napaluha. She felt thankful. She was glad for making the right decision. Kahit na ang kapalit nito ay ang masakit na realisasyon ng tuluyang pagtalikod niya sa nararamdaman para kay Rico.


Gayunpaman, napakaganda sa pakiramdam niya na makapiling muli si Mama Belinda.


Just in Time (Completed)Where stories live. Discover now