Chapter 7

1 0 0
                                    

NAKAKATLONG katok pa lang mula sa labas, binuksan na ni Rico ang pinto ng kanyang cabin. Nagtaka siya nang makita ang nakatayong magandang imahe ni Meili. Rumehistro sa mukha nito ang pagkabalisa.
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
Mataman siyang napatingin dito. “Meili? Bakit ka nandito?” May isang bahagi ng isip niya ang natutuwa sa presensiya nito.
Tumikhim ito. “A-ano kasi, pinapasabi ni Ma’am Jessica na invited ka raw sa birthday party niya ngayong lingo. Sa mansiyon daw ang venue. Sana pumunta ka.”
Nabigla siya. At palihim siyang napapalatak. Bakit kailangan pa gamitin ni Jessica si Meili para makuha nito ang gusto? Ano ba talaga ang plano nito?
“You just came here to say that?”
Bahagyang napayuko ito. “Hindi ka na kasi pumupunta sa Delight kaya naisip ko na lang na puntahan ka. Pasensiya na kung na-istorbo man kita. Pasensiya talaga.
Napahagod siya sa batok. “You know what Meili, you don’t have to do this. Isa pa, I won’t go.”
“Bakit naman?” nagtatakang tanong nito.
“Because I don’t want to.”
“Eh, bakit nga?” usisa uli nito. Tila hindi pa ito kuntento sa isinagot niya.
Because she’s my ex-girlfriend, ‘yan ang gustong isagot ni Rico kay Meili ngunit hindi ‘yan ang lumabas sa bibig niya. Hindi siya tumingin dito. “Because I don’t know what to wear in parties,” sagot niya kapagkuwan.
Napahilamos siya sa sariling mga kamay.
Nah! Ano ba naman ito’ng pinagsasabi ko? Nasisiraan na ba ako ng bait? sikmat niya sa sarili.
Naroon ang buong pamilya ni Jessica kaya mas lalong nag-aalang siya. Bagamat, matagal na niyang nalinis ang pangalan sa mga ito. Hindi pa rin siya kumportable.
Nang araw kasi na malaman ng pamilya ni Jessica ang kasinungaling nito, agad na humingi ng pasensiya ang mga ito sa nagawa – sa kanya at sa pamilya niya. Hindi rin naman siya naging madamot na patawarin ang mga ito. Maliban lang kay Jessica na hindi pa rin tinatanggap ang kasalanan nito.
Bagamat ngayon lang, tila inuungkat na naman nito ang nakaraan sa kanilang dalawa.
He sensed something about the invitation, tila nakasalalay sa desisyon niya ang scholarship ni Meili. Kaya mas lalo siyang nalito sa isasagot dito. Things happened again. At sa pagkakataon na iyon, tila ang walang kamuwang-muwang na si Meili ang biktima nito.
Gayunpaman, namilog ang mga mata ni Meili sa narinig. “Yun lang ba ang dahilan?” Napangiti ito. “Kung ganun, ‘wag kang mag-alala, ako na ang bahala sa’yo.”
I screwed up!
She laughed off.
“I haven’t said yes.”
Ngunit tila hindi nito inalintana ang sinabi niya.
Gayunpaman, napasinghap siya nang tumunog ang handset – isang telephone transmitter at receiver – kapagkuwan, umalingawngaw ang boses ng kanyang chief mate. Tinatawag nito ang atensiyon niya.
“Meili, pumasok ka muna, may aasikasuhin lang ako sandali,” wika niya mayamaya. Iminuwestra niya ang isang silya sa gilid ng mesa.
Medyo malawak ang kanyang kamarote. May sarili siyang comfort room, sala at regrigerator sa loob. Gayunpaman, kailangan niyang iwan sandali si Meili. May mga aasikasuhin lang siya – ibabalanse niya kung ilang tons ng cargo ang ilalagay sa bodega ng barko.
Sandaling natigilan naman ito.
“Hindi na. Uuwi na ako,” pakli ni Meili.
Umiling siya.
“No Meili. Huwag ka munang lumabas. Mas makakabuti kasi kung sasamahan na kita mamaya palabas ng barko. Hindi rin naman ako matagal na mawawala. Babalik din ako kaagad,” paliwanag niya. Hindi kasi siya mapapakali kapag mag-isa itong lalabas. Dagdag pa, baka saan pa ito mapunta. Alam niya ang hilatsa ng iba niyang kasamahan sa barko pagdating sa babae.
He just wanted to protect her. Eventually, protect her from other men. Parang gusto niya na sa kanya lang ang atensiyon nito at wala ng iba.
Gayunpaman, napatango ito. Kaya nakahinga siya ng maluwag.
“Thanks,” aniya.
Palabas na siya ng kamarote nang bigla itong magsalita.
“Di’ba ito ang Stargazer Cruise Ship sa Sydney?” Napatayo na ito.
“Yeah,” sagot niya. Ang tinutukoy nito ay ang painting na nakasabit sa kanyang dingding kung saan makikita ang pinakamalaki at pinakakilalang cruise ship sa buong mundo na nasa Sydney Harbour sa Australia.
“Ang ganda pala talaga ‘no. Alam mo, pangarap ko na diyan makapagtrabaho.”
“It could be.”
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. “Talaga?”
Tumango siya. “Yeah.”
“Hmph! Nga pala, may trabaho ka pa di’ba? Sorry. Sige umalis ka na, Rico. Naabala pa kita tuloy.”
Napangiti siya at pagkatapos makapagpaalam dito ay lumabas siya ng kamarote.
PAGKARAAN ng isang oras, nayamot si Meili na pagmasdan lang ang muling pagbukas ng pinto. Napatayo siya. Naisip niya na lumabas na lang ng kamarote nito.
Binuksan ni Meili ang pinto at napasinghap siya nang makita mula sa bintana na madilim na sa labas.
Iginala niya ang tingin sa paligid at naagaw ang atensiyon niya nang marinig ang tila nagkakatuwaan at malalakas na tinig ng mga lalaki. Sinundan niya ang pinagmulan ng ingay. At napaakyat siya sa ladder. Ngunit natulos siya sa kinatatayuan nang makita ang mga hubo’t hubad na mga lalaki na nagpapaligo ng mga livestock na baboy.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan! In her nineteen years of existence, ‘nun pa lang siya nakakita ng mga nakabalandrang alaga ng mga adonis!
Napatago siya! Hindi niya alam ang gagawin. Paano kung makita siya ng mga ito? Paano kung pagbintangan siya na talagang naninilip? Jeez!
Napatiyad siya sa paglalakad paalis sa lugar na kinatatayuan niya. Dahan-dahan lang para hindi siya mapansin. Balak niyang bumalik na lang sa cabin ng binata at doon na ito hintayin. Sa tingin niya, hindi na niya matandaan ang daan palabas ng barko.
“Where have you been?”
Napalundag ang puso ni Meili ng bigla na lang bumungad sa harapan niya ang tila dismayadong mukha ni Rico.
Hindi siya nakasagot.
Walang salitang pinagsiklop nito ang kanilang mga kamay. Nawindang siya! At nakaramdam siya ng kakaibang paggapang ng kuryente sa kanyang buong katawan. Nagging malakas ang pintig ng kanyang puso. At tahimik na napatitig siya sa mukha ni Rico. Marahan siyang dinala nito pabalik sa cabin.
Nang makarating sila sa loob, pinaupo siya nito. At ganun din ito sa isang silya. Ngunit hindi binibitiwan ang kamay niya. His hands were warm. At parang napaso siya. Pinawi nito ang lamig niya.
“Tell me, anong nakita mo ‘dun?” biglang tanong nito.
Napahinga siya ng malalim. “Wala.” She felt so uncontrol in her emotions. Hindi dahil sa nakita kanina sa labas, kun’di dahil sa paglalapat ng kanilang mga palad ni Rico. Bakit nga ba, hindi pa siya binibitawan nito?
  She was in total confusion.
Gayunpaman, napalitan ng kaswal na expression ang mukha nito. “You can’t hide that from me Meili, kasi may tutubong parang maliit na bulutong tubig diyan sa gilid ng mata mo. Hindi ko lang alam kung sa kanan ba, o sa kaliwa.”
Bahagyang napangiti siya ng mahimasmasan. “Wala kasi akong nakita,” pagtatanggi niya.
Muling kumislap ang mga mata ni Rico. At hindi niya mapigilan ang sarili na pakatitigan ito. Masuyo ang pagkakatitig nito sa kanya at ilang sandali ang lumipas, naramdaman na lang niya ang mga labi nito sa mga labi niya. Napabuka ang bibig niya. At napapikit siya. Hinayaan niya na namnamin ang matamis at malambot na labi ng binata. It was a light kiss. Pero sapat na iyon para makaramdam siya ng electric shock.
Ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napadilat siya. At tila natauhan din ito. Napailing na napahagod ito sa sentido. Siya naman ay naguguluhan.
Bakit niya ako hinalikan?
Malakas na napatibok ang kanyang puso.
“Teka, kailangan ko ng umuwi. Nakalimutan ko ‘yung mga sinampay ko sa labas.” Bigla siyang naalarma.
Natawa ito.
“I’ll take you home.”
Napatayo siya. At tulad ng sinabi nito, sinamahan siya ni Rico palabas. Ngunit hindi na siya nagsalita pa. Gayundin ito.
Bagamat, naroon pa rin ang kakaibang damdamin na naidulot nito sa kanya.
KINABUKUSAN, napangiwi si Meili nang makita – sa salamin ng kanyang pressed powder – ang mukhang bulutong tubig na tumubo sa gilid ng kanyang kanang mata.
Hindi niya aakalain na may katotohanan pala ang sinabi ni Rico. Kasama ba ito sa angkan ng mga manghuhula? Saan naman nito nakuha ang ganuon na paniniwala?
Nang makuntento sa kakasuri, isinilid niya ang pressed powder sa loob ng kanyang bag.
Ngunit nang iangat niya uli ang mukha, nahigit niya ang hininga sa bultong naglalakad papunta sa direksyon niya – si Rico.
Nilagpasan na nito ang Delight. Marahil siya ang pakay nito!
Agad siyang napatalikod. Niyuko niya ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad. Kinakabahan siya! Tila kailangan niyang hingin ang araw na iyon kay Sir Tab para makapag-day off. Parang hindi niya kayang harapin si Rico. Tuliro pa rin ang isip niya dahil sa halik nito. At lalong-lalo na sa kakaibang epekto na naihahatid nito sa kanya.
Nalilito siya.
“Meili?”
Napapadyak ang puso niya nang marinig ang boses ni Rico.
Napahinto siya.
Agad niyang tinakpan ang mukha gamit ang kamay nang tumayo ito sa harap niya. Hindi maaari na makita nito ang nasa gilid ng kanyang kanang mata. Hindi maaari!
“What are you hiding for?”
Napapalatak siya. Wala na siyang tago. Huling-huli na siya.




“NAH! Sabi ko na nga ba’t nakita mo. ‘Ayan tuloy ang nangyari.” Pumalatak si Rico matapos nito mapansin ang nagmistulang bulutong-tubig sa gilid ng kanyang mata. Nasa loob na sila ng Delight. At una nila’ng napag-usapan ang tungkol sa party ni Ma’am Jessica. Pupunta na ito.
Ngunit nang mga sandaling iyon, tila ang mata niya ang nadiskitahan nito.
“Bakit ka ba nang-aasar diyan?” pakli niya kapagkuwan.
“Ako pa? Ikaw nga itong nakaka-asar, eh,” asik nito.
“Paano naging ako? Eh, ikaw nga ito’ng nag-open up ng topic about ‘dun sa nangyari.”
Frustrated na napahagod ng batok si Rico. “That’s why I’m telling you not to leave the ship without me, pero hindi ka nakinig.”
“Malay ko ba kasi na ‘yun pala ang makikita ko. Na-curious lang naman ako kung saan galing ‘yung ingay.”
“Sana kasi, nakinig ka na lang sa sinabi ko.”
“Bakit mo ako sinisisi? Eh, ikaw nga itong matagal bumalik ‘no. Nakakainip kayang maghintay.”
“Kahit na.”
“Tsaka, ano naman kung may nakita ako? Nineteen na ako. ‘Yung iba nga na mga ka-edad ko, may mga anak at sariling pamilya na.”
Bakit nga ba masyado itong affected? Ganun ba talaga kalaki ang kasalanan niya?
Pumatlang ang kaba sa dibdib ni Meili nang biglang ilapit ng binata ang mukha nito sa kanya. “Ibig mo bang sabihin, open-minded ka?” pabulong na usal nito.
Napalunok siya. “Anong binabalak mong gawin?” tensyonado na tanong niya.
“Ano sa tingin mo?”
Wala sa loob na napatingin siya sa mapuplang mga labi ni Rico. Hindi kaya, gusto siya nitong halikan? Hindi kaya, mararamdaman niya uli ang malambot na labi nito sa pangatlong pagkakataon?
“E-excuse me.”
Inagaw ng isang boses ng lalaki ang parehong atensiyon nina Meili at Rico. Sabay na napalingon silang dalawa sa pinagmulan ng boses na iyon. At agad niyang inilayo ang sarili nang makita si Ron.
Tumikhim siya. “Ron, sinong may birthday?” bungad niya rito.
Lumarawan naman ang nanunudyong ngiti sa mukha nito. Ngunit hindi siya nagpahalata. Alam niyang may ibig itong sabihin.
“Tita ko,” mayamaya ay sagot nito.
“Kung ganun, ano’ng cake ang bibilhin mo para sa kanya?”
“Isang vanilla cake lang Meili. ‘Yun kasi ang paborito niya.”
Tumango siya. “Okay.”
Saglit na napasulyap siya kay Rico. At kapansin-pansin ang disgusto sa mukha nito. Hindi niya tuloy matukoy kung bakit bigla-bigla na lang nag-iba ang timpla ng mood nito. “Aalis na ako,” wika nito kapagkuwan.
“Teka, hindi ka man lang ba bibili ng cake?” pakli niya. Nakaramdam siya ng panlulumo sa sinabi nito.
Ikinumpas ni Rico ang kamay sa ere. “Hindi na,” sagot nito. At pagkatapos, binuksan ang pinto at lumabas.

Just in Time (Completed)Where stories live. Discover now