Chapter 3

15 0 0
                                    

MADI

It's been three days since that night happened. And it's been three days na rin na hindi siya nagpakita. Oh, akala ko ba babawi siya? Why is he like that? Walang isang salita. Andaming lumalabas sa bibig pero hindi man lang nag – abalang totohanin at i – put into actions. qiqil mo si acquoeh hmp.

I'm with my Ren and Tristan right now. Wala na si Ken, nilipad na ng hangin kahapon lang. At wala rin siya.

Eh, bakit mo ba siya iniisip? My subconscious is in chaos right now. I can't focus on the song I'm composing dahil bigla – bigla na lang siyang lumalabas sa isip ko and it's frustrating me.

"Arrgh," I yelled at myself pero alam kong dinig na dinig iyon ng mga kolokoy. I crumpled my paper and threw it on the floor.

"Woah, woah, chill lang, Mad. Darating din 'yung si Jack! May dinaanan pa raw siya at wala siyang dalang kotse. Baka na – stranded lang iyon at sumisilong pa dahil umuulan," sabat ni Ren.

I glared at him like he's done something so wrong. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"And what made you think na I'm waiting for him?" naiinis kong tanong.

"Feel ko lang. HAHAHA" and he laughed.

"Whatever. Tsismoso ka talaga," sabi ko tsaka inirapan siya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at saglit na tiningan ang bintana ng studio namin. I opened the curtains to see the surroundings outside. It's raining cats and dogs.

Parang may naalala akong hindi maganda 'pag ganitong umuulan. Hindi ko nga lang mapagtanto kung ano 'yun. I closed my eyes trying to remember what that is. Keep thinking, Madi. Keep thinking...

I kept on thinking what might it ---- "Oh my god, it's raining!"

"Umuulan nga. Ano namang meron kung umuulan sa labas?" Tristan asked. Busy siya sa pagde – design ng Cajon niya.

Kumabog nang malakas at mabilis ang puso ko nang maalala ko nalang kung ano iyon. I remembered it clearly what happened back then and it was so traumatic!

Jack is a pluviophobe! May phobia siya sa ulan!

"It's raining outside! At nasa labas pa si Jack!" I shouted dahil siguro sa nagpa – panick na ako sa kung anumang posibleng nangayri sa kanya sa labas.

Napabaling ako bigla sa pintuan nang marinig ko iyong bumukas at nakita kong basang – basang pumasok si Jack. He's trembling and shaking so bad! Bigla niyang naibagsak ang kanina'y hinahawakan niyang plastic. 'Di rin nagtagal ay siya rin mismo ang bumagsak.

"JACK!"

I hurriedly went to him sa sobrang pag – aaalala ko sa kanya. Nanginginig siya nang sobra at ang init ng katawan niya. Napamura rin ang dalawa sa ngayon ay nasa likod ko.

"Jack are you okay?" Ren asked.

"Anong nangyayari?" Tristan asked cluelessly.

Hindi ko pinansin ang tanong nila and all I want to do is help Jack with his seizure attack. I held him in my arms for him to be comfortable in breathing. Pinaupo ko siya habang ang kaliwang braso ko ay nagsilbing sandigan ng likod niya.

"Jack, take a long, deep breath. I know you can do it, please. Oh god," I said na kapagkuan ay sinunod rin niya habang ako ay sinasabayan siyang mag inhale – exhale.

Jack took a deep breath and eventually released it. Ilang beses pa niya itong inulit hanggang sa naging normal na ang paghinga niya.

"Ren, pakikuha naman ng mainit na tubig, please."

"Okay coming," he replied habang nagmamadaling pumunta sa kusina.

"And Tristan siguro may dala ka namang extra clothes no? Pahiram muna, tsaka pakikuha narin ng towel sa banyo,"

"Okay, sandali lang."


THIRD PERSON

Hindi mapakali si Madi habang tinitingnan ang kalagayan ng walang malay na si Jack. Palakad – lakad ang dalaga sa buong kwarto habang tumitingin paminsan – minsan sa binata, nagbabaka – sakaling magising ito. Mainit pa rin kasi ang binata pero medyo bumaba na ang temperatura nito kumpara kanina.

"Mad, I know you're worried as hell pero umupo ka nga muna. Nahihilo ako sa kakalakad mo, eh," sabi ni Ren, halatang naiirita na sa ginagawa ng dalaga.

"Oo nga, Mad. Magigising rin 'yang si Jack maya – maya lang," dagdag pa ni Tristan.

Madi decided to sit near Jack's bed. Ang dalawa nama'y nasa likurang kung saan ito naka – upo.

"Lalabas muna kami ni Ren, Mad. Bibili kami ng dinner natin," Tristan said.

"Sige,"

Nang nakaalis na ang dalawa, tiningnan niya ulti ang maamong mukha ng binata. Jack is now wearing some fresh, dry clothes na pinahiram kanina ni Tristan. Si Madi ang nagtiyagang alagaan si Jack kani – kanina lang ngunit hindi pa rin ito nagigising. Kaya kahit mahigit isang oras na itong tulog, hindi niya ito iniwan hanggang sa naramdaman nitong bumigat ang ulo niya at nakatulog na rin sa tabi ng binata.

Madi woke up when she heard Jack murmur something. The guy is still in his deep sleep pero umuungol ito ngayon. Hindi maintindihan ni Madi ang sinasabi ng lalaki kaya maingat niyang inilapit ang taenga sa mukha ng nito at taimtim itong nakikinig sa mahina nitong boses. Pero kahit gaano pa kahina ang boses nito ay dinig na dinig niya ang ilang ulit na sinasambit ng binata ang mga katagang,

'Sandi, baby... Sandi,'

She was stunned. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang reaksiyon sa nadinig nitong sinabi ni Jack. Hindi namalayan ni Madi na may tumulo na palang luha sa pisngi nito. When she realized it, she immediately dried herself.

Hindi ka dapat umiyak, Madi. Wala kang dapat maramdaman.

She promised herself not to cry over a guy who broke her into pieces. She promised herself not to care over the guy who left her back then. She promised herself not to go near the guy who said he can't live without her.

But all those promises were broken in just a snap of a finger. Great, promises are really meant to be broken. Pati sa sarili nito'y hindi natupad ang pangako. Kung bakit siya umiiyak ngayon ay siguro dahil may puwang pa talaga ang lalaki sa puso niya. But Madi as Madi, she'd probably deny that thought of hers.

'Sandi, Sandi, baby. P-please come back...'

There is that name again! Sino ba ang babaeng iyon at lagi itong lumalabas sa bibig ng lalaki? Kung may minamahal na pala itong iba, bakit pa siya bumalik sa buhay niya? Eh 'di sana'y hindi ito umiiyak ngayon.

Pinahid ulit ni Madi ang tumulo na namang luha sa magkabilang pisngi nito at mabilis itong tumayo at lumabas ng kwarto. She went directly to the comfort room at hindi na niya nagawang pigilan ang bigat ng mga luhang kanina pa gustong lumabas mula sa mga mata niya. And she cried all herself out.

-------------------

Sino sa tingin nyo si Sandi? Share your thoughts and comment!

PS: What do you think of my 'Third Person?' Okay lang ba? T.T

DeadWhere stories live. Discover now