Chapter 6

11 1 1
                                    

THIRD PERSON

Today's grocery day. Si Madi ang nakaassign na mamili ng grocery para sa banda for the whole week. One of the rules ng banda is kung sino man ang nakaasign, siya rin ang magbabayad ng pinamili. Hindi naman iyon problema kay Madi dahil may sapat na budget naman siya and she can afford it anyway. Si Tristan lang siguro ang may problema sa rule na iyon kasi medyo kuripot. No scratch that, hindi lang pala medyo, talagang kuripot ang lalaking iyon. Biruin niyo, whenever it's his grocery time, puro canned goods ang naiuuwi nito sa studio! Minsan nga pati instant foods binibili nito compared sa fresh meat, veggies and rice na bili niya! Nevertheless she, rather they, gave him a benefit of the doubt. Baka naman kasi talagang may pinag – iipunan lang ito na kung ano na sobrang mahal at talagang masinop siya sa pagtitipid.

Her cart is already filled with a couple of goods in it and she noticed there isn't any meat, yet. She found her way to the meat section and to her surprise, she saw a familiar figure a few meters from her.

"Ken?! Oh my god! Nakauwi ka na pala?" she said surprisingly and walk – run towards him. "Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Edi sana nakapaghanda kami sa pag – uwi mo!"

Bahagya itong tumawa. "I missed you kaya mas napaaga ang uwi ko," sagot nito saka ngumisi.

Naguguluhan siya sa sagot nito at hindi alam ang ipinahiwatig. "H-huh?" nagtagpo ang mga kilay niya.

Ken just giggled and caught her arm. "Ang sabi ko, ituloy mo na ang paggro – grocery mo. Sasamahan kita," he said while guiding her to the chicken meat section.

Hindi tuloy siya mapakali sa sinabi nito at ngayon ay nakakunot pa rin ang noo. She thought maybe what Ken said earlier was meant to be for all of them who was waiting for him. Siguro ay na – miss nito silang LAHAT kaya mas napaaga ito nang uwi.

I missed you kaya mas napaaga ang uwi ko. Ay! Ano ba 'yang inisip niya? Baka mali lang siya nang rinig at kung anu – anong salita ang pumapasok sa taenga niya. Imposible naman kasing ma – miss siya nito sa walang espesyal na kadahilanan. Pwede namang na – miss ka niya kasi kabanda na niya and at the same time, isa kang kaibigan? The other side of her mind blurted. Oo nga naman, baka na – miss siya nito kasi magkaibigan at magkabanda sila. But lame pa rin ang excuse na yon, eh. Tsk.

"Tatlong kilo nga nitong drumsticks saka dalawang kilo ng breast at thigh. Ikaw nalang ang bahalang magbalanse ng bilang. Tsaka tatlong kilo ng pork chop at isang kilo ng beef," she heard Ken ordered the personnel in – charge.

"Hoy grabe ka kung makabili ha? Grocery time ko ngayon. Ikaw ba ang magbabayad?" she exclaimed. Kung maka – order kasi parang ito 'yong magbabayad. Ang dami pa talagang inorder, pang isang buwanang karne na ata 'yon eh!

"Kaya nga! Ikaw ang nakaasign this week kaya ikaw ang magbabayad!" sagot nito saka tumawa nang malakas.

Nakakainis talaga ang lalaking ito! Sa isip ni Madi, gusto niya itong tirisin sa singit hanggang sa magmakaawa itong tumigil siya. Earlier was a very mild and gentle Ken. Ngayon, may lahing satanas na Ken ang kaharap.

"Argh! Nakakainis ka talaga, Ken!" she shrieked at him and faced the staff. "Don't you dare scale his order, Miss. Hindi yan magbabayad, baka malugi kayo."

Tumawa lang ang babae at matamang tinitigan si Ken. Kapagkuwan ay kumunot ang noo nito at nagsalita. "Hmm... May kamukha po kayo, ah? I-ikaw po ba si Ken? Ken Taki ng Cycle 4?"

Ngumiti naman ang lalaki saka bahagyang tumango.

"OMG! Ang gwapo mo sa personal! Pwedeng papicture?" excited na sabi ng babae na ipinagwalang – bahala ang sinabi niya kani – kanila lang. She immediately got her phone from her pocket and readied herself for a free selfie with Ken.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DeadWhere stories live. Discover now