Chapter 9: Co-captain

71 4 1
                                    

His POV

Naglalakad ako papunta sa opisina ni ma'am Bella para pag usapan kung sino ang pede maging huling miyembro ng aming groupo ng makarating ako sa harapan ng pinto ay kumatok ako ng mahina at pumasok "Oh yes, please take a seat so nakahanap ka na ba kung sino ang bagong miyembro ng groupo?" Tanong ni ma'am Bella.

"Umm wala pa po akong nakikitang karapatdapat na mapasa sa groupo namin ma'am," sagot ko sa kanya. Nag patuloy ang aming pag uusap ng mga ilang oras "Sige po ma'am puntahan ko na po mga kagroupo ko sa canteen," pinayuhan nya lang ako ng konti at agad na nya akong pina alis

Habang papasok ako ng canteen ay nakikita ko na ang mga studyante na nakatingin sakin hindi ko na lang sila pinansin at nag patuloy sa pag lalakad patungo sa table ng mga ka groupo ko
Sinabi ko sa kanila yung tungkol sa pinag usapan namin ni ma'am Bella

"Mukhang mahihirapan ako mag hanap ng bagong miyembro," sabi ko sa kanila "So kelan ka mag hahanap kukulangin tayo sa oras," seryosong sabi ng captain namin "Oy chill ka lang nag aadjust pa sya satin eh," mahinhing sabi ni Meg "Mag hahanap na ako mamaya mag titingin ako ng mga students sa time ng A.D at A.F," sabi ko sa kanila at agad akong umalis para kumuha ng pag kain.

Zia's POV

Agad akong nag pa alam kay scarlett at sinundan ang co-captain nila ng makarating ako sa kinatatayuan ng co-captain nila ay sinapak ko to ng malakas "Aray anak ka ng tipaklong tingnan mo nahulog pag kain ko!" Pasigaw nitong sabi kaya halos lahat ng nandon ay nakatingin samin habang pinupulot nya mga pag kain ay nakatingin lang ako sa kanya.

Nang matapos sya sa kakalimot ay nagulat ulit sya kaya nahulog ulit mga pag kain nya "Kamusta ka na Anthony?" Sarcastic kong sabi habang nakangiti "Z-zia hehe a-andito ka na," mautal utal nitong sabi agad ko naman syang tinulungan tumayo at pinapunta sa table namin ni Scarlett.

Nagulat si Scarlett dahil asa iisang table lang kami ng co-captain ng school "Kamusta ka na Zia?" Tanong ni Anthony sakin "Wait mag kakilala kayo?" Nagulat na tanong sakin ni Scarlett "Oo mag kakilala na kami since mga bata pa kami at mag kapit bahay lang kami nyan," sagot ko kay Scarlett "Nga pala Anthony bakit andito ka na kala ko ba sabay tayo papasok dito?" Seryosong tanong ko sa kanya "Yun na nga eh tanda mo ba nung nasa burol tayo? Dun ko sasabihin sayo na pinapapasok na ako ng parents ko dito hindi ko na nasabi sayo kasi mukhang importante yung pupuntahan mo kaya pinauna na kita sorry na," sagot naman nya sakin.

Agad ko naman syang pinatawad at nag kwentuhan kaming tatlo "Um Anthony bakit ka nga pala naging co-captain ng ganon ka bilis?" tanong ni Scarlett "Ganito kasi nangyari pag katapos ng orientation may nakita akong isang babae na mababagsakan ng chandelier eh ginamit ko yung ability ko na levitation para napatigil yung pag bagsak eh hindi ko naman alam na si miss Bella pala yung babae edi kinausap nya ako at sinabi nya na kung pede daw ako maging co-captain ng group syempre hindi ko Naman agad tinanggap yun kasi bago pa nga lang ako dito pero nag pumilit si miss Bella kaya napapayag nya ako," sagot ni Anthony kay Scarlett "Pero teka diba kulang pa kayo ng isa?" Tanong ulit ni Scarlett "Oo, nag hahanap pa nga ako mamaya eh sa A.D class at A.F para sa mga freshmen," sagot ni Anthony kay Scarlett.

"Teka ano ba yang A.D at A.F na Yan?" Tanong ko sa kanilang dalwa "Um ang A.F ibig sabihin Ability Functions para sa mga freshmen yan para mailagay sila sa nararapat na section nahahati tayo sa 4 na sections. Ang una ay ang Fortis Ability andito yung mga istudyanteng may pambihirang ability katulad ni Xhander. Ang sunod ay ang Normalem Ability andito naman ay ang mga istudyanteng may katamtaman na lakas ang kanilang ability katulad ni Meg. Pangatlo ay ang Auxilium Ability andito naman yung mga istudyanteng may mahihinang ability oh kung tawagin ay support ability katulad ni Sofia. Panghuli ay ang Prohibitorum Ability andito yung mga istudyanteng may mga rare ability at pinaka delikadong ability katulad ni Calaepir. Ang A.D naman ay Ability Development ito naman ay para mas macontrol mo ang ability mo at mas mapalakas Ito," sagot sakin ni Anthony.

"Teka pano yung sa A.D? Mag kakahiwalay pa kami sa subject na yun?" Tanong ko kay Anthony "Oo, dun lang sa subject na yun kayo mag kakahiwalay ng mga totoo mong kaklase." Agad ko naman hinawakan kamay ni Scarlett "Hay buti nalang." Pabuntong hininga kong sabi "Sige mabuti pa Tama na ang pag uusap Kasi malapit na mag simula ang A.F nating mga freshmen kaya tara na sa gymnasium." Agad naman kami tumayo at sinundan si Anthony ano kayang mangyayari samin....

*******
Prodigy Academy of unique students
By Tyron_1223

Prodigy Academy of unique studentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon