Chapter Two

368 9 3
                                    


Zara Caitlyn

“Hoy! Zara Caitlyn! Narinig mo na ba ang mga bulungan sa paligid?”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hoy! Zara Caitlyn! Narinig mo na ba ang mga bulungan sa paligid?”

Ito na naman ang tsismosa kong kaklase! Bakit ba kasi kakaunti lang kaming Fine Arts student? Kung puwede lang na umiba ng schedule na ‘di ko nakakasama ‘to sa isang room ay ginawa ko na, kaso iilan lang naman kami.

“It’s Cheng! Not, Zara Caitlyn!” pagtatama ko rito na may kasamang paninindak ng mga mata kong may pagka-dark brown ang kulay.

Hindi sa nagmamaganda ako,  pero itong kaklase ko kasi, GGSS masyado sa sarili, tsismosa naman. Alam ninyo ba ang ibig sabihin ng GGSS?! Well, kung ‘di pa-  Gandang-ganda sa sarili  lang naman!

Siguradong about kay Breil ang ibabalita nito kasi ba naman pagbungad ko palang ng campus, usap-usapan na ang tungkol sa bagong student.

Aba! Famous kaagad ang bitch na ‘yon?! wika ko sarili na napangiti.

“Aysus! Bakit kasi pa-cheng-cheng ka pa, ganda ng name mo na Zara Caitlyn.” Nakaingos nitong sabi sa akin na tila lumuluwa ang mga mata nitong parang kuwago.

Sarap bugbogin ang babaeng ito sa totoo lang! Kilala naman nila ako sa pagkai-irritable pero ewan ba, asar lang! Basta ayaw kong tinatawag ako sa buo kong pangalan.

Oo nga, ang ganda ng pangalan ko at kasing ganda ko, kaso ang haba! Well, Cheng is cool, short cut ng Chengkay na nick name ko. Oh, ‘di ba? Ang layo sa tunay kong pangalan, na halatang Malaysian name? (Insert sarcastic tone!)

Yes! May lahi akong Malaysian, si Mama ay pure Malaysian blood. Si Papa naman, ewan ko ba roon kung ano ba talaga kasi naman, eh, mix Ilocano at Ilonggo ang nanay niya na lola ko at Tagalog ang tatay niya na lolo ko. Naku! Ang labo ng pinagsasabi ko, basta ang alam ko lang kaya naging asawa ni Papa si Mama ay tinanan ni Papa si Mama at isinama pauwi rito sa Pilipinas. Dati kasing teller si Papa sa RHB bank, Kuala Lumpur at do’n sila ni Mama nagkakilanlan. Kaya iyong mayamang angkan ni Mama ay galit na galit kay Papa lalo pa’t Christian si Papa at Muslim naman si Mama. Pero buti na lang hindi ako isinali sa poot ng lolo at lola ko sa side ni mama. Lalo na’t nag-iisang anak lang ako ng mga magulang ko. Basta iyon na ‘yon! Oo nga pala, bakit ko ba ito naikwento? Eh, wala naman may paki.

“Hoy! ‘Di ka namang nakikinig! Sabi ko ang guwapo kako ng transferee, half Koreano daw.” Si GGSS na kinalabit pa ako, mula first year ay kaklase ko na ito pero ‘till now ay ‘di ko pa rin natatandaan ang pangalan niya o sadyang wala lang talaga akong pake.

Biglang tumaas ng pakurba ang kaliwang kilay ko, na laging may guhit na color dark brownl, kasi nga- kilay is life!

Napaismid akong natatawa, kailan pa naging guwapo at half Koreano ang bitch na ‘yon? Eh, sa aming tatlo, ako ang kilos lalaki talaga, kahit na may pagka-boyish din si Breil. Pero ang mapagkamalan siyang guwapong half Koreano? Duh!

WABI-SABI (Life's Imperfection) By: ABCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon