CHAPTER 3

243 8 0
                                    

Chapter three

Visit Sbashlie wattpad account for more of her stories

Kim Ayiesha Shye POV

NASA library kami ng mga kaklase ko para sa group study namin, pero hindi pa nga namin nakakalahati ang research paper namin E, nagsimula ng mag tsismisan ang mga ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NASA library kami ng mga kaklase ko para sa group study namin, pero hindi pa nga namin nakakalahati ang research paper namin E, nagsimula ng mag tsismisan ang mga ito.

Ano ba talaga ang pinunta namin dito? Group study o tsismis? Naiinis kong tanong sa sarili ko.

Nakasubsob pa rin ako sa research paper na naka-toka sa akin, pero hindi ko rin maiwasan na makinig sa pinag-uusapan nila at manaka-nakang napapalingon sa gawi nila. Sa lakas ba naman ng mga boses nila? Buti nga at hindi ganoon kahigpit ang librarian ng IIS.

"Girls nakita n'yo na ba ang bagong transferee?" Si Lyn na tumigil pa ito sa pagsusulat sa notes niya.

"Never pa, as in never! Pero balita ko suplado raw, as in." Si Mariel. "Jusko, Hunk and hottest daw ang dating ni fafa." Dagdag pa nito.

"Well, Im sure mapabilang na naman si fafa handsome sa campus Idol," sabi naman ni Ann na kinikilig pa ito at tila nangangarap.

Paano naging hunk at hottest handsome si Sy? Eh, kahit mala tomboyish iyon manamit, hindi pa rin maitatago ang kagandahan taglay ng kaibigan kong iyon. Hindi na ako makatiis at sumabad na sa usapan ng mga ito.

"Paano naging hunk and hottest handsome 'yong bagong transferee, babae 'yon." Nakakunot-noo kong singit ko.

Tumingin ang mga ito sa akin. "You mean si Sy Breil the Japanese slash filthy rich! " Sabi ni Tess, "May kasabayan si Miss Japanese girl na nag-tranfer dito. Si Mr hunk koreano." Nakangiting dagdag nito.

Bigla akong napaupo ng tuwid, at nasamid sariling laway ko, kaya napaubo ako bigla. Tama ba ang naririnig ko, may kasabayan si Sy na lumipat dito sa IIS? Si Hyun ang unang pumasok sa isip ko nang sabihin nilang koreano ito. Oo, alam kong pupunta siya rito pero hindi pa ngayon dahil wala naman siyang nabanggit.

"Anong pangalan ng Koreano?" Curious kong tanong sa kanila.

"Mahirap bigkasin," natatawang sagot ni Lyn.

"Yaaa... Lyn!" Tanging nasabe ko.

Abot-abot ang tamemeng dasal ko. 'Di si Hyun ang tinutukoy ng mga ka study group ko. Anak ng tokwa kung siya nga iyon!

Na se-sense ko na hindi matatapos ang term paper namin dahil sa tsismisan ng mga, ito kaya naman niligpit ko na lang ang mga gamit ko at nilagay sa bag, saka tumayo at nagpaalam sa kanila.

"Kung hindi pa kayo tapos, mauuna na lang ako sa inyo." Sabi ko.

"Hindi pa nga tayo tapos," protesta naman ni Grace.

"Paano tayo matatapos? Nagtsismisan naman kayo." Naasar kong sabi. Hindi ko na hinintay na sumagot ang mga ito nagmarsta na ako paalis.

"Si Sy, 'yon ah?" Nang makita ko ito sa 'di kalayuan at binabaybay nito ang direksiyon patungong registrar office.

WABI-SABI (Life's Imperfection) By: ABCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon