CHAPTER SIX

137 4 0
                                    

Kim Ayiesha Shye Sbashlie POV

Habang pinapatugtog ko ang organ ay 'di ko maiwasan ang mapatingin sa tatlong lalaki na magkakatabing nakatayo habang nanonood sa'min.
Si Wook na may nakapaskil na ngiti sa mga labi nito at ang mga mata nito'y nakatutok kay Cheng. Si Clint nama'y walang kakurap-kurap habang nakatingin kay Sy. Si Calyx?! Ayon, oh! Ang sarap batuhin ng high heels na suot ko! Paano naman kasi blangko ang expression ng mukha ng ogag na 'to!

At nang matapos na kami ay nagsipalakpakan ang lahat ng mga tao sa gym.

Pababa na kami sa stage nang may biglang lumapit, "Zara Caitlyn, right? I'm Diego." Pakilala nito sa sarili sabay lahad ng kanang kamay nito. Pero tiningnan lang iyon ni Mentor at nilagpasan.

"Hey, I'm Sy Breil! We're leaving." Si Sy na ang tumanggap ng pakikipagkamay nito. Pasimple akong tumingin sa gawi ni Clint na halos 'di maipinta ang hitsura na nakatingin pa rin pala sa'min.

Palabas na kami ng gym nang bigla may humawak sa braso ko. "Hihiramin ko muna 'tong kaibigan n'yo." Ani Calyx kina Mentor at Sy.
"Sure! Basta ibabalik mo siya ng buong-buo." Nang-aasar na sabi ni Mentor.

"Ibalik mo si Ghang Ash na walang kulang at gasgas." Segunda naman ni Sy.

"Kaibigan ko ba kayo?" Kunot noo'ng tanong ko sa dalawa na nakangising-aso.

"Suportado ka namin sa kaligayahan mo, Singkit. So, kita-kits na lang sa apartment maya." Si Mentor na nag-thumbs up pa.

"Calyx, what do you want?" Kunwaring inis kong tanong pero ang totoo ay kinikilig ako. "Para kang snatcher na basta ka na lang lilitaw t'saka manghahatak."

Hindi siya sumagot bagkos patuloy kami sa paglalakad hanggang sa narating namin ang science garden ng IIS. Binitawan niya na rin ang braso ko na medyo namula sa higpit ng pagkahawak niya.

"You know what? This is harassment!" Wika ko habang nakapamaywang.
"Will you shut up your mouth." Medyo may kalakasan niyang sabi.

"No, you shut-"

"Will you?" agaw niya sa iba ko pang sasabihin.

Ngumiti ako at pinasingkit lalo ang dating singkit ko ng mata. "Aminin mo nga sa'kin. Nagseselos ka, noh?"

Pumulot siya ng maliit na bato t'saka inihagis 'yong sa fishpond na nasa harapan lang namin.

"Asa ka!" Sagot niyang sa malayo nakatingin.

"Sus, ah! Nahiya ka pa." Pangungulit ko. "Mai-inlove ka rin sa akin," pabirong sabi ko.

"Ikaw ang in love sa'kin."

"Huh? Correction crush lang kita."

"''Di nga ba?"

"Do you think kapag sinabi ko na gusto kong tumalon diyan sa fishpond. Gagawin ko? Kapag sinabi kong maghubad sa harap mo, gagawin ko?"

"Why not? Kung gusto mo tumalon, go ahead! Malalim 'yang fishpond pwede kang mag-dive.At kung gusto mong maghubad right now, do it!"

"Calyx Raider!" Naasar kong sabi.
"Do it Ayiesha, I'm waiting." Mas lalo ako inaasar ng loko!

Tiningnan ko lang siya ng masama. Pakiramdam ko ay namumula ang magkabilang pisngi ko, paano naman asar-talo ako.

"Huwag ako, Ayiesha Kim! I knew you..."anito na naglalakad paatras hanggang sa 'di niya napansin ang upuan na gawa sa bato... kaya ayon ang loko, nabangga ang puwetan at napa-ouch na lang!

Napahalakhak ako ng malakas at nang-asar, "tanga naman ng upuan na 'yan. 'Di man lang nagpasabi na nand'yan o kaya naman ay umiwas nang 'di makabangga."

WABI-SABI (Life's Imperfection) By: ABCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon