Simula

24 1 1
                                    

Emetees's POV

Matao sa lugar kung san ako nakaupo. Nagmamasid masid, tinitimbang ang emosyon. Iba ibang tao, iba ibang nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag kung ano yung akin, masakit, malungkot, nahahabag, at masakit uli. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at tatapusin ito, masakit pero kailangang tanggapin. Mahirap kaso dapat gawin.

"You okay?" nababahalang tanong ni Sin.

Ngunit ganun nalang talaga ang reaksyon ko dahil narin sa pagod at kinain ng emosyon o di kayay sistema. Ngiti at tango nalang ang naigawad ko agad na nanggilid ang mga likido sa mata ko kaya matagal akong napapikit at bumuntong hininga para pigilan ang emosyon.

"I know you're not fine, I am sorry" dagdag pa nito.

Agad naman akong umiling at ngumiti ngunit ganun nalang talaga kapag wala kang sining sa pag arte. Agad na tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos.

Niyakap ako agad ni Sin at doon muli akong humagulgol, ngumawa na parang bata. Sa braso niya ramdam kong safe ako, okay ako at magiging okay ako. Hinagod nya ang likuran ko sabay ang pagpapatahan, alam nya ang sitwasyon ko hindi madali dahil sa mabilis na pangyayari. Sa yakap nayun ang daming ala ala sakin nun, ala alang di kayang balikan at gawin pa. Yakap na alam mong ligtas ka, bukod sa taong to. Hindi ko na muling mayayakap ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Walang tigil sa pag agos ng luha saking pisngi. Hindi ko parin matanggap, ang hirap hirap.

"Gusto ko muna magpahinga" sabay kalas sa aming yakapan.

Bumuntong hininga sya at ngumiti ngunit sa likod nayun ay batid kong nangangamba sya.

"Wag kang paranoid, di ko kayang saktan sarili ko" pekeng tawa ko pa.

"Nakakapag alala ka kasi eh" seryosong sambit pa nito.

"Magiging okay din ang lahat, hindi pa ngayon, hindi rin bukas pero aayos nadin ako. Kailangan kong magpakatatag" sabay kagat sa labi ko para hindi ako traydurin ng mga luhang to.

"Andito lang kami. Andito lang ako, tutulungan kita" sabay halik sa noo ko kaya napapikit nalang ako at damdamin ang sandaling iyon dahil nakakagaan ng loob.

Napangiti naman ako sa ginawa nya kahit na ganito ang sitwasyon, halo halong emosyon, nakuha ko pang isingit dun ang kilig ko.

"Nakakailan kana ah" kunware hindi ko nagustuhan.

Hinatid niya muna ako sa kwarto at eto ako mag isa na naman, mukhang mag isa na nga habambuhay. Nawalan narin ata ng saysay ang buhay ko, nakakawalang ganang mabuhay. Tumayo ako para manalamin at doon ko lang muli nakita ang sarili ko. Namamagang mata at ang pangingitim ng ibaba nito, namayat agad ako, namumutla, walang kabuhay buhay ang mukha.

Agad nanggilid ang luha ko habang nakatingin sa sarili kong repleksyon. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, masyado nakong maraming iniisip na baka ikabaliw ko pa. Hindi ko alam kung paano uli babangon, kung paano magsisimula, kung paano sasaya. Masyadong masakit na di ko na nga kinakaya eh.

Napalingon ako sa ibabaw ng aking cabinet kung saan nandun ang photo album. Tutal huling araw, siguro naman oras ko narin to para ibahagi ang nalalaman ko. Kinuha ko ito at inalis ang iilang alikabok doon, humiga muli ako sa kama nagiisip kung paano ko ito sisimulan at wawakasan. Huling araw naman na kaya ayos lang siguro sa kanila kung magkwento ako. Napabuntong hininga nalang ako at hindi namalayang nakatulog na dahil narin sa bigat ng mata ko.

"Eme, wake up" kalbit pa sakin ni Margo.

Agad naman akong nag ayos saka tinanggal kung ano ang dumi sa mukha ko at doon hinarap si Margo, nakangiti sya nung hinarap ko ngunit batid kong nag aalala din sya. Nginitian ko sya pabalik at doon nya ako binatukan.

"Ayko! Ano ba!" nakasimangot na sambit ko.

Napangiti uli sya pero lumungkot naman lalo ang mga mata nya.

"Parehas na parehas kayo sabi ni Mommy, kilos at pananalita din" sabay tingin sa kanyang mga kuko at kinalikot ito.

"Ganun din ang sabi ng iba" nakangiti ako habang nakatingin din sa kuko nyang mukhang bagong manicure pa.

"Matatapos nato bukas pero alam kong hindi rin ganun kadaling tapusin yang nararamdaman mo. Tandaan mong andito lang ako lagi sa tabi mo" ngiting isa sa mga nagbibigay katatagan sakin.

Tumango naman ako at sabay niyakap ang isat isa.

"Handa kana?" tanong nya pa.

Ngumiti nalang ako at kinuha ang photo album. Sabay kaming pumunta kela Sin habang bitbit ko ang bagay na ito, halatang malungkot at pagod narin sila dahil ayaw nila akong iwan kaya eto sila nagsasakripisyo kahit pagod sa mga pag aaral.

"Kaya mo na ah" paninigurado pa ni  Jart.

"Ako pa ba?" pekeng tawa at niyakap sila isa isa. Napapatatag nyo ang loob ko, salamat sainyo. Kahit hindi ko man masabi basta maiparamdam ko man lang sakanila.

Tinawag nako ni Tita Ester para simulan ang seremonya. Pumunta ako sa harapan at pinilit ngumiti sa mga taong malalapit sakin, samin, at sakanya. Malulungkot ang iilan ang iba naman ay nagbubulungan kahit na rinig ko naman.

"Dalagang dalaga na si Eme, huling kita ko dyan ay akay akay pa ng kanyang ama" sabi pa nang mukhang kasing edaran ni papa. "Abay hawig na hawig niya ang kaniyang Ina" sabay ngiti pa sakin na kayay sinuklian ko din.

Lumunok muna ako bago simulan ang mahaba habang kwentuhan.

"Magandang gabi po sainyong lahat" sabay pilit ngiting iginawad sakanila at binati rin ako pabalik. "Bago po ako magsimula, nais ko pong magpasalamat sa mga dumalo. Simula pa nung una at hanggang ngayon. Sigurado akong masaya rin sya dahil ganito karami ang nagmamahal sakanya" pigil emosyon kong sabi.

Bumuntong hininga muna ako para hindi maging mababaw ang luha ko, sana effective.

"Nais ko pong ikwento sainyo kung saan, bakit, at paano nagsimula ang pagmamahalang ito" habang nakatingin sa mga makikinig. "Dito ako nanggaling" emosyonal ko pang sambit.

Pumikit muna ako ng mariin dahil sa traydor kong luha, hindi ko mapigilan pero kinakaya ko lang. Muli akong dumilat at kaharap ang mga taong nakikisabay sa pakiramdaman ko, malungkot din sila at nasasaktan.

Kasabay ng pag ihip ng hangin na aking pinakiramdaman atsaka doon ko sinimulan ang kwento kasabay ng pagbuklat sa photo album at doon bumungad ang masasayang ngiti sa larawan.

Namana ko nga ang mga katangiang ito.

Simula natin sa unang larawan.

First Love Never Dies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon