Emmett's POV
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa mala anghel nyang mukha, pero punyeta mala demonyo naman pag nagising. Sana maging okay na pakiramdaman nya, masakit daw kasi ulo nya lalo na daw yung puson, nakakapanibago kasi hindi naman sya ganyan siguro ganito talaga ang struggle pag may dalaw.
Nakakapanghina ding makita kang ganyan. Wag naman ganto, ten.
Napabuntong hininga nalang ako dahil pati ako ay naistressed sa kalagayan nya paniguradong iritable at konting kibot ko lang bubugahan nako ng apoy nito. Delikado tayo, brad.
Naalala ko nga palang pasukan narin namin bukas kaya buong araw kaming magkasama ngayon dahil parehas inaasikaso ng parents namin ang business dahil magpartner sila kaya eto naiwan na naman ang panget nato samin.
Matangos na ilong, mahabang pilik mata, perpektong kilay, mapupulang pisngi at malulusog... ayy teka, makurot nga. Kinurot ko ang pisngi nya buti hindi nagising dahil tulog mantika ang babaeng to. Simula bata lagi ko na daw kinukurot ang mala siopao nyang mukha, nanggigigil daw ako at mukhang totoo nga dahil kahit ako di ko mapigilang kurutin ang malambot at makinis nyang mukha. May mapupulang labi...
Labi?
Err.
Actually, hindi ko naman talaga gusto ikiss eh. Niloloko ko lang sya nun paniguradong nahiya at nailang sya kanina kaya nagwalked out pa.
Napasulyap tuloy ako sa labi nya, maganda, mapula, at nakakaakit nga. Di ko namalayang napalapit pala yung mukha ko sa mukha nya. Napalunok pako ng maigi at iiling iling na parang nababaliw.
"Hindi. Mali 'to Emmett." napapangisi ako sa sariling bulong ko.
"Wag mo na tignan baka mahalikan mo pa." mula sa napakahinang tinig.
"Ang mag bestfriend hindi nagkikiss, okay?"
"Okay."
Parang tanga lang akong kausap ang sarili at kusang lumayo ang sarili ko mula sa kaninang malapitang mukha sakin ng mahal ko...mahal kong bestfriend, syempre.
Tinititigan ko pa rin ang mukha nya hanggang sa lumipas ang oras na hindi ko namalayang nakatulog din pala ako habang nakatingin sa magandang tanawin ng buhay ko.
"Emmett, hey!" paos na panggigising pa nito.
"Hmm?"
"I'm hungry, please cook for me." sisinghot singhot pang rinig ko.
"Andyan si Manang Carmen, sabihin mo you're hungry and you wanna eat. She will cook for you, ten." pikit salita ko pa.
Di parin ako nadilat maski ang bumangon di ko magawa dahil inaantok pa talaga ako at maaga akong gumising kanina dahil sakanya. Naabnoy na naman tong si Tennessee at ako ang pinuntiryang paglutuan sya kahit andyan naman si Manang kasi kung magbabalak man syang magluto sana bumili nalang sya ng mga inihaw dyan dahil yung itlog nga lang halos mangitim na sa pagkakasunog. Kala mong pag nagluto ay laging ihaw ang menu. Wengya, brad.
"I want you..." she said.
Ano daw?!
I want you.
I want you.
I want you.
Narinig ko ang paghikab nya habang parang kabayo naman ang tambol ng puso ko sa bilis.
"I want you to cook for me, Emmett. Would you? Please" with pasweet tone.
Pasweet talaga, nagiging sweet lang naman yan kapag may kailangan.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceDalawang bata, dalawang puso pero iisa ang tibok. Magkababata pero mga aso't pusa, tunghayan ang kanilang pag iibigan. Pag ibig na walang hanggan.