Tennessee's POV
Nagyaya si Mag na kumain daw sa cafeteria kaya papunta kami ngayon doon at kita ko na agad sa gilid ng mata ko, ang mga mata nyang tutok na tutok sakin at ang alaga nyang aso na laging nakabuntot sakanya.
Ramdam ko agad ang presensya nya kahit malayo kami sa isa't isa, namimiss ko sya na naiinis sakanya. Basta magulo.
"Ano order mo?" tanong ni Nami.
"Carbonara nalang saka isang slice ng chocolate cake." I said.
Tumango naman si Nami at silang dalawa ni Maggie ang bumili ng mga order namin habang kami naman ni Sinei ay naghahanap ng mauupuan kaso nga lang puro puno pwera nalang sa kinalulugaran nila Emmett at Cleo na malaki ang bakante at kasya pa ilang tao, kaso landian pa nga lang nila walang pinipiling lugar eh malamang sakop nila ang buong kainan. Privacy din pag may time, ha?
Humingi naman ng permiso sakin si Sinei na kung pwede nga daw doon nalang kami makiupo dahil hindi rin namin kayang madala sa room ang binili kasi masyadong marami at gutom na gutom na din kami. Kaya tango nalang ang naisagot ko kahit gusto kong umirap sa kawalan pero binabagabag ako ng walang emosyon nyang mga mata habang na sakin ang atensyon nya.
Nakaupo na kami sa kinauupuan nila malaki pa ang bakante at kasya pa ang dalawang tao dito. Kaya mukhang sinaktong dito talaga kami lumugar. Kaharap ko si Emmett, kaharap ni Sinei si Cleo. Napabaling ang gawi ko kay Sinei na taas kilay kung tignan ang higad.
"Kumain na kayo?" Tanong ni Cleo.
Pake mo?
"Nabili pa nga lang kami diba?" sabay ngiting sarkisto ni Sinei.
Nasan ang utak mo piranha?
Galit silang tatlong babae kay Cleo dahil nga sa kalandian at masyadong dikit kay Emmett kaya nawawalan ng oras samin dahil sakanya. Alam din nilang nasasaktan ako kahit hindi ko pinapakita, masakit talagang ipagpalit ka.
Bestfriend lang naman ako.
Sabay tumaas ang dalawang kilay ni Cleo at halatang nainis sya sa pagka sarcastic ni Sinei, mukhang nanghahamon.
"Ahh yeah!" sabay irap kay Sinei dahil hindi ito nakatingin sakanya.
Aba! Irapan mo sya harap harapan, duwag ka pala eh.
"May tanong ka pa ba? Yung may sense naman ha!" sabay binigyan sya ng malawak ng ngiti at tinaasan ng kilay, patarayan ba kamo? Don't me, b*tch!
Sumulyap naman ako kay Emmett na titig na titig sakin. Biglang nawala ang emosyon ko at napalitan ng lungkot at walang kabuhay buhay na mga mata na naman. Hindi mo ba alam kung gano kasakit, Emmett?
T*ngina, ganun nalang ba kadali lahat sayo?!
Naputol nalang ang titigan namin nang biglang sumabit sa braso nya si Cleo at ngiting ngiti naman ang malandi, sana mapunit yang bibig mo!
Tumaas ang dalawang kilay ko at kunwareng namangha sa ginagawa nila sa harapan ko kahit gustong gusto ko na kalbuhin ang higad dahil ako lang ang sumasabit kay Emmett ng ganyan!
Kung sumabit ka kala mo tarsier ka.
"Okay, eto may sense na..." sabay tawa nya ng fake kaya nakuha nya ang atensyon ko at napatingin sa mabangis na isdang pagmumukha nya "Okay lang ba sayo na nililigawan ako ng bestfriend mo? Ni Emmett?" malditang sambit pa nito.
Fuck!
Hindi ko alam! Anong nililigawan?!
Emmett hindi mo nabanggit sakin 'to. Bakit ka ba ganyan?! Bestfriend moko diba? Kahit hanggang dun nalang naman diba? Kahit dun lang wag ka lang maglihim.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceDalawang bata, dalawang puso pero iisa ang tibok. Magkababata pero mga aso't pusa, tunghayan ang kanilang pag iibigan. Pag ibig na walang hanggan.