Emmett's POV
Lumipas ang isang linggo matapos magsimula ang klase, halos sariwa parin ang pangyayari sakin. Kung pano ako nakalimot at kung pano nya ko hinintay.
"Hey!" kalbit pa sakin ni Cleo.
Kanina pa sya nagkukwento at kanina parin nalipad ang isip ko... kakaisip sayo.
"Sorry, may iniisip lang." pekeng ngiti ko pa.
Tumango naman sya at ngumiti, isang linggo narin simula nung opisyal ko syang ligawan. Understanding sya, mabait, makulit, yun nga lang selosa at mukhang under nako agad kahit hindi pa kami.
Okay lang naman dahil ginusto ko'to, ginusto namin to.
Isang linggo na feeling ko isang taon. Isang linggong walang kibuan, walang pansinan. Hanggang kelan mo ba'ko matitiis, ten?
Sariwang sariwa pa sakin kung paano ko sya pinagmukhang tanga sa ilang oras nyang paghihintay, kung paano sya naglakad pauwi kahit sobrang lakas ng ulan kahit nakakarindi yung kulog at kidlat hindi ko alam kung paano nya natagalan ang ugong at tunog nayun dahil natatakot sya tuwing naririnig ang ingay sa langit. Kung paano ka naglakad na parang hindi basa, kung paano ka naulanan na para bang nasa arawan ka lang at kung paano ka humarap sakin, putlang putla ka pero namumula yang mata mo sabay nahimatay ka nalang.
Sobrang nagsisisi ako, tennessee.
Kung paano ka nagkasakit dahil sakin. Inalagaan kita nun kahit na hindi mo ko kinikibo at masaya akong pagbayaran ang kasalanan ko kahit na pinagtatabuyan mo pako.
Ang taas taas nang lagnat nya nun, umabot sa point na dumugo ang ilong nya dahil sobrang init nya. Ayaw nya magpadala ng ospital kaya habang busy sila tita at tito ako muna ang nag intindi sayo dahil nahirapan ka nga kumilos sa sobrang sama ng pakiramdam mo.
~~~~~~~~~~~FLASHBACK~~~~~~~~~~
Tulog sya eto na naman ako, tinutunaw ka sa titig. May malamig kang bimpo sa noo at balot na balot ka tapos nakakumot, sa tabi mo may mga gamot at thermometer at sa tabi mo, andito ako.
Hinawakan ko yung kamay nya, malambot kaso mainit. Gusto kong maiyak kasi ganyan yung nangyari sayo dahil sa kagaguhan ko.
Sorry dahil inuna ko si Cleo at nalimutan kita.
"Ten.." pabulong kong tawag kahit natutulog sya "Sorry sa nagawa ko sana mapatawad moko." nilapit ko yung palad mo sa mukha ko, hinimas himas ko tapos hinalikan.
Hinawakan ko yung noo at leeg nya gamit ang kanang kamay, bumaba narin kahit papaano yung temperatura nya dahil kanina halos mapaso na ko sa init. Papalamigin ko muna yung tubig para mamaya ilalagay ko nalang yung bimpong malamig sa noo nya.
Napatingin na naman ako sakanya, kahit maputla sya at ang gulo nang buhok nya, ang ganda mo parin sa paningin ko.
"Patawarin mo nako, di ko kayang ganto tayo..." sabay minamasahe yung kamay nya habang sya ay tulog parin "Payagan mo sana akong magmahal." sabay tayo at halik sa noo nya, bigla nalang ako napapikit at dinamdam yung sandaling yun.
Sorry, tennessee.
~~~~~~~END OF FLASHBACK~~~~~~~
Nagalit sakin sina Sinei, Nami at Maggie. Tama lang naman yun at dapat lang sakin yun dahil kahit ako nagalit ako sa sarili ko. Tao lang naman ako nagkakamali din, pero yung pagkakamali ko... sa taong ayaw ko pang masaktan kaso sinaktan ko na.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceDalawang bata, dalawang puso pero iisa ang tibok. Magkababata pero mga aso't pusa, tunghayan ang kanilang pag iibigan. Pag ibig na walang hanggan.