Kabanata 1

14 1 1
                                    

Tennessee's POV

"Lahat ng kababuyan mo!" sabay takbo dahil hinahabol ako ni Emmett para pahiran lang ng kulangot.

"Ano bang ka--- ang babuy mo! Yuck!" kapos hininga naming takbo.

Halos gumulong sya sa damuhan dahil sa kakatawa. Andito kami sa garden nila, dito lagi ang tambayan namin kasi may playground, may pool at yung swing kung san kami laging nagbobonding.

Magkababata kami dahil magkakilala ang pamilya namin, family business kumbaga. 16 years old na kami ngayon at simula ng isilang kami sya na ang lagi kong kasama, ang no.1 enemy at no.1 kong boybestfriend. Isang buwan lang ang tanda nya sakin April sya May ako. Ang kaso ubod parin ang pagkaisip bata ng kumag nato! Hindi na tumino tino!

Tulad ngayon, anong ginagawa nya? Hinahabol lang naman ako ng pesteng kulangot nya.

Napatigil nalang ako sa kakatakbo dahil nga may hika ako at wala pakong dalang gamot, mahina pa naman ang baga ko.

"Hoy! Papatayin mo ba ko? Alam mong h--hinihika yung ta--o ganyan ka pa!" habol hininga kong sambit.

"I'm sorry, baby tenten" sabay yakap mula sa likod ko.

Aba! Ang sweet ng loko palibhasa walang tiyaga mag alaga pag ako inatake.

"Tigilan moko sa baby nayan ah malaki na tayo Emmett at sana yang kokote mo..." sabay alis sa mga nakabalot nyang braso at batok sa ulo nyang puro bungo nalang dahil wala atang utak to eh "palakihin mo rin, try mo magmature hindi yung nangungulangot ka at ipapahid mo pa! Babuy babuy nito!" sabay walked out.

Di ko maiwasan ang mapangisi habang naglalakad papalayo sakanya nakakatawa kasing isipin na magpapasuyo na naman ako at gagawin ko na naman syang clown mapatawad ko lang sya.

At dahil sa katangahan ko...

Natapilok lang naman ako. Nakasubsob nayung mukha ko sa damo at ramdam ko ang hapdi ng tuhod at braso ko.

"Hala tanga!" kantyaw ni Emmett.

Gusto kong magalit pero di ko magawa. Gusto kong maiyak kasi ngayon pa sya nang aasar kung kelan kailangan ko ng tulong niya. Buset na lalaking to!

Narinig ko nalang ang yabag ng takbo nya papunta sakin.

Ngayon tutulong tulong ka dyan, badtrip ka!

Hinawakan nya ko sa kili kili at itinayo dahil nga alam nyang isang galos ko lang sa katawan eh minamahal ko yung sugat ko, konting hiwa, hagulgol agad.

"Pag lampa naman talaga oh" kasabay nun ay ang pag upo ko sa damo.

Nakita ko ang tuhod kong mapula sa kabila, nagdudugo naman sa kanan. Sa isang braso naman ay may gasgas at ang hapdi ng mukha ko. Peste

"Ano? Masakit ba?" habang pinapagpag yung damit kong malupa.

"Ano sa tingin mo?!" galit na sigaw ko.

"Kawawang lampa" asar nya pa.

Alam ko na ang susunod nyang gagawin kaya hindi nako nagtaka nung hipanin nya ang tuhod kong may sugat sabay hinalikan. Nung bata kasi kami ganun ang gawain namin kapag nasugatan ang isa samin, ikikiss namin para gumaling daw sabi nila. Ngayon ko lang naisip na kababuyan pala lahat ng yun. Nakakaurat lang!

May pa tingin tingin pa sya sa mata ko matapos ikiss yung sa braso ko. Alam kong nakatingin sya dahil magkalapit lang naman ang mukha namin kaya hinarap ko din at tinapatan ang tingin nya.

"What?" iritable ko pang sinabi.

"Ang ganda m--mo" untag nya.

Di ko alam kung matutuwa ako dahil seryoso sya sa sinabi nya o maiinis ako dahil pinaplastik lang naman ako nito.

"Ang ganda mo..." sabay buntong hininga "yun nga lang may paa naman kaso lalampa lampa"

Sabi na eh.

Sasapakin ko sana sya kaso nahagip nya yung kamao ko at mas nilapit ang mukha ko sa mukha nya.

"Nagdudugo labi mo..." kaya napahawak ako sa sarili kong labi at nakita kong may dugo nga at dun ko lang naramdaman na mahapdi pala. "Gusto m--mo ikiss k--ko?"

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat, hindi sa gulat eh nandidiri ako. Hindi nya ba alam na malaki na kami at pati ba naman itong labing to kailangang halikan nya pa, bakit? May pain reliever ba ang bibig nya? Tanga tanga talaga.

"Tigilan mo ko, Emmett" sabay tayo kahit iika ika at pumasok na sa loob ng mansion nila.

Ginagamot ko yung sugat ko ngayon dito sa may bench malapit sa pool nila. Gusto ko man maligo kaso may sugat ako, mahapdi eh.

Kahit anong gawin ko di parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Emmett na ikiss daw ang labi ko. Nakakainis! Nakakainis!

Halos mamilipit ako sa sakit ng biglang humilab ang tagiliran at puson ko. Ilang araw nakong nakakadanas nito pero mas masakit ngayon, iba ang hilab. Wala naman akong nakaing panis o ano ngayong araw pero lagi nalang nasakit yung parteng yun.

Sa sobrang panghihina ko, umakyat na muna ako sa kwarto ni Emmett para dun magpahinga at di ko alam kung san din sumuot ang isang yon.

"Ten, wake up! Fuck!" halos nagwala ang mundo ko sa pagkagulat dahil eto na naman sya, nanggigising na naman ang abnoy.

"Ano ba"

"Badtrip!" dagdag ko pa.

"T--ten may d--dugo" nanginginig pa nyang boses.

"Yung ano ba?"

"Yung short mo!"

At dahil sa kakagising ko lang wala pa rin sa sariling katinuan ang diwa ko.

"D--inudugo" sabay kalbit pa sakin.

"Ano ba yun ha?!" badtrip nato di maintindihan.

"Yung short mo may dugo!"

"Yung ano?"

"Yung short mo may dugo!"

"Ha? Ano?"

"Yung short mo kako may dugo!"

"Ahh yun lang ba? Sige salamat sa panggigising mo."

Yung short ko daw may dugo pag autistic nga naman oh iba iba ang takbo ng utak. Nagulat ako ng bigla nya kong yugyugin kaya napabangon ako.

"Nakakainis kana!" sigaw ko.

"Tignan mo!!!" hysterical pa nito.

Halos manghina ako sa nakita ko at kusang dinambo ang dibdib ko sa kaba, yung short ko puno ng dugo at tumagos pa sa bedsheet ni Emmett.

What the?! Ano to?

"A--ano? May masakit ba? S--aan?" namutla din sya siguro sa dami ng dugo.

"Nanghihina ako" halos mapahiga uli ako pero sinalo ako ni Emmett.

Para ata akong magcocollapse at ramdam ko ang bigat ng puson ko, lalo tuloy akong nanghihina.

"N--nagkaron k--ka na ba?" iwas tingin pa nyang tanong sakin dahil magkalapit ang mukha namin.

Gusto ko maiyak sa tuwa kasi kanina lang kabang kaba ako na akala kong anong meron sakin yun pala nagdadalaga nako.

"Hindi p--pa" habang nakatingin sa pader.

Wew, awkward!

"Lansa mo" pang aasar nya pa.

Jusko! Kung hindi lang kita kababata at mahal baka nabangasan na kita. Nakuha pa mang asar, badtrip ka talaga kahit kelan!

Emmett naman! Pasalamat ka mahal kita.

Wait, what?!

Ano ba tong iniisip ko!









First Love Never Dies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon