Kabanata 4

18 1 1
                                    

Emmett's POV

Isang lapit pa Emmett, lalapat na.

Di ko alam basta may part sakin na "itigil" ko'to ang isa naman ay "ituloy" ko. Aaminin kong kinikilig ako dahil matagal ko nang gustong makuha ang first kiss ko, gusto ko lang maranasan hindi ko lang alam kung para ba sa taong to ang unang halik ko.

Bago pako mas lalong lumapit sa labi ni Cleo. Nag eecho ang mga salitang binitawan ni Tennessee sakin.

"Mahalaga ang first kiss and last kiss. Dapat kung sino ang first mo sya nadin ang dapat mong maging last. Para romantic diba?"

"Tanging mahal ka at mahal mo ang gagawa sayo nyan."

"There's someone deserve your first kiss and that someone could be your last."

Sa tatlong ulit na pinag usapan naming bestfriend ang tungkol sa kiss kiss nayan. Halos saulo ko pa ang mga binitawan nyang salita para sakanya mahalaga ang first and last.

Itutuloy ko pa ba? Tama ba ang pagyaya ko sakanya na halikan nya ko para lang maramdaman ko kung anong epekto nun? Tama ba ang taong napili ko? Tama ba ang ginagawa ko? Feeling ko nagtataksil ako.

Biglang nagbell ng malakas ibig sabihin ay time na kaya kailangan na naming pumasok sa next subject.

Agad naman akong napalayo at bahagyang natawa si Cleo sa inasta ko.

"Sor--ry" uutal utal ko pang sabi.

Nakakahiya kasi.

"It's okay..." natawa pa sya at ang ganda nya tuloy lalo "it means ba na nililigawan moko?" dagdag nya pa.

Ano nga bang meron kami? Halos tatlong taon narin kaming magkasama sa unibersidad na'to. Matagal ko nang kaibigan matagal narin akong crush nito base sa pagkakasabi nya sakin. Crush ko ba sya? Mahal ko ba sya? Shet! I'm confused.

"Pag hiningian kaba ng halik it means na mahal ka nung tao?" curious ko pang tanong.

Bigla nanlamig ang kamay ko at pinagpapawisan dahil sa paghawak nya sa kamay ko.

"Pwede rin naman. Kasi hindi mo naman hihingin yan kung di moko crush o mahal diba?" sagot nya pa habang hinihimas ang palad ko.

Ganun bayun? Bat ko ba kasi hiningan ng halik? Dahil sa kuryosidad nayan ganto tuloy ang nangyari.

"Hmm yeah" dahil wala nakong masabi.

"Okay, ako naman hihingi ng favor sayo. Dahil gusto mo maranasan kung ano ang feeling kapag humalik ka o hinalikan ka bago mo makuha yun syempre kailangan mo muna akong ligawan." may halong tawa ang pagkakasabi nya.

Should I say "yes" or "no"?

"That's the deal?"

"Yes, it is." sabay tango pa nito.

At dahil deal lang naman, katuwaan lang para sakin 'to. Let me try this one.

"Okay, deal." sang ayon ko pa.

"Talaga?!" tuwang tuwa sya kaya dahil dun napayakap sya sakin.

Niyakap ko naman sya pabalik at nagulat ako nung hinalikan nya ko sa pisngi.

"Okay, so from now on liligawan mo nako. See you later, iba ang course subject ko eh." sabay tumayo sya at tumakbo habang ako ay tuliro padin.

"Bye!" At labas nang music room.

Yung buong sistema ko parang kiniliti or baka dahil kinilig ako pero may part sakin na may naalala sa ginawa ni Cleo.

First Love Never Dies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon