Kabanata 3

20 0 0
                                    

Tennessee's POV

"It's nice to see you again! Namiss kita, Maggie!" sabay yakap mahigpit sa bestfriend ko.

"Aray ko naman! Pinipitsit mo ko eh!" tatawa tawa nyang angal.

"Namiss din kita, lalo!"

Kaya naman bumitaw nako sa yakapan namin at umupo para simulan ang mahaba haba naming chismisan. Christmas break kasi halos isang buwan din yun kaya matagal din kaming di nagkita dahil busy sila sa get together with family habang ang family ko busy sa business nila. Buti andyan si Emmett para pasayahin ako dahil wala ng time sila mama at papa sakin kaya ramdam nyang nalulungkot ako at di ko naman mapagkakaila yun.

Speaking of Emmett, sabay kami pumasok nun eh ano pa bang bago. Pasulyap sulyap ako sa bawat gilid nang room para makita sya. Nakita ko lang naman syang nakikipagusap kay Cleo, ang Cleo'ng maldita na maharot pa. Nakita kong nagtatawanan silang dalawa siguro nagkukwentuhan di ko alam kung bakit pero parang may kumurot sa puso ko.

Malaki na kayo, Ten. Hindi na kayo bata na laging magkabuntot sa isat isa. Dalaga kana, binata na sya. Masanay kang hindi lang ikaw ang babaeng kaibigan sa buhay nya...

Marami sila, isa kalang.

Imulat mo na ang mata mo sa mga ganyang pangyayari, Tennessee. Gumising ka.

"Huy!" sabay kalbit pa ni Maggie.

"Oh ano yun?" saka ko nilipat ang tingin kay Maggie na kanina lang ay nasa dalawa.

"Nagkukwento ako nakatulala ka dyan! May problema ba, ten?" dagdag nito.

Ano nga bang problema, tennessee?

Ano nga ba? O baka sino ang problema ko?

Buntong hininga nalang ang naisagot ko. Wala lang naman to dahil di ako sanay kaya magpapalusot ako kay Mag.

"Wala, kasi diba dalaga nako kaya masakit ang puson ko saka di lang ako mapakali." kahit puso ko yung nasakit...

"Ganun ba? Ganyan talaga yan first time mo eh. Tatangkad ka pa lalo tuloy." sakay pa nito.

"Yeah" yun nalang naisagot ko.

Habang sumulyap na naman ako sa dalawa. Nakain sila ng burger habang nagtatawanan, nakita kong may ketchup ang bibig ni Cleo at nakita din yun ni Emmett kaya nagsalita sya. Ang pagkakaintindi ko sa buka ng bibig nya "Hey, parang bata may ketchup ka pa gilid ng labi mo oh" di ko sila narinig dahil malayo sila at malawak ang room. Ganun ang sinabi nya base sa buka ng bibig ni Emmett. Sabay pinunasan nya ang gilid ng labi nito at nagtawanan sila.

Ang saya saya nyo naman.

Nakita ni Emmett na nakatingin ako sakanila kaya naman umarte ako,  kunware masaya kunware natutuwa para sakanila. Kinawayan ako ni Emmett kaya tipid ngiti nalang ang naigawad ko, nakita ko namang nakangiti din sakin si Cleo pero halatang fake kaya sinimangutan ko nalang sya nung sakanya nabaling ang paningin ko.

Kala mo ang ganda mo eh mas maganda pa nga ako sayo. Ngingiti ngiti ka dyan mukha ka namang piranha'ng buset ka.

Sabay iwas tingin sakanila at humarap nalang ako kay Maggie na busy sa pakikipagharutan kay Cargo. Abay kebata bata, lumalandi na. Tsk tsk.

Buti pa ko, no boyfriend since birth. Never nainlove, never nagkacrush.

I wish sana meron ngayon.

Kasi yung boybestfriend ko mukhang nakadekwat na ng lalandiin nya.

Sino nga naman ako diba? Haha nakakatawang isipin na ganto ako umasta, naguguluhan ako pero hindi lang ako sanay siguro.

First Love Never Dies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon