Tennessee's POV
Gaano kasakit?
Yung nakita ko sa music room. Yung imbes na bag ko ang bitbit nya ibang bag na ang nasa braso nya. Yung imbes na ako yung kasama nya papuntang room, nagtatawanan, naglalakad ng sabay at bitbit ang bag ko. Pero ibahin mo ngayong araw, unang araw ng balik unibersidad matapos ang bakasyon dahil disyembre noon. Unang araw, unang sakit. Hanggang kelan bako matutulala? Matutuliro? Mawawalan ng gana? At mamimiss ang presensya mong ilang oras lang nawala sa piling ko, Emmett?
Nag bell kaya agad akong tumakbo nun papuntang room at saktong di ko narin kinakaya ang kaganapan sa music room kanina. Nandidiri lang ba ako? O nasasaktan sa nakikita ko?
Dapat ako yan, dapat ako yang kasama mo.
Ano? Sya na ba ang unang halik mo?
Diba sabi ko pahalagahan mo yun. Anong ginagawa mo?
Masaya ka na?
Yung ngiti mo sakin kanina at pagkaway mo halatang ang saya saya ng mga mata mo sana mahalata mo naman na namimiss agad kita. Ako naman, Emmett.
Ibang iba ang ngiti mo kapag magkasama tayo. Kung masaya ka dahil kasama mo ko, mukhang mas sumaya ka ngayon ha.
Dahil hindi ako ang kasama mo? O baka naman pinagpalit mo na ang dating bestfriend mo?
Magkaibigan ba kayo?
Bat ganyan ang kapit nya sa braso mo?
Ang daming tanong sa utak ko na hindi masagot. Tanging sya lamang ang makakasagot nun. Isa pang tanong.
Masasagot nya nga ba?
Mukhang malabo dahil may iba na syang kasama at pinagkakaabalahan at hindi na ako yun, hindi na ikaw yun Tennessee.
Baka sawa na sya sayo. Sa araw araw na ginawa ng Diyos na magkasama tayo, kwentuhan habang binibilang ang bituin sa langit yung iba nagniningning yung iba naman hindi natin kita, natatawa tayo kapag binabalikan at ikukwento yung kabataan natin habang nasa terrace nakaupo at nagkakape o kaya nakain ng chichirya tapos yung buwan yung nagsisilbing ilaw natin o liwanag. Siguro, nagsasawa na talaga sya sakin.
Sa araw araw naming asaran at lokohan, ako lagi ang talo ako lagi ang pikon. Sya lagi ang nanunuyo sya lagi ang nagiging clown ko sa araw araw para mapatawad ko lang sya. Pagod na siguro syang intindihin ang mood swings ko, bukod sa meron ako kahit wala naman ay moody nako mas lumalala lang lalo.
Malaki na tayo, Emmett. Alam kong nagsasawa ka na at hindi mo ring maiwasan na humanap ng babaeng para sayo. Yung mahal ka at mahal mo, yung mahal nyo ang isat isa. Yung relasyon hindi yung relasyon lang bilang pagkakaibigan.
Hindi yung friendship.
Nasa limitasyon na dapat ako ngayong pumapagibig na ang bestfriend ko.
Walang klase nung last subject namin agad hinanap ng mata ko si Emmett. Nakita ko na namang nakasabit ang higad sakanya, lakas ng kapit mo ha.
Hindi na ko nagulat nang hawakan ako sa kamay ni Maggie at ngayon sila ang kasabay ko imbes na ikaw dapat at ikaw ang nasa tabi ko.
"Alam kong matagal na silang magkakilala pero ngayon lang sila naging close ng ganyan." habang tumigil muna kami sa paglalakad at umupo sa bench sabay kaming pito ay parehas na nakasulyap sakanila. Ganun ang pagpapaliwanag ni Cargo, ganun din ang samin. Pare parehas lang kami ng naiisip.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceDalawang bata, dalawang puso pero iisa ang tibok. Magkababata pero mga aso't pusa, tunghayan ang kanilang pag iibigan. Pag ibig na walang hanggan.