Fine's POV
NEXT DAY~~~~~~~
"Best, gising na! May pasok ka pa!" Rinig Kong sigaw ni Steph pero binalewala ko lang ito at sinimula ko ulit matulog.
"Hnnnnnn......." Sabi ko habang niyuyugyog ako.
"Best pag di ka pa tumayo diyan tatawagin namin si Nathan." Pagsabi ni Steph ang pangalan na Nathan bigla akong nagising.
•loading•
•loading•
•loading•
•loading•
•loading•
•loading•
•loading•
"Don't you even dare calling that pervert!" Sigaw ko habang papasok ng kobeta.
"Just kidding, hindi ka ba nakaintindi ng joke?" Sabi ni Steph habang nag peace sign.
"Haisssss........sige labas ka muna." Sabi ko na parang naiirita.
"Kk!! Tehee!!" Bakit ko ba ito naging bestfriend?
By the way, pakilala ko muna iyong so called "Nathan" na iyon.
Siya si Nathan Smith, ang aking manliligaw. Ilang beses ko na sya binasted and yet hindi pa rin siya nagigive up, at masyado siyang bastos.
Well kailangan ko na mag prepare para sa school. Nakalipas ng 30 minutes at tapos na ako.
"Bestie nakahanda na ung pagkain." Sigaw ni Steph sa kusina.
"Okay!" Sagot ko.
Lumabas na ako at nakita ko ang paborito kong bacon and egg!!
"Sino nagluto?" Tanong ko kina May, Lily, at Kira na. Nakaupo na at nagsimula na kumain.
"Steph." Sabi ni May.
Napatigil ako sa narinig ko...
"Steph, baka naman may lason ito?" Sabi ko ng walang paninigurado.
Ilang beses na ako nahimatay dahil lang sa luto ng babaeng iyan. Gusto ko lang manigurado.
"Bestie, tiwala lang, walang lason iyan." Sabi niya habang naka ngiti sa akin nang pag labas niya ng kusina habang nakasuot ng apron.
"Okay fine." Umupo na ako at kinain ko na ang luto ni Steph.
Sumubo ako at okay lang ang bacon. Okay na ang lahat basta masarap si bacon.
"Okay lang." Sabi ko at biglang tumili si Steph at nagsimulang tumalon. Tumayo na ako dahil tapos na ako kinain.
"Sige alis na ako, at nakaenroll na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Yep! Excited na ako bestie!" Tili ni Steph.
"Sige pasok na ako!" Sabi ko nang kinuha ko na ang bag ko at nasa harap na ako ng pintuan at sinusuot ko na ang aking sapatos.
"Bye bye!" Sabi ni Steph habang kumakaway.
"Mamaya nalang kami papasok." Pahabol na sabi ni Lily.
"Okay." Sabi ko at lumabas na para dumiretso sa school.
Pagdating ko sa school, bigla akong nasusuka dahil sa nakita ko.
"Oh look girls, the nerd." Sabi ni P1.
P1 means panget 1 and so on. Wala akong oras alamin ang kanilang mga pangalan"Haha! She like nerd!" Sabi naman ni P2.
Bobo ba ito sa english? Ang yayaman , bobo naman pala sa english!
"She is so panget!" Sabat ni P3.
Nag pa retoke lang kayo!
"She even dared to salita back to papa Ace!" Sagot ni P4.
Seriously? Mga mayayaman ba talaga ito?
"Haha! She's such a papansin!" Haha your face.
Makapunta na nga sa classroom. Nagsimula na akong maglakad pero nahulog ko ung panyo ko at pupulutin ko sana nang..
"Kyaaaaa!!!!!"
"Wag kang maingay!" Sabi ng kumuha sa akin. Nakatalikod ako ngayon at ang kaniyang mga kamay ay nasa waist ko.
Nandito kami sa isang dark hallway. Sinumulan niya akong hilain.
"Sino ka ba?!?! Ha?!?!" Tanong ko ng pairita. Patuloy niya pa rin akong hilain hanggang sa kakarating kamisa backyard ng school.
"Bakit hindi ka umuwi kagabi?!?! Ha!?!" Tumalikod all at nagulat ako dahil ang humila pala sa akin ay ang kuya ko.
"Kuya pwede naman mo akong kausapin ng maayos kaysa hilain!"
"Siguro naglalandi ka sa tabi-tabi noh? Ano? SAGOT!" Pasigaw niyang sabi habang hinihila niya ako papunta sa sasakyan niya.
"That's none of your bussiness!" Sigaw ko habang pinipilit Kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin.
"Anong none of your bussiness? Kuya mo ako Fine!! KUYA!"
"Bakit ano bang pakielam mo?!"
"Kuya mo ako fine! At may karapatan ako makielam!"
"Ano ba?!? Ang kulit mo!!! I said it's none of your bussiness!"
"Ano ka ba! Nag alala si mama kagabi!"
"Wow! So may oras rin pala kayong magalala!"
"Fine!"
"Ano?!?! Papagalitan niyo ako?!?!? Kuya for all this years! I did my best pero hindi niyo pinansin iyon! I'm yearning for your love! But all you gave me is bullshit! Bakit hindi niyo napansin? Ang mamanhid niyo ni mama!" Umiyak ako habang sinasabi ko ito.
Tumigil na siya at humarap siya sa akin akmang yayakapin niya ako pero tinulak ko siya palayo.
"Fine........"
"No more kuya, i can't take it anymore! I'm cutting all my ties with you and mom!" Sabi ko at nagsimula na akong lumakad sa ibang direksyon.
"Fine, stop this nonsense!" Sabi ni kuya habang hinahabol niya ako.
"I'm serious kuya, i'm cutting all my ties with you."
"Fine................"
"I'm sorry......."
"It's too late for sorry..."