Fine's POV
*KRIING*
*KRIING*
*BOOGSH*
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock at syempre makakalimutan ko pa ba itong sirain?? Bad trip naman, first day of school ngayon.
"Fine! Bumaba ka na!" Tawag ng Kuya ko galing sa baba. Nakakairita naman itong kapatid ko. Tumayo na ako sa aking kama at pumunta na sa aking banyo.
"Oo na!" Sabi ko nang nag simula na ako magtanggal ng damit para maligo. Pumasok ako sa shower at nag simula na maligo. Pagkatapos ko maligo nag toothbrush na ako. Ano sa tingin niyo? Makakalimutan ko mag toothbrush?? Nakakahiya naman sa kuya kong pangit.
Lumabas na ako ng banyo at kinuha ko ang bago kong planstyang uniform. Baka magtatanong pa kayo kung ano ang mukha ng aking uniform. Syempre sasabihin ko na, ito ay isang knee length skirt, blouse na puti, at necktie. Bahala na kayo mag imagine kung anong kulay iyon.
Lalabas na sana ako ng kuwarto nang may naalala ako kaya bigla ako, pumasok ulit sa aking kuwarto. Pumunta ako sa aking bedside table at kinuha ang aking makapal na salamin na wala namang grado. Wait!! Ang aking bag!! Kinuha ko ung bag na nakalagay sa lapag at nilagay ko ito sa aking likod.
"FINE!!!!!!" Sigaw ng kuya kong pangit ang mukha. Tch! Akala mo kung sino eh. Pangit naman ang mukha. Nagtataka pa nga ako kung bakit ang daming na inlove na babae sa kanya eh.
"Baba na!!" Sabi ko habang naglalakad sa aming staircase. Yaman namin!! Teka!! Joke lang iyon!! Nagpababa ko nakita ko wala na ang aking magaling na kapatid na may ubod pangit. Halata namang lumabas na siya kaya lumabas na ako ng hindi pa nag aalmusal.
Ba
"Ang tagal mo, para kang pagong kumilos!" Sabi ng kuya ko habang pumapasok siya sa loob ng kanyang sasakyan na red.
"Sorry naman!" Sabi ko habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan.
"Dalian mo pasok ka na sa loob ng kotse!" Nang sinabi niya iyon, tumakbo na ako.
"Oo na!" Sabi ko habang ako ay tumatakbo. Nang makarating na ako, binuksan ko ang pintuan sa front seat at pumasok agad. Pag upo ko tinutok ko ung aircon sa akin at umupo ng maigi. Pinaandar na ng kuya ko ang sasakyan at nagsimula na siya magdrive.
Ay! Oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala! Ako nga pala si Fine Lee, ako ay 1/4 korean at 3/4 filipino. I'm 18 years old at ako ay isang senior. Dalawa lang kaming magakakapatid sa aming pamilya at ako ay maganda. Kanina pa ako salita ng salita Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa tapat ng school.
"Oy! Andito na tayo baba ka na!" Sabi ng kuya ko habang nakatingin siya sa akin. Nailang naman ako kaya sumagot ako.
"Kuya wag kang sumigaw, wala tayo sa bundok!" Exaggerating much??? Well that's how i talk kaya bear with me kasi ganyan ako magsalita.
"Kung hindi lang kita kapatid nasapak na kita!" Sus, utot mo!! Ano sa tingin niya??? Madali lang ako suntukin?? Mangarap siya!! Palibhasa puro salita lang itong kapatid ko.
"Harhar! Nakakatawa kuya." Sabi ko with sarcasm. Teka! Wala ng exclamation ung salita ko ah! Harhar!! Charot!!
"Baba ka na!" One word para sa kuya ko. PANGIT!!!
"Teka hindi ka ba baba dito?" Syempre pa innocent mode kay kuya para may kasama ako!! Bago pa lang naman ako dito sa school na ito eh! Paano pa kaya kung may mga plastik dito?? Mamaya sabihin pa nila i want to tapon you sa basura, engot na sa english, pangit pa!! Paano na yan!! Full package ata na receive ko!!