Fine's POV
*KRIING*
"Okay class! You may now go home!" Sabi ng aming guro habang nililigpit ang kaniyang mga gamit. Tumayo na siya at lumabas na ng classroom. Nagsimula na kami magligpit at mas nauna ako natapos kaya lumabas na ako.
Ayaw ko pang umuwi! Ratatatatatat na naman aabutin ko sa bahay! Hmmmmm, paano ako makakaiwas? Maraming paraan para makaiwas sa aking mudra.
A. Umakyat sa bintana
B. Mag-ala ninja sa hagdanan
C. Magpalipas ng oras
Hmmmmm... Lets recall my past tungkol sa mga choices.....
FLASHBACK A:
Yipee! Maabot ko na ung bintana! Umakyat na lang ako kaunti hanggang sa maabot ko ang bintana. Pag-hawak ko ng bi-
"ARF! ARF! ARF!"
O_O!!!!
OH NO! SHIT DON'T TELL ME MAY ASO?!? Tumingin ako sa baba at marami akong nakitang aso na tumatahol. Pag-hawak ko sa knob ng bintana, hinila ko ito.
Dont tell me nakalock ung bintana?!?
*clack*
What the heck?!? Ayaw bumukas!! Sinubukan ko ulit ito buksan pero ayaw talaga.
NUUUUUUUU!!!!!!!
FLASHBACK ENDS:
O_o okay i don't want to end up like that again. Ganda talaga ng buhay ko.
Okay next...
FLASHBACK B:
Okay coast is clear!
*tiptoe*
*tiptoe*
*tiptoe*
*tiptoe*
"Where do you think you're going?" Boses ng isang matandang babae. Pagtingin ko sa aking likod, nakita ko ang aking nanay na naka pamewang. Palapit na sa akin ang aking nanay. Not again!!
Bago ako makatakbo, piningot niya tenga ko papuntang sala. Pagdating ko sa sala naramdaman ko na masakit ang aking tenga at hinawakan ko ito at may dugo ang aking daliri.
NUUUUUUU!!!!
FLASHBACK ENDS:
Ayoko nang mapingot tenga ko! Nung time na un kung makita mo lng nakabaon na ung kuko ni mama! Okay next!!
FLASHBACK C:
Andito ako ngayon sa bar nakaupo. Tinitingnan ko ang mga tao at madami akong nakitang sumasayaw.
Biglang may lumapit na mga lalaki at sinabing "Maam, sorry po pero kailangan namin po itong gawin sa inyo." biglang may tinakip na panyo sa bunganga ko at all i remember nagdilim ang paligid ko...
Pagkagising ko nakita ko si mama nasa harap ko at ako nakaupo sa upuan habang nakatali ung kamay ko.
"Fine, ano nanaman ginawa mo?!?"
NUUUUUUUU!!
FLASHBACK ENDS:
Grabe mama ko no?? Amazona!!!! So none of it works, so no choice kundi tiisin ung bibig ng mama ko. Kahit anong gawin ko hahabulin ako noon. Marami kasing connections si mama pero hindi niya alam ang ginagawa ko katulad ng gang fight maski kuya ko walang alam tungkol doon.
Well makauwi na nga lang
*Lee's Residence*
*GULP*
I give up!! Ayaw ko nang pumasok nakakatakot! Hmmmmm..... Saan ba pwedeng tumambay??
*isip*
*isip*
*isip*
*isip*
*TING!!*
Doon muna ako kina May! Nakatira naman kasi sila sa isang condo eh! Tsaka hindi pa sila kilala ni mom!
Pero malayo..........
Gamitin ko na lang kaya motor ko?? Pero in this outfit?? Wag na!!
Pasundo?? Baka maka abala pa!
Lakad?? Mag gagabi na! May manyak pa naman! Ay teka kaya ko naman sila talunin eh! Kaya nga ako gangster eh! Haiis bakit hindi gumagana coconut shell ko ngayon???
Well time for a makeover!! Nagsimula na akong maglagay ng make-up at tinaggal ko na ang aking salamin. Inayos ko din ang aking buhok para hindi ako makilala.
My baby! Here i come! Pumunta ako sa hidden garage ko at hinanap ko ang baby motorcycle ko. Nung nakita ko na sumakay na ako, pinaharurot ko na motor ko papunta kina May.
30 minutes lang ang biyahe papunta kina May. Kasi may traffic kaya natagalan ako.
Nang makarating na ako sa condominium nina May, ginamit ko ang elevator at umakyat ito sa 6th floor. Hinanap ko ang room number 201 at nakita ko ito sa dulo ng hallway.
Nag doorbell ako at hinantay ko ang magbubukas ng pintuan.
"Yow wazzup man! Watcha doin' here??" Sabi ni Steph nang pagbukas niya ng pintuan.
Siya si Steph Sy, ang childish sa grupo pero kapag makipagaway serious, at siya ang bestfriend ko.
"Nasaan ung iba??" Tanong ko sa aking bestfriend.
"Movie marathon." Sabi niya tapos sabay turo sa kaniyang kuwarto.
"Dito muna ako makikitulog." Sabi ko nang pumasok ako sa loob ng condo.
"Okay! La la la la la~" Pakantang sabi ni Steph habang nag ski skip siya papunta sa kwarto.
Sumunod ako kay Steph. Pag kakita ko sa kwarto para akong binuhusan ng tubig.
Mga babae ba talaga to?!?!?
Ang kalat putcha daig pa nila kuya ko!"Guyz! Andito si best!" Sigaw ni Steph para makuha ang kanilang atensyon. Naglalaro ang mga mokang ng League of Legends.
"Oh lead! Si mudra nanaman?" Sabi ni Kira habang naglalaro. Hindi siya tumingin dahil halatang concentrated siya sa kanyang laro.
Siya si Kira Kuduo,dakilang playgirl ng grupo, kaya mabilis matalo ung kalaban dahil sineseduce niya.
"Yeah, buti naisipan ko pumunta dito." Sagot ko lang humiga ako sa kama ni May.
"Well kasalanan mo yan eh." Sabi ni May, concentrated din sa laro.
Siya si May Ocampo, ang pinakamatalino sa grupo, palaging serious, tahimik, at snob.
"May, tama na." Sabi ni Lily nang pumasok siya ng kwarto habang hawak hawak ang mga snacks.
Siya si Lily Ocampo, hep hep hep wag kayong sasabat! Magkapatid silang dalawa ni May, baliktad ugali nilang dalawa kung si May palaging serious, si Lily masayahin, at mabait.
Since tapos na ako magpakilala kami ang HOT ANGELS! Naisip namin na sexy kami parang hulog ng langit kaya ayun dun nabuo pangalan ng grupo namin. Corny much but iyan ang naisip eh.
Ang mga codenames naman namin ay, Silent devil (ako), Black Angel (Steph), Red Devil (May), Pink Devil (Lily), Black Star (Kira).
Iyan ang mga codenames namin so balik na tayo sa realidad.
"Guys, antok na ako." Sabi ni Steph nang nagpakita sa screen na talo ang group niya.
"Sige matulog na tayo." Pag sang ayon ni Lily kay Steph. Pinatay na niya ang saksakan at humiga na sa kanyang kama.
Nakigaya naman si May at Kira at humiga na sila. Naghanap muna ako ng masusuot at sinuot ko na ung malaking t-shirt and shorts. Humiga na ako sa extra na kama at natulog na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~