Airo's POV
"Hoy taba! kain ka nanaman ng kain jan. Takaw mo talaga. kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. Dahil sa katakawan mo." pang-aasar ko kay Nicole. Pano ba naman ang takaw takaw. Parang mamatay na bukas. Pero syempre ayaw kong mamatay ang best friend ko. Mahal na mahal ko ata yan.
"Anong kinalaman ng pagkain ko sa ekonomiya ng Pinas? At sinabi mo bang mataba ako? Tumahimik ka nga jan Airo! Bwiset! Ang sarap sarap na ng kain ko tapos ganyan ka?! Napaka supportive mo!" sumbat sa akin ni Nicole, Sabay walk out. Hala... Nagalit ata. Ang OA na naman niya, nag jojoke lang naman ako eh. Di naman siya mataba ah...
"Nics! Bes! Teka lang..." Ayan nanaman siya. Lalayuan nanaman niya ako. Tampo nanaman. Ayaw ko na... Puro tampuhan nalang kami lagi ni Nicole. Hindi pa ba siya nasanay sa bestfriend niyang mapangasar? Habulin na nga lang.
"Nics... Teka lang naman... Alam mo naman nagloloko lang ako kanina. Joke lang naman yun eh... Tignan mo kaya yang sarili mo.--"
"Ano?! Mataba ako?! Ganon?! Ha?!" Sumbat nanaman ni Nicole sa akin. bakit ba ganito tong bestfriend ko? Hindi man lang ako patapusing magsalita.
"Teka lang... Pwede patapusin mo muna akong magsalita. Ha? Sabi ko... Tignan mo nga yang sarili mo... ang--"
"Na ano?! Na matab a ako?! Ha?! Alam mo Airo ewan ko ba kung bakit kita naging bestfriend. Eh ugali mo palang bagsak na sakin eh. At--"
"Ano ba!!!!! Pwede ba patapusin mo akong magsalita?! Pwede ba po?! Miss Nicole Perez?! Ha?!" Yan... tahimik na siya. Takot lang naman to sakin kapag sumisigaw na ako. alam nya kasi na kapag sumisigaw ako. seryoso ako. "Sabi ko... Tignan mo yang katawan mo... Hindi ka naman mataba... Sexy ka kaya. A--"
"Ano?! Bastos ka talaga Airo! Yuck! Kadiri ka! Yuck!" sabay hampas. ano ba to? sabi ko lang na sexy bastos agad? Hindi kasi ako pinapatapos eh. Matakpan nga ang bibig nitong babaeng to.
At ginawa ko nga. Nilagay ko ang kamay ko sa may batok niya para naman hindi masaktan. At tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya para naman makapagsalita ako. nakakapagod din kasi kung lagi ko nalang siyang papakinggan at hindi man lang siya makikinig sakin.
"Bes naman... pwede ba akong magsasalita? Yung ako lang muna ang magsasalita." tinanggal ko ang bibig niya, este yung kamay ko sa bibig niya.
"oo na... Bilis." sabi niya. Buti na lang! Hay nako! Thank you lord! Amen!
"Hindi porket sinabi kong sexy ka... Bastos agad. ang ibig sabihin ko lang ay... maganda ka, hindi ka mataba. Syempre bes joke ko lang yung mataba ka. Eto lang naman eh. Maganda ka at Sexy. Ang sexy para sa akin ay yung tulad mo. Isang mabait, maganda at matakaw na bestfriend tulad mo." Sabay kurot sa pisngi niya.
"Aray ko!" Arte naman. nagpapakasweet na nga ako ganyan pa siya.
"So... Bati na tayo?" tanong ko sakanya
"Hinde!" sabi niya. Aba Matinde! Ano bang gusto nito? Sinabihan ko na nga ng mga compliment, ayaw pa. Pakipot!
"Ha?! Ano bang gusto mo?? Kahit ano." Hulaan ko... Pagkain nanaman to.
"Libre mo ko." Sabay pout ng lips. Sige na nga... Buti na lang...
"Tara. San mo gusto? libre ko." sabi ko sa kanya. Mauubos na naman ang weekly allowance ko nito. Tsk. Tsk.
'Sabi ko na nga ba bibigay ka rin eh. Di mo kasi ako matiis' bulong ko.
"Ano? Ano sabi mo? Pakiulit nga!" sabi niya. Bulong na nga yon narinig pa rin niya. Talas ng pandinig.
"Wala..." sabi ko na lang at naunang maglakad sa kanya.
"Oh san ka pupunta?!" sigaw niya. Para talagang ambulansya ang bibig nito eh. Napakaingay.
"Sa Jollibee. Diba ililibre pa kita?" sabi ko sa kanya. Di bale malapit lang naman ang Jollibee sa amin. Teka, teka. Luh! Baka nagbago ang isip niya. Baka di na siya magpalibre.
"Sa Mall tayo pupunta. Mr." sabi niya. Ano naman kayang trip nito?
"Akala ko ba pag--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko hinila na niya ko sa pinara niyang jeep. Kahit kailan talaga.
"San pera mo?" tanong niya sa akin. Inabutan ko siya ng isang libo.
"Isang libo? Pampamasahe natin? Wala ka bang barya?" sabi niya ng tuloy-tuloy. Inabutan ko siya ng bente.
"Bente? Seryoso ka? Ang yaman yaman mo bes tapos bente lang?" Ampotek! Sabi barya tapos bente kuripot pa?!
"Bes. Niloloko mo ba ko? Kanina.. isang libo binigay ko sabi mo barya gusto mo. Binigyan kita ng bente tapos ako pa yung kuripot?" Ang gulo talaga ng isip nitong bestfriend ko
"Juk lang! HAHAHA! Yung reaction mo priceless. Tinitignan ko lang kung pwede akong maging artista. Akin na yang bente mo" sabi niya. Binigay ko na lang sa kanya. Seryoso di bagay sa kanya ang artista.
"Mannong bayad po!" sabi niya habang inaabot ang bente sa driver. Pers taym ko magcommute. Ganito pala yung feeling.
"Sa The Mall po, dalawa, kakasakay lang." sabi niya ulit.
"Wala ka bang sukli?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Sakto lang." sabi niya.
"Eh ba't mo kong sinabihang kuripot" sabi ko.
"Gusto ko ikeep yung change. HAHAHAHA!" sabi niya. Yun lang.
~~~
"Bes. Kanina pa tayo paikot ikot dito sa mall na 'to wala parin tayong nabili kahit isa. kahit nga pagkain wala eh." Ano ba tong babaeng to. Kanina pa kaming dalawa paikot ikot dito sa mall... ilang botique na ang napasukan namin wala paring siyang nabibili. Gutom na kaya ako.
"Ano ba... Malapit na... Saglit nalang bes. Promise..." Promise?! Eh kanina ko pa naririnig yang malapit na promise... wala parin. Nagtataka talaga ako kung paano ko ito naging bestfriend eh.
Dinala niya ako sa isang gadget shop na hindi ko alam ang pangalan, dahil parang napaka excited niya. Pero, teka... bat andito kami sa gadget shop. Wag niya lang sabihin na dito ko siya ililib---
"TADA!!! Dito mo ako ngayon ililibre. Mayaman ka naman eh. HAHAHA!" sabi niya. Lagot. Mauubos yata ang buong allowance ko sa isang buwan. Lagot talaga. Eh... mayaman din naman siya ah.
"Hintay ka lang dito ah. Mamimili lang ako ng bago kong gadget." sabi niya. In-emphasize talaga yung word na bago eh. Dadating din yung araw na siya naman yung under sa akin.
Dahil wala akong magawa, naghintay ako dun sa isang spot na iniwan niya ako. Makaraan ng 40 minutes, oo nagtimer talaga ako, bumalik sya sakin at naka-smile ng napakalawak.
"Tara." sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Parang nakuryente ako, naramdaman ba niya iyon?
Wala akong magawa. Sabi ko ililibre ko siya. Pero di ko naman alam na gadget pala yung gusto niya. Binayaran ko nalang ang bago niyang Sony XPeria Z.
BINABASA MO ANG
The Best Friends Love Story
Teen FictionA story of two best friends that is full of twists and turns, with one accident, two deals, and three people, and four decisions that are going to change their lives forever. © Copyright 2014. All rights reserved.