Nicole's POV.
*Teet Teet Teet Teeeeeet Teet Teet Teeeet Teet* Ano iyong tunog na iyon? Bakit ang sakit ng ulo ko? Bakit parang napakaliwanag?
"Gumagalaw ang..." hindi ko masiyado marinig ang sinasabi. SIno nga ba ang nagsasabi no'n?
"NURSE! NURSE!" Sino ba yung sumisigaw?
May biglang parang gumalaw. Ano ba ito? Kahit nakapikit ako nararamdaman ko ang mga galaw nila. May Observation Haki ba ako? Ang astig naman nun mehn!
"Stable na po ang kundisyon niya. Pwede na po siyang magising anumang oras." Hala! Ano bang nangyari sa akin? Ba't parang... Ba't parang... 'Stable na po ang kundisyon niya.' Nasa ospital ba ako? Hala! Ano bang nangyari talaga? Nasa ospital ba talaga ako?! Lagot! Anong nangyari kahapon?! Anong ginagawa ko dito sa ospital?
Bakit hindi ko na lang idilat ang mata ko? 'Di talaga ako nag-iisip. At ayun, minulat ko ang mata ko. Para naman makasigurado akong nasa ospital ako. Mas maliwanang pa itong ngayon kesa kanina. Feeling ko tuloy yung sa mga T.V at mga movies, yung nakakakita rin ng liwanag kapag nagising sa ospital.
"Anak." ah. Kilala ko na, boses ni Mommy. Tinignan ko yung pinanggalingan ng boses, si Mommy nga talaga. Dali-dali siyang pumunta sa'kin at niyakap niya ako. Grabe parang heaven! I really feel the comfort in her hug. Parang first time lang niya akong niyakap. I'm really lovin' it. Just like how I'm lovin' McDo. Okay, 'nuff of my waley jokes. It's time to be serious. Just like the serious Sirius Black. 'Nuff said! Waley talaga ang mga jokes ko. Di bale ako lang naman nakakaalam ng ka-cornyhan ko.
Tinanggal na ni Mommy ang pagkakayakap sa'kin. "My, nasaan si Dy." Ganda ng tawag ko sa kanila, pero parang weird. Parang pers taym lang 'yong sinabi ng dila ko. Parang foreigner yung words para sa dila ko. Pero at the same time parang familiar.
Halatang nagulat si Mommy, pero bumalik din yung normal niyang pes. Bigla namang lumitaw si Daddy kung saan. Kinulong niya ako sa bisig niya. Napakahigpit ng yakap niya. Halos hindi na nga ako makahinga eh. Kaso di na lang ako umatungol. Siguro nung mga nakaraang araw halos nasa kamay na ako ni Kamatayan. Naalala ko pa nga nanaginip ako, may liwanag na yumayakap sa'kin. Liwanag lang yon kaso di ako makawala. Di ko naman kasi ako nag try na kumwala.
"My, Dy, bakit nga ba ako nandito? Bakit wala tayo sa bahay?" Ay, tanga. Kakasabi ko lang sa isip ko kanina na 'Siguro nung mga nakaraang araw halos nasa kamay na ako ni Kamatayan.' Ang bobo lang Nicole?
Bago pa sila makasagot, nagsalita na ulit ako. "Iibahin ko na lang po ang aking question. Bakit po ako nasa ospital? Ano pong ginagawa ko dito?" Ay, isang kabobohan na naman. Malamang nagpapagaling ako dito.
Syempre inunahan ko na naman silang magsalita. "I mean, ano po bang nangyari sa akin at napadpad ako dito sa ospital?" Purrrfect question. BWAHAHAHA!
"Hindi mo man lang kami pinagsasalita anak. Hayaan mo sasabihin na lang namin sa'yo ang dahilan sa mga susunod na araw. Baka atakihin ka sa puso kapag sinabi namin ngayon." sabi ni Mommy.
Tumango-tango na lang ako. Wala pa akong lakas para pilitin silang palabasin kung anuman yung nasa dulo ng mga dila nila. Pero grabe naman 'ata yung atakihin sa puso. Pero baka grabe rin naman ang dahilan. GrabiiTeh! talaga.
"O, siya, anak. Magpahinga ka na lang ulit. Uuwi lang ako at kukuha ng mga bago mong damit. Sabi kasi ng doctor baka 3 days ka pang maconfine dito." sabi ni Daddy.
"Pero, Dy, gutom po ako. Bili na lang din po kayo ng mga pagkain." sabi ko kay Dad. *GRRRRR* Hindi yan asong ulol, tyan ko 'yan. Hinawakan ko na lang tyan ko para naman tumigil yung tunog. Narinig din kasi 'ata nila My at Dy yung tunog eh.
BINABASA MO ANG
The Best Friends Love Story
Teen FictionA story of two best friends that is full of twists and turns, with one accident, two deals, and three people, and four decisions that are going to change their lives forever. © Copyright 2014. All rights reserved.