Chapter 12: New Friend?

80 5 0
                                    

Nicole's POV

Makaraan ang tatlong araw na pag-isstay ko sa hospital, umuwi na kami. Kaso bendado pa rin ang ulo 'ko. Haaay. Hanggang ngayon ang ganda ko pa rin. Fabulous! Pak!

So, 'eto na nga. Pagkapunta ko ng bahay, sabi nila Mommy at Daddy, lilipat daw kami ng village. Sa Woods Dale Village daw. Kasi daw, kaya daw ako na-ospital, eh nalaglag daw ako sa hagdan. Hindi naman yun nakaka- heart attack. Grabe naman yung reactions nila eh. Pero grabe rin siguro yung pagkalaglag ko sa hagdan. Nagka-benda ako sa ulo eh. Sinabi yun sa'kin nila Mommy at Daddy, bago kami umalis ng ospital. Kaya ayun, gusto nilang lumipat ng bahay. Ako nga rin eh. Gusto ko na ring lumipat ng bahay. Nakakasawa na rin dito eh. Sa pagkakaalam ko, 1 year old pa lang ako, dito na 'ko tumira.

Pero, ang pinagtataka ko lang, kakagaling ko lang sa ospital, lilipat na agad kami. Hello?! Ang sakit pa nga ng mga kasu-kasuan ko maglilipat na agad kami. It's like.. it's like... DUH?! Di ko naman keri na magbuhat agad ng mga gamit namin. Pero sana lang, may mga magbubuhat. Yung, I mean, mayaman naman kami, pwede naman sigurong rumenta sila Mommy at Daddy ng mga 'movers'.

"Anak, Nicole!" sigaw ni Mommy.

Nandito kasi ako sa room. Inaalala ang mga memories. Mamimiss ko rin naman 'tong room na 'to. For 9 years dito ako natulog, at naglaro. Syempre 8 years old ako nung lumipat ako ng room. Nakikitulog pa 'ko kila Mommy nung 7 years old pa 'ko eh. Nakakatakot kaya, lalo na yung mga monsters. Sila Boogeyman, si Pennywise, si Sadako, si Ju-on, tapos meron pang mga nilalang na lumalabas sa ilalim ng kama. Dati nga napaihi pa 'ko sa takot, nung kwinento yun sa'kin ng kalaro ko.

"Opo, My! Saglit lang po!" sabi ko.

Humiga ako sa kama ko. Tinitigan ko yung ceiling namin. May nakadikit na poster, poster ni Logan Henderson. Ang wafu talaga niya. Sayang nga lang tapos na yung Big Time Rush, nirere-run na lang siya ngayon. Okay, so, kanina ko pa naman napansin yung picture niya. Ngayon ko lang tinitigan ng mabuti. Oh, wait, where's my phone?!

"My! Nakita mo ba yung cellphone ko?!" sigaw ko. Hindi pa pala ako nakakapag Twitter at FaceBook. Wala pa 'kong ka-alam alam sa nangyayari sa outside world.

"Ah! Nandito sa baba." sabi ni Mommy. Agad-agad naman akong tumayo sa pagkakahiga ko. Ahh, I feel dizzy and temporary blind. Umupo muna ako.

"Nak, andito sa baba ang phone mo!" sabi ulit ni Mommy. Ilang saglit pa, nawala na yung pagkahilo ko, umayos na rin yung paningin ko.

"Opo My!" sabi ko. Bumaba na ako. Syempre dinahan-dahan ko yung pagbaba 'ko. Dito daw ako nahulog eh. Mamaya, mahulog ulit ako.

Nagpunta ako kay Mommy, kinuha yung cellphone ko at lumabas. Abot naman ng wi-fi yung labas eh.

~~~~~

*Scroll Scroll*

*BEEP BEEP* AY!!! ANAK NG PWET NG KABAYO!!! Ano ba 'yon?! Tumingin ako sa harap ko. Nag renta nga sila ng mga movers. YEEY!!! Partey! Partey!

"My!" tinawag ko si Mommy.

"Bakit 'nak?!" sigaw pabalik ni Mommy. Bingi ba si Mommy o sadyang hindi niya lang narinig yung busina?

"My! Andito na yung 'movers'!" sabi ko. Pumasok na 'ko sa loob at pinuntahan si Mommy.

"My, nandun na sila." sabi ko kay Mommy.

"Ay! Oo nga pala." sabi ni Mommy.

"Sige po My. Punta lang po ako sa kwarto ko." sabi ko. Nagpunta ako sa kwarto ko. Naisipan kong magselfie for the last time dito sa kwarto na 'to. Inayos ko ang sarili ko, inilabas ang phone 'ko. And it's

~Tara na't mag-selfie selfie selfie selfie tayo 'pag may time, ipakita sa mundo ang maganda mong smile, selfie selfie selfie selfie...~ 

Okay, I'm having an earworm. LSS na rin 'ata ako sa kantang yun. Basta ayon, I took 3 shots of myself, in front of the mirror. Showing my messy room. Joke! Malinis kaya room ko. Masipag ako eh. Well, dumayo muna ako sa gallery ko. *Swipe Swipe Swipe* Napapangiti ako habang tinitignan yung mga pictures ko. HAHAHA! Ang hilig ko talagang mag-selfie. Vain ako eh. *Swipe Swipe* A-ano 'to? *Blinks* Si-sino 'tong kasama ko? Pa'no kami nakapag-selfie kung hindi ko siya kilala? Pero, infairness ha may itsura yung kasama ko. Ang wafuu eh. Eh, wala namang kwenta 'tong picture na 'to. Di ko kilala yung kasama ko, ayaw ko namang hanapin yun. Delete ko na nga la----

The Best Friends Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon