Flashback: 2 years ago.
Airo's POV
Kumakain kami ni Nicole sa School cafeteria noon. Lunch eh, alangang maglaro kami? Masaya kaming nagkwe-kwentuhan, nang biglang mag-ring yung phone 'ko. Galing kay Austin
'Tol, biking tayo bukas. Sasama 'ko si Dane.' sabi niya dun sa text. Sino naman yung kaibigan niyang yun? Nag-reply ako.
'Geh, ba.' reply 'ko habang nakangiti. Kamusta na kaya yung dalawang mokong na yun. Halos apat na buwan ko na siyang hindi nakikita. Medyo busy kasi ako dito sa school namin.
Napansin naman bigla ni Nicole yung pagtahimik ko at pag-ngiti ko. Pinuna niya eh.
"Oh? Anong meron Mendez? Ba't ngumingiti ka dyan?" tanong niya sa'kin. Mapagtripan nga itong babaeng 'to.
"Kasama kita eh!" sabi ko habang natawa. HAHAHA! Yung reaction niya, priceless!!! Hahaha! Hutek! Parang luluwa yung mata niya sa sobrang laki eh. Tapos parang lahat ng dugo niya umakyat sa ulo. Pero, ang cute niya, kahit mukha siyang kamatis.
"HAHAHAHAHAHA!" humalaklak ako. Hindi 'ko kasi matago yung tawang kanina pang gustong kumawala. Nakakatawa naman talaga eh. Nakita ko namang nagbago yung mukha niya. Uh-oh. Kailangan ko nang tumakbo.
"AIRO!!!" nakakabasag eardrums niyang sigaw. Sinimulan ko ng tumakbo papalayo sa kanya. Mapapatay 'ata ako nito sa inis niya eh. Siguro ngayon, pinapatay na niya 'ko sa utak niya.
Malapit na niya 'kong maabutan. *crossed fingers* Sana mag-bell na. Hinihingal na 'ko't lahat di pa rin nag-bebell,. Tinignan 'ko yung wristwatch 'ko. Limang minuto na lang Airo, kaya yan.
Pero, ayan na talaga si Nicole. Malapit na niya talaga akong maabutan. Wala na. Surrender na. Tumigil na ako bigla.
"O, sige na. Suko na 'ko." sabi ko. Tumigil din siya sa pagtakbo, alangang ituloy niya. At ginawa ko ang 'I throw my hands up in the air'.
Papalapit na siya ng papalapit sa'kin. Kinakabahan na 'ko kahit wala pa siyang ginagawa. Sheyt, naman kasi Airo. Dapat kasi pinigil ko na lang yung tawa 'ko. *Kring Kring Kring* YES! Naman oh! Swerte! Thank God! Thank Heavens! Saved by the bell talaga.
Lumapit naman sa'kin si Nicole, at inilabas ang isang killer sweet smile.
"Tara na Airo." sabi niya. Hinawakan niya ang wrist 'ko at nagpunta na kaming classroom. Pero, nakakakaba yung mga ginagawa niya. Ang 'sweet' niya kasi eh. Hindi naman siya ganun. Pero, wala akong sinasabing ayaw ko yung pagka-'sweet' niya. Nakakakaba lang talaga. Pero, maiba tayo. Baka mamaya trap niya ito. Magpapaka-sweet siya tapos gagantihan niya 'ko. Naku, bawal 'to Airo, umiling-iling na lang ako.
"Mr. Mendez, why don't you come in?" nagising naman ako sa katotohanan. Hindi ko napansin na nasa classroom na pala kami. Si Nicole naman naka-upo na sa upuan niya. At yung mga kaklase ko nakatitig lang sa'kin. Tinignan ko lang din sila. Hindi ako nagsalita.
*PRRRRT* Uh-oh. Sana lamunin na 'ko ng lupa. As in, ngayon na.
"Sir, na-jejebs po kasi ako eh." palusot 'ko. Wala na ang dignidad 'ko. Bwisit na utot 'yun eh! Nagpunta na lang ako sa tahimik na lugar, sa secret paradise ng school namin. Kung saan makakapag-meditate ako. Kailangan 'ko munang mawala sa mundo kahit limang minuto lang.
~~~~~
"Kuya, ano pong ginagawa niyo?" sabi ng isang boses. Dinilat ko ang isa 'kong mata. Bata pala nagtanong sa'kin. Pinikit ko na lang ulit ang mata ko.
"Tumatae. Gusto mo i-try?" sabi ko. Pansin kasi eh. Gusto ko ngang mawala muna sa mundo kahit 5 minutes lang. Pati, tuloy bata napag-iinitan ko ng ulo.
"Ay, 'wag na po. Sa bahay ko na lang po ita-try. Bakit ayaw niyo po sa banyo?" sabi ng bata. Daming satsat eh. Di ko na lang siya sinagot. Masigawan ko pa eh.
"Ah, kasi ayaw ko sa mga batang madaldal." sabi ko.
"Ano pong kunek 'non sa tanong ko?" sabi niya. Nana-nrashtalk pa. Aba, matinde.
"Dati kasi na-ospital yung batang tanong ng tanong sa'kin. Ini-inform lang naman kita." sabi ko sa bata at ngumiti ako. Tinignan ko naman yung reaction, aba, hindi nagbago. Malupet.
"Oh? Talaga?" sabi niya sa'kin.
"Makaalis na nga." cool kong sabi sa sarili ko. Winalkout-an ko yung bata. Kakapikon eh.
Bumalik na ko sa classroom, di naman pwedeng um-absent sa subject ni Sir Aquino. Mabilis magturo yun eh. Kabanas pa nga yung tinuturo niyang subject. Trigonometry.
"Oh, Mr. Mendez, are you alright already?" tanong niya sa'kin.
"Yes sir!" sabi ko at tumuloy na 'ko sa upuan ko.
Tinignan ko si Nicole, di kami magkatabi eh, para siyang natatawa na ewan. Nag-focus na lang ulit ako sa pagtuturo ni Sir. Kung may 'natural' intelligence lang ako eh. *sighs*
~~~~~
Dismissal na. As usual, kasabay ko na naman si Nicole. Nakakasawa na nga pagmumukha 'nun eh.
"Oy." tawag ko sa kanya. "Bakit mo ginawa yung kanina?" di ko pa pala alam ang dahilan kung bakit bigla niya akong iniwang nakatanga sa classroom.
"Anong kanina?" pagmamaang-maangan niya. 'Kala mo walang alam eh.
"Yung ano, yung kanina nga." sabi ko. Nakita ko ulit siyang ngumiti na parang ewan.
"Ah... Yung nangyari ba kani----" hindi na niya natuloy. Napabulalas na siya ng tawa.
"O,sige. Tumawa ka hanggang magka-asawa ka." sabi ko at inunahan ko na siyang maglakad.
Nakarating ako ng bahay ng hindi kasabay si Nicole, kasura yung mukha 'nun eh. Tinignan ko yung phone ko. 5 texts received. Galing lahat kay Austin. Di ko naramdamang nag-text siya. Yung una niyang text, yung details. 2:00 ng hapon sa park. Yung mga sumunod sa mga sumunod, mga walang kwentang GM na galing sa kanya.
~~~~~
Nandito na 'ko sa park, hinihintay sina Austin at yung kaibigan niya.
Pagkatapos ng ilang minuto, nakita kong paparating na si Austin.
Sinalubong ko siya at nag-bro fist kami.
"Oh, asan yung kaibigan mo?" sabi ko. Wala siyang kasama eh.
"Ah, yun? Malapit na yun." sabi niya. Naglakad na ulit kami at umupo dun sa bench na inuupuan ko kanina.
Nagpatuloy na ako sa paglalaro ng Candy Crush. Naudlot kasi nung dumating itong si Austin.
"Airo." mahinang sabi ni Austin.
"Oh, bakit?" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Ah, wala, wala." sabi ni Austin.
Tumingin ako sa kanya. Pinagpapawisan siya. Para siyang natatae na ewan.
"Tol, natate ka ba?" straightforward kong tanong.
"Ah, hindi ah." sabi naman niya.
"Weh? Pinagpapawisan ka nga eh." sabi ko naman. "Alam mo pre, hindi naman ako mawawala eh. Kaya, sige na, humanap ka n ng cr at magbawas." sabi ko ulit.
"Pre, tignan mo yun si Nicole ba yun?" sabi niya at tinignan ang tinuro niya. What the fvck?! Si Dane, binabastos si Nicole!
Nagpunta ako dun kila Dane at Nicole. Sinubukan akong pigilan ni Austin.
Bigla-biglaan ko na lang sinapak si Dane. Napaatras siya at nagulat sa ginawa ko. Hinablot ko sa kanya si Nicole. "G*go ka ah!" sigaw ko kay Dane.
"Bakit? Anong ginawa ko?" inosenteng tanong ni Dane. Di niya ba kilala si Nicole? Ay, di ko nga pala siya pinakilala. Psh.
"Wag kang painosente g*go!" Punong puno na ako ng galit kay Dane. Wala cyang karapatang landiin si Nicole.
BINABASA MO ANG
The Best Friends Love Story
Teen FictionA story of two best friends that is full of twists and turns, with one accident, two deals, and three people, and four decisions that are going to change their lives forever. © Copyright 2014. All rights reserved.