Chapter 11: Moving On

78 2 0
                                    

Airo's POV

Umuwi ako sa bahay. Hindi ko na kaya. Masyado nang masakit. Hindi ko kinaya.

*Tok Tok Tok*

"Pasok." Sabi ko with a husky voice. Nasobrahan na ako sa pag-iyak. Halos wala na nga akong maiiyak pa. Yung travel mula sa ospital hanggang dito, umiiyak ako. And worse, nilakad ko pa mula ospital hanggang bahay. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakasalubong ko sa daan. Sabagay kasalanan ko rin naman, I should suffer the consequences. 

"Anak... Nandyan na si Steph sa baba.--" Yan... Steph nanaman. 

"Pwede ba, ma. I'm not in the mood to talk to that girl. Ma, hindi mo ba alam? Nakalimutan na ako ni Nicole. Nakalimutan na ako ng babaeng mahal ko. Tapos ngayon papakausap niyo pa sa akin yung babaeng may kasalanan kung ba't niya ako nakalimutan? Ma, kung gusto mong gawing miserable ang buhay ko then you should just said so. Di sana nagpakamatay nalang ako. Ako nalang sana yung nasagasaan kasi mas worth it naman yun eh. " sabi ko. Oo naman talaga. Mas may worth pa kung ako nalang yung nasagasaan.

"Well then if you want to go and live life without us, you can go to your Tito Xanthi. If you feel na parang masyadong mahigpit ang pagcontrol namin ng dad mo sayo you can stay at your tito Xanthi." sabi ni Mommy. Huh, she badly wants me to go? Anong nakain nito? Tanggapin ko na nga. Baka magbago pa yung isip. At saka talaga namang maganda pang tumira kila Tito Xanthi.

"Sige. Basta bang 'wag mo na akong kukunin ulit kila Tito Xanthi." sabi ko. Never naman akong naging masaya kasama sila Mommy at Daddy. Ni pasko nga wala sila eh. Hindi ko pa naranasang magsimba kasama sila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa mga kokote nila at nakalimutan nila ako. Siguro nagka-amnesia rin sila at nakalimutan din nila ako. Lahat na lang 'ata nakakalimot sa'kin. Ano bang ginawa kong mali?

~~~~~

Nagsimula na akong mag-impake. Dinala ko ang kalahati ng damit ko. Hindi ako nagdala ng kahit isang litrato ni Nicole. Panahon na siguro para kalimutan ko na rin siya. Tutal, nakalimutan niya din naman ako. 

Ilang oras na lang. Iiwanan ko na ang lugar kung saan ako lumaki, kung saan ko nakilala si Nicole. Minahal ko naman 'tong lugar na 'to kaso nga lang, dito rin ako nasaktan. Dito ko naramdaman kung gaano kasakit ang makalimutan ng minamahal mong tao. Kahit si Mommy at Daddy nga mahal ko rin. Kaso hindi naman nila ako minahal. I'm forgotten and rejected. Wala na sigurong gusto pang magmahal sa 'kin.

Nagsulat ako ng letter para kila Mommy at Daddy. Kahit pa hindi nila ito basahin basta. Na-express ko ang feelings ko dito sa sulat na 'to. Iniwan ko na lang ang sulat sa ref. namin.

Pinuntahan ko si Manang at niyakap siya.  Ang babaeng nagsilbing nanay ko.

"Nay, kailangan ko na pong umalis. Paalam na po." pinilit kong ngumiti. Masakit man, kailangan kong maging matatag.

Naglakad na ako palabas ng bahay. Hindi na nagsalita si Manang. At ayaw ko na rin siyang magsalita. Baka hindi pa matuloy ang pag-alis ko.

~~~~~~

Halos isang oras rin ang byahe papunta kila Tito Xanthi. Mas malaki pa ang bahay nya sa'min. Parang mansyon. Mabait naman sa'kin si Tito Xanthi, wala kasi silang anak ni Tita Mylene. Kaya tinuring na nila akong anak. Sana nga inampon na lang nila ako. Pero kung inampon naman nila ako, hindi ko naman makikilala si Nicole. HAHAHA! Nicole pa rin ang bukambibig ko hanggang ngayon. 

*DING DONG* Siguro alam naman nilang sa kanila na ako titira. In-inform naman siguro sila ni Mommy.

Nakita ko na silang dalawa. Maliwanag naman kasi sa labas. Pinagbuksan na nila ako ng gate nila. Huli kong punta dito, 3 years ago pa. Hindi pa gawa yung pool, at hindi pa na landscape yung garden nila. Hindi pa rin marami yung maids, mga tatlo lang. Ngayon, ibang-iba na. Halos, sampu na yung maids nila.

The Best Friends Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon