Airo's POV
Nagpunta ako sa ospital, para kamustahin si Nicole. *Tok tok tok*
"Oh, Airo. Ikaw pala. Pasok." Binuksan ni Tita Carmen yung pinto.
"Hello po Tita. Asan po si Tito Carlo?" Tanong ko. Nakita ko si Nicole, ayun hindi pa din siya nagigising. Natahimik ako. Parang sumikip yung dibdib, at parang may bumara sa lalamunan ko. Nilapag ko nalang yung fruit basket na binili ko, dun sa lamesa. Hindi ko na narinig yung sagot ni Tita Carmen. Napaupo nalang ako dun sa upuan sa tabi ng kama ni Nicole.
Biglang may lumapat na kamay sa balikat ko. Si Tita Carmen pala. "Nahihirapan ka na. Nalulungkot talaga ako sa nangyari sa anak ko. Alam ko na yung nangyari. Wala ka namang kasalanan eh." ngumiti siya, pero halata sa mga mata niya ang lungkot nito.
"Kasalanan ko po yun Tita. Kung pinansin ko na lang sana siya. Kung sana hindi ko pinairal yung pride ko. Edi sana nasa mall kami ngayon, Nag-da-dat---lalakwatsa." Edi sana nagda-date kami ngayon. Sana...
"Airo, alam mo, mahal na mahal ka ni Nicole. Umamin na yan sa akin at halata naman sa mga kilos niya. Mahal na mahal ka ng anak ko. Ilang gabi siyang umiyak nung di mo sya pinansin. Araw-araw siyang nagmumukmok sa kwarto niya. Lalabas na lang yan pag-kakain, pag-uutusan. At alam mo, nung nalaman niya na may girlfriend ka na,wala na. Di na lumabas ng kwarto. Lumabas na lang yan ng kwarto last month lang. Baliw na baliw si Nicole sa'yo. Siguro kaya niya yun ginawa ay dahil, mahal ka niya. Kahit nga 'ata barilin ka, sasaluhin niya yung bala para lang sa'yo. Hinding-hindi ka niya hahayaan mamatay, mahal ka niya eh. Ikaw ang buhay niya, at kapag namatay ka, wala na ring saysay ang buhay niya." Sa hinaba haba ng sinabi ni Tita di ko napansin na umiiyak na pala ako. Ganun ba ako ka manhid? Ganun ba, na halos mararamdaman ko lang yung pagmamahal niya kapag, nag-aagaw buhay na siya? Ganun ba, na kailangan pang sabihn sa akin ng sarili nyang nanay? Nag-unahan sa pagtakbo ang mga luha ko. Ang baduy umiyak, kung titignan sa mga lalaki, pero kasi, napakalungkot lang. Sobrang lungkot. Paano kung hindi na niya ako maalala? Paano kung mawala na siya ng tuluyan sa buhay ko? Paano na ako?
"Tita ba't po ba ganun? Malalaman mo lang na mahalaga ang tao kapag wala na sa'yo. Kapag wala na siya sa tabi mo. Alam niyo po, bata pa lang po kami ni Nicole, may gusto na ako sa kanya. Di ko lang po masabi, kasi po, takot po akong maapektuhan yung pagkakaibigan namin. Kung hindi lang ako naging torpe, edi sana wala dito si Nicole at masya kaming naglalakad-lakad." nagpatuloy pa ring bumagsak ang mga luha ko.
"Hijo, alam mo, kahit sino man yang dumating sa buhay mo, pahalagahan mo. Dahil, hindi mo alam kung kailan siya mawawala. Huwag mo ng hintayin pa ang oras na mawala siya. At Airo, nakakatakot talagang umamin na may gusto ka sa isang tao. Pero, walang pwesto ang takot sa pagmamahal. Huwag mong sisihin ang sarili mo Airo. Ang lahat ng mga nangyayari sa paligid mo, may paliwanag. Talagang ganito ang buhay, kahit gaano ka kasaya, may darating pa ring lungkot, pero, sa dulo nito makakarating ka sa kinalalagyan mo. O, siya, Airo, mukha ka nang zombie. Puyat ka siguro at pagod. Umuwi ka na hijo." napangiti ako, matagal-tagal na rin na hindi ako nakakangiti.
"Salamat po. Sige po Tita, babalik na lang po ako bukas. I can't stand seeing her like this. Hindi ko talaga pinangarap ito." siguro nga kailangan ko ng magpahinga, kailangan ko ng mag papogi para pag gumising na si Nicole, gwapito pa rin ako at hindi zombie.
Umuwi na ako sa bahay. Matutulog na lang ulit ako kaysa makita ko pa ang babaeng talampakan lang ni Nicole, ay hindi, mas panget pa sa talampakan ni Nicole.
~~~
"Babe!" Anak nga naman talaga ng patis! Siya pa yung bumungad sa gate namin. May nalalaman pang payakap yakap. Pilit kong tinatanggal yung yakap niya sa akin pero yakap parin ng yakap. Parang siyang linta, kapit ng kapit.
"Ano ba Steph?! Pwedeng lumayas ka na dito?!" napapasigaw na naman ako. Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng linta na yan. Bwisit siya.
"Bakit ka naninigaw Babe? Nagpapakasweet lang naman ako eh. Di mo na ba ako mahal?" aba, ganun ba ako kagaling na artista? O talagang paniwalang-paniwala lang siya sa mga pinagsasabi ko?
"Gusto mo bang malaman ang totoo? Oo, hindi na kita mahal, Actually to tell the truth, Hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahalin." kalama kong sabi sa kanya. Kapag mas kalmado, mas masakit. Mas tagos, pati sa buto.
Tumulo isa-isa ang luha ni Steph, at ayun tumakbo kung saan. Feeling niya hahabulin ko pa siya, tingin pa kasi siya ng tingin sa akin habang tumatakbo. Para namang gagawin ko yun. Ano bang pake ko sa kanya?
BINABASA MO ANG
The Best Friends Love Story
Teen FictionA story of two best friends that is full of twists and turns, with one accident, two deals, and three people, and four decisions that are going to change their lives forever. © Copyright 2014. All rights reserved.