Chapter 2: Bestfriend Selfie

134 4 1
                                    

Nicole's POV

OMG! Is it real? Is it real? Dan dan dan dalan----, Anyway, binilihan talaga ako ni bes ng bagong phone! Hahaha! Uto-utong lalaki, djk. Oh my Goodness talaga! God. Ang bait talaga ni Airo. Mahal na mahal ko talaga ang bestfriend ko. Airo Mendez mahal na kita!

Wait... Did I just say that?... Oh anyway. Basta masaya ako.

*Flash Back*

"Tara." Sabay hawak sa kamay niya. wait... did I just felt a spark? Am I inlove with my bestfriend?  Ayy, inlove agad? No... Excited lang siguro ako sa bagong gadget na ibibigay ni Airo sa akin. Well, anyway, highway, binilhan niya ako ng bagong phone, Sony XPeria pa, bigtime na ako, jusko.

Napaka uto-uto niya talagang lalaki, este napakabait niyang bestfriend. Ang yaman-yaman talaga niya, pero di ako gold-digger, mayaman din ako tulad niya. Yan lang ang napapala niya kapag inaasar niya ako. At least nakakatipid pa ako. Syempre yung sim ko sa old phone ko, sinave ko, kasama memory card.

~~~              

"Bes tara na. Kain na tayo. Nabilan na kita ng bagong phone oh."  sabi niya. Oo nga... Kawawa naman si bes. Pagbigyan na nga ang hiling.

"Oo nga. Gutom na ako bes. Basta libre mo ulit ha." sabi ko naman.

"Oh san mo naman gusto kumain?" wait... Is he asking me out on a date? Ay nako, date? Kakain lang? Nicole, lumalala na yang kaiisip mo.... Wag ka nang umasa. Asa ka pang yayayain ka niyang bestfriend mo sa date.

"Kahit saan na  lang bes" sabi ko.

"Kahit Saan Restaurant. Kahit Ano ang menu." sabi niya. Pilosopo. Sapakin ko to eh.

"Gusto mo sapak? Ikaw na nga pumili." sabi ko

"Pizza Hut na lang." sabi niya sabay lakad. Teka nga wait. 

Kumain kami sa Pizza Hut, inorder namin yung may stuffed crust. Libre niya parin syempre, wala akong dalang pera eh. Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad muna kami sa mall. At nakalimutan kong mag selfie ah.

"Teka lang bes. Pwede selfie muna tayo dito sa new phone ko?" sabi ko sabay hila sa kanya.

"Aray ko naman bes. Masisira yung T-Shirt ko." sabi niya.  Aba, ang arte naman nito. Mas maarte pa sa akin.

"Sooooryyyy pooooo. *ala Chichay* Tara selfie na tayo." sabi ko.

"Oo na lang" sabi niya. Bat parang nag-eemote 'tong mokong na 'to? Nasobrahan na ata yung pagpapalibre ko.

~~~After 15 minutes of awkward silence~~~

Nakokonsiyensiya na talaga ako pramis. Ibalik ko na kaya yung phone? Ayoko sayang. XPeria Z eh. Kaso hindi naman niya ako papansinin 5ever. Hindi niya ako matitiis, papansinin niya rin ako. Kaso baka hindi na. Aish! Bahala na nga.

"Uy bes... Sorry na..." sabi ko na lang. Oo na. Nakonsensiya na ko.

"Sorry? Bakit?" sabi niya. Anong bakit? Hindi niya ba alam? Baka mamaya niloloko niya ako.

"Bes sorry na.. Sabi mo kasi ililibre mo ko. Edi yung phone yung pinalibre ko sa'yo. Uy, sorry na... Kung gusto mo ibalik nalang natin yung phone." sabi ko. Hindi naman ako ma-pride eh.  At, teka,teka, bat nakangiti tong mokong na to?

"Anong sinasabi mo?" Ha? O_o

"Bes? Hindi ka galit?" Akala ko ba galit to sa akin.

"Bat naman ako magagalit?" Bakit nga ba? Baka hindi sya galit. Baka umaarte lang siya. Aba, ginagaya niya ako ah.

"Eh Kasi... Kasi kanina ka pa tahimik jan eh. Di mo man lang ako pansinin." Punyesisimo naman to. Akala ko naman galit to sa akin.

"Porket tahimik, galit agad?" sabi niya. Aba 't sumosobra na ito ah.

"Ah' so ganun? Tahimik ka lang. Bwiset." sabi ko. At nag walk out ako. Akala niya sya lang ang marunong umarte ha. Pwes!

"Uy, tahimik lang naman ako kasi, may iniisip ako" sabi niya. Tsk. Palusot.

"Uy, sige na. Payag na akong mag selfie tayo." sabi niya ulit. Ganun, ganun lang? Aba naman. Nilunok ko pride ko tapos, ganun lang?

"S-sorry na. Please." sabi niya. Dun na ako tumingin. Aba't nag puppy eyes pa ang mokong. Kotongan ko to eh.

Tumingin ako sa kanya ng walang ka-emosyon emosyon. "Anong magagawa ng sorry mo?" sabi ko sa kanya. Tignan ko lang kung makasagot 'to.

"Ah, para makonsensya ka?" sabi niya. What?

"Ako? Makokonsensya ng isang  Airo Mendez?" sabi ko na lang.

Aba nag walk out. Gaya-gaya talaga. Tsk. Tsk.

"Siya, sige na bati na tayo. Mr. Mendez." sabi ko.

Biglang nagpunta sa akin ang bestfriend ko. Wala eh, bestfriend ko siya. Di ko rin siya matitiis.

"Selfie na tayo?" sabi niya. Ngumiti na lang ako at nilabas ang phone ko.

"1. 2. 3." click.

~~~

Itatago ko na yung cellphone ko nang *BOOOGOOSH! BAGOOM! BOOGSH!* 

Sinalo ako ni Airo sa pagkakabagok ng ulo ko. Di ko alam kung bakit basta bigla na lang ako nadulas. Dahil medyo awkward at malapit ang mukha niya sa akin,

"Uh... Bes? Pinapatay mo ba ako? Ang sikip kasi ng yakap mo eh. di ako makahinga. Ah, sa.la.mat na rin." sabi ko. At saka nya lang ako binitawan.

Ngumiti na lang siya. "Tara na?" aya niya.

"Ah, sige."

Masyaong tahimik. Awkward-er. Ayaw niyang magsalita. Ayaw ko rin naman. Nakakapanibago.

"Ah, Airo." "Ah, Nicole." sabay naming sabi. Oooohkay, kailangan talaga sabay? Iniwas ko ang tingin ko sakanya, ganun din naman siya.

"Bakit?" "Bakit?" sabay ulit naming sabi. Anong meron? Bakit kami sabay? Parehas ba kami ng iniisip? Iniisip ko si Airo, iniisip niya rin ba ang sarili niya?

"Uwi na tayo." sabi niya. HAHAHA! Akala ko sarili rin niya ang iniisip niya. Pag-uwi pala iniisip niya.

"Sige, wala naman na tayong ginagawa eh." sabi ko kasabay ang ngiti.

At iyon umuwi na kami, magkapitbahay kami, kaya sawang-sawa na ako sa pagmumukha niya. Nakikita ko 24 hours a day, 7 times a week, at 12 months per year.

The Best Friends Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon