Chap. 5 Meet them

178 11 0
                                    

Zein's POV

Masyadong crowded sa entrance ng cafeteria, ano nanamang meron doon? Naks naman.

Nahirpan kaming makapasok sa cafeteria, sinilip namin kung anong meron, at wadapak?! Akala ko may aksidente yun pala may mga makakating babaeng nag sisigawan na akala mo naman nakakakita ng sikat na artista, tsk. At sino namang pinagkakatihan nila?

Yung mga gwapong boys pala, oo gwapo sila, pero nehh, wala sila sa amin, tatlo sila,tsk. I don't care

Natapakan naman yung paa ni Alex kaya ayun sumabog.

" Shut the f*ck up!! Ang ingay niyo, umalis kayo sa daanan namin mga higad! Doon kayo sa school ground wag dito! Wala namang concert eh! Tumabi kayong lahat kung ayaw niyong ilibing ko kayo ng buhay!" Banta ni Alex

Hahahahaha gaga talaga toh, lahat sila natahimik at tulala, ikaw ba naman ilibing ng buhay? Tas seryoso yung mukha nung nagbabanta sayo? Tsk. Murderer ata tong si Alex

Pagkatapos niya yung sinabi, parang eksena ni Moses na dagat na humiwalay at nagbigay ng daanan, hahahaha epic yung mukha nila, may ibang nakatingin ng masama, ang iba naman natatakot at ang iba walang mukha, Tsk.

Sa wakas nakapasok na kami at nag order na, lahat ng mata nila nakatingin sa amin, eh? Problema nila?

"Staring is rude" cold na sabi ni Amethyst

Di parin nila iniiwas ang tingin nila sa amin, aba ang tapang ng mga lolo't lola niyo ah!

"Whatever" ako

Nakapwesto na kami, at kumain na, ang order ko beef stake, blue berry cheese cake, large fries, and large coke. Kay Alex naman, diet siya pfft, salad, burger at pineapple juice lang, pero mas diet si Amethyst, hahahaha nag order ba naman ng lasagna, burger, 2 slices of pizza, 3 extra large fries, chocolate cake, vanilla ice cream, and extra large coke, halata namang di siya gutom noh?

Habang kumakain, may nagsigawan na naman, halos pumutok na nga yung ear drums namin ni Alex eh, pero si Amethyst? Wala siyang pake sa mundo kung pagkain ang kaharap niya.

'Omg! Nanjan na yung mga kings!' G1

'Ang gwapo nila!' G2

'I love you Mathew!' G4

'Marry me Kaeden!' G5

'Sayo lang ako Ace! G6

Hay nako, mga babae talaga, marami ring mga bulung-bulungan kaya nakinig narin ako, di ako chismosa hoy!

Ayon sa kanila, sila daw yung pinaka mayaman, ang gwapo dito, mga bad boy, play boy, at gangster daw sila, marami na rin silang napa iyak na girls,tsk. Yung isa daw na si 'Kaeden, tita niya daw yung may-ari ng school na ito, kinakatakutan din daw sila ng ibang schools, mga varsity players din daw sila. Wow, so congrats sa kanila, tsk.

"Hey girls, can we join?" Tanong nung isang lalake na matangkad at maputi na gwapo, sila pala yung 'gangster' kuno dito

"No" cold na sabi ni Alex

Hahaha kung kumakain kami, ayaw niya talaga ng asungot

"Naah... Please??" Sabi niya at nag~
Puppy eyes???? Awww, ang cute niya, wait- what?! Cute?! Shit Zein! Erase erase

"Bingi ka ba or bobo ka?" Cold na sabi ni Amethyst

Hahahahaha!!! Abno! Isa pa yan, basta pagkain walang inuurungan, last time nga malapit niya nang pakainin ng plato yung kaaway niyang binuhusan siya ng mango shake.

Natulala naman yung lalakeng nag puppy eyes at yung mga kasamahan niya tumawa, nag walk out na lang sila

Lahat naman ng mga mata dito at nakatingin nanaman dito sa amin, ha? Bakit ba?

Mazarada Academy: School Of Gods and GoddessesWhere stories live. Discover now