Zein's POV
Tapos na yung activity na binigay ni sir and kami lang ang nakahanap ng key, galing namin no? Anyways, nandito nanaman kami sa cafeteria at kakatapos lang ng first subject namin.
"Ano gusto niyo pagkain? Ako na ang mag o-order" Alex
Nice....
"Chips, pizza and large coke lang" ako
"Ikaw Amethyst, ano order mo?" Alex habang tumatawa.
Si Amethyst pa, never niya tatanggihan ang pagkain.
"Nah, diet ako" bored na sagot ni Amethyst
Ano daw?! Diet? Seryoso ba siya?
"I'm dead serious" cold niyang sabi
Anyare dito? Mukha siyang zombie sa lagay niya.
"Sure ka talaga?" Sabi ni Alex na medyo natawa.
"1 slice of pizza lang and regular coke, wala akong gana eh" Amethyst
"Okay, pffftt" sabi ni Alex na natawa na.
Nakahanap na kami ng pwesto, pag upo namin pinatong agad ni Amethyst yung dalawang kamay niya tas yumuko, anyare teh?
"Hoy bruha, anyare sayo?" Ako
"Wala na" sabi niya at nakayuko parin.
"anong wala na?" Ako
"Sayang, gwapo sana si Kaeden" frustrated niyang sabi.
Ha? Di ko gets, bakit si Kaeden?
"Oh, ano naman siya?" Ako
"Tao" Amethyst
Putek toh oh! Tinatanong ng maayos!!
"Gaga, umayos ka nga! Anyare kay Kaeden?" Ako
"Confirm, bakla nga siya" disappointed niyang sabi.
HAHAHAHAHAHAHAHA PFFTTT
"Hahaha!! Gusto mo siya noh???" Ako
"Gaga, no! I mean, sayang yung gwapo niya, may lahi atang darna" ako
"Mga madam, order niyo nandito na po" Alex
Ulol...
"May bakla raw" ako
"Ha? Sino?" Alex
"Yung gwapong Kaeden daw" ako
"Hahahaha!!!! Loka ka Amethyst, akala ko ano na!" Alex
At sa sobrang tawa ng bruha, nagtinginan silang lahat samin, tsk, mabulunan ka sana Alex.
"Oopps, sareh okay? Sareh" Alex
Mukhang siyang lasengera, yak...
YOU ARE READING
Mazarada Academy: School Of Gods and Goddesses
FantasySila Amethyst Raven Snow Park, Alexandra Autumn Silver Maxwell, at Kate Winzelle Zein Aragon, sila yung pinakamalakas sa lahat, ang itinuturing reyna, walang emosyon sa iba, ngunit lahat nagbago dahil sa pagpasok sa isang misteryosong paaralan. Alam...