Soulmate

78 26 0
                                    

Eksaktong six o'clock ng sinundo siya ni Deo sa mansion.

Tulad ng dati ay naka pantalong maong ito, pero hindi naman wakwak ngayon. White v-neck t-shirt na hapit sa maskulado nitong katawan. At simpleng sneakers na mukha namang mamahalin.

Actually... Lahat ng suot ng binata ay mamahalin. Maging hanggang sa suot nitong orasang pambisig.

Siguro ay dahil binata ito at sumasahod naman ng sapat kaya nabibili ang luho nito kahit papaano.

At gamit nitong muli ang mamahaling sasakyan na ginamit na nila dati. Ayon dito ay pa service daw ng may ari ng shop kapag inuutusan ito sa iba pang branch.

"Saan mo gustong kumain, 'hon? "
Masuyong tanong sa kanya ng binata, habang nagmamaneho.

"Kahit saan. "Maikli niyang sagot.

Hindi naman niya inaasahang dadalhin siya ng binata sa mamahaling restaurant. Hindi naman siya ganoon ka ambisyosa.Marunong naman siyang kumapa sa kasama. Alam naman niyang hindi kaya ng binata ang mahal na kainan.

Kaya't nagulat siya ng huminto sila sa tapat ng isang Italian Restaurant. Marahil ay gustong magpa impress sa kanya.

"Let's go! "

"Bakit diyan? "Kunot ang noong tanong niya sa binata. "Okay lang ako kahit sa turo-turo lang! "

"It's okay 'hon, bagong suweldo ako! Don't worry may pambayad tayo. "
Nakangiting sagot nito sa kanya.

"Kahit na! Ayoko pa rin d'yan! Honey, naman huwag ka na ngang magyabang. At tsaka hindi ko type ang mga pagkain diyan. Ang gusto ko ay pagkaing sariling atin. "Nag umpisa na naman siyang magbutaktak sa binata.

Ito nama'y tila hibang na nakatitig sa kanya habang nakangiti.

"Oy...! "Tapik niya sa pisngi nito."Ano na? "

" Eh, kasi ngayon mo lang ako tinawag na honey! "Nakangiti nitong sagot.

Kaagad naman siyang pinamulahan ng mukha,parang gusto niyang mapahiya sa sarili niya. Paano napakababaw ng taong ito, napakadaling pasayahin. Samantalang siya napakaraming hinahanap na hindi naman niya kayang abutin.

"Sus... Para kang sira, para iyon lang! Halika na, doon tayo sa Quezon City maraming kamayan restaurants doon! "Nakangiti na ring saad niya sa binata.

"Okay, you're the boss! "Sabay saludo pa nito sa kanya.

Siya nama'y tuwang-tuwa itong pagmasdan habang nakangiting nagmamaneho.

Patingin-tingin din ito sa kanya at paminsan-minsan siyang kinikindatan.

Palihim siyang napapakagat labi.

Paano kinilig ang matandang dalaga!

Kindatan ka ba naman ng adonis na ito.

Buti na lang at naka upo siya, kundi malamang nalaglag na ang panty niya!

Deo

Nakangiti niyang pinagmamasdan si Daisy habang kumukuha ito ng pagkain sa buffet table ng kamayan restaurant na pinasukan nila.

Sugpo,

inihaw na tilapya,

ginayat na kamatis na may mangga at itlog na pula.

at kanin ang kinuha nito.

Nakakatuwang isipin na halos lahat ng paborito nitong pagkain ay paborito rin niya.

"Soulmate, talaga tayong dalawa 'hon!" Saad niya sa dalaga, sabay hawak sa kamay nitong nakapatong sa mesa.

"At bakit naman aber? "Kunot noong tanong nito.

"Kasi magkasundo tayo sa lahat, kita mo oh, pati sa pagkain ay pareho tayo ng gusto! "At itinuro niya ang plato niyang kapareho ng laman ng plato nito.

Tiningnan naman iyon ng dalaga. Sabay hila ng kamay nitong hawak niya.

"May pa soulmate-soulmate ka pang nalalaman! Atupagin mo iyang pagkain mo, at kapag hindi mo kinain iyan ay kakainin ko iyan! "Kunwaring singhal na naman nito sa kanya, kahit kita naman niyang gusto nitong kiligin sa sinabi niya.

"Ikaw naman, hindi kana madaan sa lambing, bakit ba palaging mainit iyang ulo mo ha? "Tanong niya sa nobya.

"Heh, hindi mainit ang ulo ko, talagang ganito ako. At ano bang inaasahan mo sa isang matandang dalagang katulad ko, aber? "Mataray namang balik tanong nito sa kanya.

"'Hon, hindi ka pa naman old maid. Ako nga'y kwarenta'y kwatro na pero binata pa rin hanggang ngayon! "Sabi niya.

"Naku iba kayong mga lalaki sa aming mga babae, kami habang tumatanda nahihirapang manganak, eh ang mga lalaki sabi nila nag uumpisa pa lang ang buhay kapag nag kwarenta na."
Paliwanag nito sa kanya, na ikinatawa niya.

"Saan mo naman narinig iyan, ha aber? "He asked.

"Ay naku sa matatanda, saan pa ba. Kumain na nga lang tayo. Hindi ako mabusog sa iyo eh, ang daldal mo! "
Reklamo nito.

Napangiti siya, paano hindi raw nabusog eh halos wala ng laman
ang plato nito.

Pero nanahimik na lang siya. Baka mapikon pa ito kapag biniro niya.

Hindi niya malaman kung ilang palaso ang ginamit sa kanya ni Tita Guada, eh este ni kupido.Para ma inlove siya sa dalaga sa unang kita pa lamang nila noong party ng asawa ng pinsan niya.

Dati-rati ay ayaw niyang tanggapin sa sarili niyang mahal niya ang dalaga, dahil ambisyosa nga ito. Mataas ang standards nito pagdating sa lalaki.

Gusto nito ng mayaman.

Pero, naging sila pa rin kahit ang alam nito ay wala siyang pinag aralan at isang hamak na delivery boy lamang.

Marahil ay talagang mataas ang pangarap nito, ngunit natutong ibaba dahil siguro sa pagmamahal na rin sa kanya.

Sana!

Sana nga!

Lihim na hiling ng puso niya.

The Old MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon