Temptation

88 28 2
                                    

A/N

Semi SPG...

Shout out po muna kay kay Miss Gladys Bolivar...Aka user 32550690....

Na walang sawang maghintay ng new story ko...

thanks for your flood votes and comments...dear...!!!

Keep on reading...

Lab yah...

================================

Oh shit...!

Napamura siya sa gulat.
Papaanong hindi?

Sinukahan siya ng dalaga bago pa man niya ito maibaba sa kama nito.

Yakkk... Kadiri tong babaing to!

Anak ng tukneneng naman oh!

Naghihimutok niyang usal sa sarili.

Hinubad niya ang sariling suot na t-shirt na nasukahan ng dalaga.

"Iinum-inum, hindi naman pala kaya!"Angal niya.

Pagkatapos ay ito naman ang tinanggalan niya ng suot na t-shirt, at suot na salawal.

Nagulat pa siya ng makitang wala pala itong sout na bra. Humantad tuloy sa kanyang mga mata ang bilugan nitong hinaharap.

Balewalang tinabunan lang niya ito ng kumot nito.

"Naku... Pasalamat ka at amoy suka ka, kung hindi ay baka pinapak na nga kita, tulad ng utos ni Tita Guada! "

"At magpasalamat kang babae ka na gentleman ako at hindi ako manyakis! Dahil kung hindi sira na ang puri mo pag gising mo!"

"Mapipilitan kang magpakasal sa isang hampas lupa! Hahaha!!! "

Para siyang sira ulo na kinakausap ang taong tulog na tulog naman.

Naiiling na pumasok siya ng banyo nito para kumuha ng labakarang basa, para ipunas dito.

Mulat ang matang pinunasan niya ito sa lahat ng parteng amoy suka.

Kumuha siya ng isang puting sando at pajama sa closet nito.

Pinagmasdan niya itong mabuti. Payapa na ang paghinga nito, napreskuhan siguro matapos niyang punasan.

"Sleep tight my sweet old maid! "Anas niya sa may tainga nito. Pagkatapos ay marahan niya itong dinampian ng halik sa labi.

Pagkatapos niyang patayin ang ilaw ay kaagad na siyang lumabas ng kwarto nito, bago pa siya matuksong lurayin ito habang natutulog.

---------------

Aray!

Muli siyang napahiga ng maramdaman ang masidhing kirot sa kanyang sintido.

Ano bang nangyare?

Nabangga ba siya kaya may head injury siya?

Inaalala niya ang mga pangyayari ng biglang bumukas ang pintuan at iluwa niyon si Deo.

"Oh ano, hulas ka na?! "Nakangising
Bungad nito sa kanya.

My God!

Natatandaan na niyang nag inum nga pala siya kagabi.

At kung hindi siya nagkakamali ay nag black out  na naman siya katulad ng dati, kapag umiinum siya ng alak.

Mahina ang bahay alak niya eh!

"Anong pake moh?! "Singhal niya!

Ngumiti pa ito ng nakakaloko bago inilipag ang dalang tray sa side table.

"Hoy, babae... Kung hindi kita pina kialaman malamang hanggang ngayon ay naliligo ka pa rin sa sarili mong suka,Gagang to! "Nag bakla-baklaang sagot nito sa kanya.

Na ikinatawa niya ng malakas.

Yumuko siya at nakita niyang iba na nga ang suot niyang damit pantulog.

"Ganun ba, oh siya salamat... Sigurado kang pinalitan mo lang ako ng damit at hindi mo ako ginalaw? "Tanong niya kahit alam naman niyang hindi. Dahil walang ibang masakit sa kanya kundi ang kanyang ulo.

"Hindi! Pinagsawaan ko lang tingnan!"At humagalpak ito ng tawa.

"Bastos! "At binato niya ito ng unan.

"Hindi ko naman akalaing gusto mo pala ,sayang... "At muli itong tumawa ng malakas.

"Ulol! " nakairap na singal niya rito.

But deep inside feel na feel niya ang pagiging gurl... Kahit na old maid na siya eh iginalang pa rin siya ng binata.

"Pero pwede naman nating gawin ngayon... "

At kaagad itong sumampa sa kanyang kama at kaagad din siyang nahalikan.

Gustuhin man niya itong itulak ay hindi niya magawa.

Ang kanyang trador na mga braso, ay kaagad na pumu lupot sa batok ng binata.

At ang kanyang labing maharot... Kahit wala pang mumog-mumog ay nilapang din ang labi ni Deo.

Ang traydor niyang katawan ayaw sumunod sa kanyang isipan.

Kundi sa utos lang ng kanyang puso!

Napahiyaw siya ng paimpit ng maramdamang pinipisil pisil ng palad ng binata ang never been touch niyang dibdib.

Oh my!

Ba't ganun...

Bakit nakakakiliti!

Kung alam lang niya na ganito ang pakiramdam ng niroromansa, sana matagal na siyang nag asawa!

(Hahaha... Joke!)
(Oy yung wala pa sa edad d'yan, 'wag munang mag aasawa! Echoss lang yan!)

(Balik tayo sa eksena!)

Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg at pababa hanggang sa kanyang dibdib.

"Oh shit! "Nasambit niya.

Paanong hindi, ay sinagpang nito na tila batang gutom ang isa niyang dibdib.

Hindi tuloy niya maintindihan kung saan ipapaling ang kanyang ulo, sa tindi ng sensasyong nararamdaman.

"Oh my... Tell me to stop, hon... Habang kaya ko pang magpigil! "Deo said in a very husky voice. Habang nakatitig naman sa kanyang mga mata ng buong pagsuyo.

Siya nama'y parang biglang binuhusan ng malamig na tubig, na biglang nahimasmasan.

Ang ungas kasing ito, kung bakit may pagtatanong pa.

Matiim siyang napatitig sa.

Hinaplos niya ng may pagsuyo ang pisngi nito.

Sabay...

Sampal ng may kalakasan!

"Sa susunod huwag mong uumpisahan kung hindi ka desidido! "
Inis niyang tungayaw dito. "Hindi iyang kung kelang nasa kalagitnaan tayo ng mainit na labanan ay tsaka mo ako tatanungin ng ganyan, gung-gong ka! "

At hinampas niya ito ng unan.

"Ano ba!... Eh akala ko nadala ka lang ng tukso kaya tinanong muna kita! "
Pangangatwiran nito, makikitaan ng kaseryosohan ang mukha nito.

Nasapo niya ang kanyang noo.

My Goodness!

Diosme!

Kusa ka ng nagpagahasa, siya pa ang biglang nagbago ng isip.

Nakakatuwa!

"Hey... Gusto mo bang ituloy natin? "
Inosente nitong tanong sa kanya.

Diosme!

"Hindi! "At iniwan niya itong tulala, siya nama'y naiiling na pumasok ng banyo para maligo.

Tsk tsk tsk!!!

May ganito pa palang lalaki?

The Old MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon