Situation

82 23 0
                                    

Pahipo naman (no touch)

Pahawak naman (no touch)

Di na kita matsansingan...

================================
Pa shout out lang ako kina

MyrahManalo and MarianeCatilo...

Thanks for reading my story guys!

Lab yah...!!!

================================

"Gusto mo pa ng kape? "

Napatingin siya kay Daisy, na nakaupo na pala sa tabi niya.

"No,hon, i'm done! "Sagot niya, napatingin siya sa dalaga, para kasing nakokonsensiya na siya. Para kasing niloloko na niya ang nobya dahil pinaniniwala niya itong mahirap lang siya.

Gusto na niyang sabihin kaso hindi niya malaman kung sa papaanong paraan.

"Uy... Ano bang pinag iisip mo at kanina ka pa tulala? "Kalabit sa kanya ni Daisy.

"Ikaw! "

"Sus... Oh eh ano namang iniisip mo sa akin aber? "Nakangiti nitong tanong sa kanya.

"Na nakahiga ka sa kama ko habang hubad. "Nagbibiro niyang wika sa nobya.

Natatawang hinampas naman siya nito sa braso.

"Ikaw lang naman itong mabagal... "
Pabulong na sabi nito,bago tumalikod at inilagay sa lababo ang tasa nito.
Pero malinaw niyang narinig.

Kapag talaga green ang usapan, ready kaagad ang nobya niya. Wala itong takot na sabihin sa kanya ang gusto nito.

"Ganun? "Napangiti siya, sabay lapit sa nobya.Niyakap niya ito mula sa likod, at hinalik-halikan sa balikat nito.

Narinig naman niyang bahagya itong umungol.

Bigla tuloy nabuhay si suma, gustong lumabas sa lunga!

Paanong bang hindi kabango-bango naman nitong nobya niya, kung hindi lang siya magpipigil ay pwede na siyang putukan ng kuwan, habang niyayakap ito sa likuran.

"Hon, gusto mo dito ako matulog mamayang gabi? "Bulong niya, sabay kagat sa earlobe nito.

"Ano? Ayoko! Nakakahiya kay Tita Guada."Tarantang sabi nito sa kanya. "Baka sabihin talagang may agenda ang pagtulog mo dito! "Sabay harap nito sa kanya.

"Sadya naman akong natutulog dito ah, "sagot niya.

"Oo nga, pero si Tita Guada ang nagyayakag sa iyo na matulog dito! "
Katwiran pa rin nito.

Napaisip siya.

Saan niya dadalhin ang nobya, hindi naman pwede sa bahay niya sa greenhills.

Mabubuko siya!

Pero gustong-gusto na niyang matesting ang natutunan niya kakapanood ng mga porns!

Ayaw naman niyang mag suggest na dalhin ang dalaga sa mga motels. At baka masampal pa siya nito.

Ang hirap nang nagpapanggap na mahirap!

Ang dami niyang hindi magawa!

"Kina Melanie? "Hirit pa niya.

"Naku ha... Nakakahiya sa besty ko!"irap nito sa kanya, habang nakasandal sa two door na refrigerator.

Lumapit siya rito at pagigil na hinalikan ang mga labi nitong parang sadyang naka awang para sa kanya. Gumanti naman ito ng halik sabay pulupot ng mga braso sa kanyang leeg.

Nakakaadik ang babaeng ito, hindi siya makontento sa pagtikim, mas gusto niyang maabot ang langit kasama ito.

"Eh ano na ang gagawin natin? "
Parang batang tanong niya sa nobya ng mag hiwalay ang kanilang mga labi.

"Ano? Seryoso ka? At sa akin ka pa talaga nagtanong! "Namumulang singhal nito sa kanya.

Napakamot naman siya sa batok niya.

"Ay naku, bahala ka nga sa buhay mo!"saad nito bago nag martsa palayo sa kanya.

"Uy... Hintayin mo ko ha, dito ako uuwe mamayang gabi! "Pahabol niyang wika sa nobya.

Ni hindi naman lumingon ang dalaga.

Palabas na siya ng bahay ng makasalubong niya ang magkapatid na sina Danica at Dianna.

Ni hindi siya pinansin ng magkapatid, nag uusap ang mga ito ngunit batid niyang nakita siya ng mga ito.

Marahil ay alam na ng mga ito ang ginawa niyang pag sisinungaling sa tita ng mga ito.

Tsaka na lang niya kakausapin ang mga ito kapag kaya na niyang magtapat.

Lumapit siya sa tiyahin niya at namaalam dito.

Laking pasasalamat niyang niyakag siya nitong doon maghapunan mamayang gabi.

At syempre pa magagawan na niya ng paraan na doon matulog mamayang gabi.

-------------

"Ate, hindi ba nakakahiyang ini-snob natin si Ninong? "Tanong ni Dianna sa ate niya.

"Sus... Bayaan mo siya! Para malaman niya na hindi natin gusto ang ginawa niya kay Tita! "Naka ismid na sagot nito sa kanya.

Nagulat siya sa inasal ng kapatid niya, bakit masyado ata itong apektado sa sitwasyon ng ninang niya at ng boyfriend nito?

Ito na nga ang nagsabi sa kanyang huwag na silang makialam, tapos ganito ang reaksyon nito.

"Ate? "Kulbit niya dito, nakadapa ito sa kama habang kunwaring nagbabasa ng libro nito, pero panay din naman ang reply sa kung sino mang ka text nito.

"Humm? "Sagot nitong ni hindi man lang lumingon sa kanya.

"May boyfriend ka na ba? "Usisa niya.

Bigla naman itong lumingon sa kanya, habang naka poker face.

"Bakit mo naman biglang naitanong iyan? "Kunot ang noong tanong nito sa kanya.

"Eh kasi, masyado kang apektado sa sitwasyon ni ninong at ninang! "Sagot niya sa kapatid na hindi inaalis ang tingin dito, gusto niyang makita kung sinsero ito sa kung anomang isasagot nito sa kanya.

"Alam mo ikaw, ada, kabata-bata mo pa ay kung ano-ano na iyang laman ng utak mo! Alam ko iyang tinatakbo ng isip mo, wala akong boyfriend... Wala pa... Diba sabi ko nga sayo sobrang torpe nga! So paano ako magkaka boyfriend? "Singhal sa kanya ng ate niya, bigla siyang napatawa...

Confirm!

May heart problem na din ang ate niya, kaya ganun na lamang kung maka react.

Torpe daw!

"Oh, akala ko ba type mo din eh di ikaw na ang lumigaw! "Suhestiyon niya.

"Naku ginawa ko na... Ang gung-gong binasted ako! Pilingerang palaka ang walangya! "Galit na bulalas nito sa kanya.

Napahagalpak naman siya ng tawa.
Natigil lang siya ng tuktukan siya nito ng kamay sa ulo.

"Aray...! "Reklamo niya, pero natatawa pa rin siya sa kalokahan ng ate niya.

"Ginawa mo 'yun? "Humahagikhik pa ring tanong niya sa nakakatandang kapatid.

"Oo... Kala mo nag bibiro ako? Ang hambog na iyon! Lagot siya sa akin bukas, kahit magluluhod pa siya sa akin ay hindi ko na siya papansinin! "
Galit pa ring butaktak nito, na tinatawanan lang niya.

Sabi na nga ba at may pinagdadaanan ang kapatid niya kaya masyadong apektado sa usaping pag-ibig kahit hindi naman sa kanya.

Hay pag-ibig!

The Old MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon