Silly little girls

96 23 0
                                    

-----------------------------------------------------------Deo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-----------------------------------------------------------
Deo

Nauna siyang bumaba sa komedor, paano ayaw sumabay ni Daisy at nakakahiya daw. Baka daw may maka halata na may nangyare sa kanila.

Natatawa siyang isiping masyado itong wild pag dating sa kama pero pikon naman kapag inaalaska ng mag kapatid.

Speaking of the angels...

Naabutan niyang parehong kumakain ang dalawa na pareho nang naka uniform.

At take note...

Parehong umasim ang mukha ng makita siya.

Oo nga pala, may atraso pa siya sa dalawang ito.

Hindi pa alam ng mga ito na nagtapat na siya sa tiyahin ng mga ito.

Alam niyang hindi kaano-ano ng dalaga ang mga ito, ngunit itinuturing na tunay na tiyahin ang nobya niya dahil kaibigang matalik ito ng ina mga ito.

Pasimple siyang umupo sa tapat ng dalawa, pagkatapos humingi ng kape sa kasambahay.

Tumikhim muna siya bago binati ang dalawa.

"Good morning angels! "Naka ngiti niyang bati sa mga ito.

Hindi niya napigilang tumawa dahil sabay pang umirap ang magkapatid sa kanya.

"At anong nakakatawa ha ada! "
Mataray na tanong ni Danica pero kunyaring kapatid ang kinakausap.

"Ewan... Baka masaya... Mukhang naka isa na kay Ninang.. Hump! "
Sagot naman ni Dianna na parang gustong ibuhos sa kanya ang hinihigop niyang kape.

"Baka nga... Kawawang Tita daisy... Tsk tsk tsk... "Umiiling-iling pang sagot ulit ni Danica.

Siya namay nangingiti lang na pinapakinggan ang pinagsasabi ng magkapatid.

"Hindi ko niloloko ang tita ninyo
okay, "pasimula niya.

"Eh anong tawag mo dun sa paglilihim mo sa kanya aber?! "
Mataray na tanong sa kanya ng panganay ni Melanie.

Sasagot pa sana siya ng biglang sumulpot ang nobya niya sa komedor.

"Oy... Oy ano yan...? At bakit ninyo inaaway ang boyfriend ko aber?! "
Kaagad na tanong nito sa dalawang pamangkin.

Wala namang sumagot sa magkapatid, nagtinginan lang.

Natutuwa siyang isipin na parehong galit sa kanya, pero wala namang nagsusumbong kay daisy.

"Galit sila sa akin, honey...! "Parang batang pag susumbong niya sa nobya.

Pinigilan niyang matawa ng makitang sabay na itinirik ng dalawa ang mga mata sa labis na uyamot sa kanya.

"At baket??? "Nakapamaywang na tanong ng dalaga na sa dalawa nakaharap.

Wala namang sumagot sa dalawa.

The Old MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon