Innocence and Pure

97 27 0
                                    

Warning:

Some words are not suitable for young readers!

================================
Daisy

Halos isang linggo na silang hindi nagkikita ni Deo. Hindi ito pumupunta ng mansion, siya nama'y palagi ring kasama ng Senyora sa mga lakad nito.

Miss na miss na niya ang binata!

Ngunit nananaig naman ang pride niyang puntahan ito sa pinag ta-trabahuhan nito. Lalo na't wala siyang magandang idadahilan.

At sa tingin niya ay parang iniiwasan din siya ng binata. Dahil hindi na ito muling bumalik ng mansion.Matapos ang nangyari sa kanila.

Akala siguro nito ay pinagtatawanan niya ito. Dahil sa ginawa nitong pagtatapat sa kanya.

Siya nama'y nahihiya ring humarap dito.

Papaano parang siya ang eager na eager na may mangyari sa kanila.

Nakakahiya mang aminin eh talagang sinunod niya ang utos ng bff niya.

Simula ng nanggaling sila kina Melanie ay inumpasahan na niyang manood ng iba't-ibang sex video's. Gaya ng utos ng kaibigan.

Para kahit papaano ay may alam na siya, kung sakaling matuloy ang naumpisahan nila ni Deo.

Nakakahiya!

Assumera na tuloy ang peg niya!

Nakakahiyang aminin pero hinihintay niya itong bumalik para ituloy ang naumpisahan nila.

My God naman!

Pero mas nakakahiyang malaman ng iba na Virgin pa siya at the age of thirty-five!

May pagkakataon na sana pero, naudlot pa!

Ipinangako niya sa sariling susunod lang siya sa gusto nito at hindi ito mamanipulahin, para hindi ito mapahiya sa kanya.

Nasa ganoon siyang pag iisip ng lumapit sa kanya si Danica at tinapik siya sa braso.

"Lunod na lunod na ang halaman ,tita oh...! "

Wika nito sa kanya.

Ay oo nga pala, nag didilig nga pala siya ng mga bulaklak ng Senyora.

Nahihiyang lumapit siya sa gripo at pinatay ito.

"Ano bang pinag iisip mo ha, Tita?! "
Kunot ang noong tanong ng dalaga sa kanya."Iniisip mo si Tito Deo, nuh... Kasi ay matagal ng hindi pumupunta dito, ano?! "

Malungkot siyang tumango sa itinuturing na pamangkin.

Pamangkin naman talaga niya ang mga ito dahil kapatid ang turing niya sa ina ng mga ito.

"Oh, eh bakit ayaw mong puntahan sa flower shop? "Takang tanong nito sa kanya.

"Naku ayaw ko nga, sabihin pa nun ay miss na miss ko na siya! "

Nakangusong sagot niya.

Natawa naman ang dalaga sa ginawi niya.

"Oh hindi ba at totoo naman! "

"Kahit na, babae tayo kaya dapat ay lumugar tayo sa dapat kalagyan. "
Sagot niya.

"Naku, Tita... Panahon pa ni kopong-kopong iyang sinasabi mo! Ako kapag hindi pa ako niligawan ng crush ko hanggang sa graduation namin, Ako na ang manliligaw dun! "

"Anooo?! "Bulalas niya.

"Hahaha... Joke lang Tita, maka react ka naman. Palibhasa ay old maid ka na! "Natatawang sagot nito sa kanya.

The Old MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon