True lies

76 24 0
                                    

A/N

Shout out sa mga new reader ko na Sina Dendentaurus,MyrahManalo aka user12999886,MarianeCatilo aka user44557630 and of course kay GladysBolivar aka user32550690...

Salamuch...!!!

Lab yah...!!!
================================

Deo

"Walang kape sa bahay mo Tito Deo? "
Panunukso ni Danica sa kanya.

Paano inabutan  siyang nag
kakape mag isa sa komedor.

Nasa may pool ang Tita Guada niya at doon pinapasunod ang mga ito para doon mag breakfast.

"Wala akong bahay... Sa shop lang ako nagkakape.Pero mas masarap ang kape dito. "

"Sus... Eh kaninong bahay iyong pinuntahan namin ni Lola noong..."

"Sa amo ko! "Kaagad niyang sambot sa sasabihin pa ng dalagita. Pasimple niya itong kinambatan na manahimik.

Hindi niya alam na naisama na pala ito ng Tita niya sa bahay niya sa greenhills. Malamang ay noong isang araw na dumating ang kanyang mga magulang galing probinsiya.

"Ah, kaya pala maganda iyong bahay, hindi pala sa iyo, Tito Deo! "Sagot ni Danica na sadyang binigyang diin ang bawat salita.

Matatalim ang mga tinging ipinukol nito sa kanya.

Hindi naman iyon napansin ni Daisy dahil abala sa pagtitimpla ng sariling kape nito.

Ayaw nitong nagpapatimpla ng kape sa mga kasambahay dahil hindi daw naman ito amo doon.

"Oh, siya d'yan na kayo ni Tita Daisy at pupuntahan na namin si Lola sa may pool. "Sabi pa danica at hinila na sa kamay ang kapatid.

Bago siya iniwanan ng isang makahulugang tingin.

Gusto sana niyang habulin ang dalagita para mag paliwanag, pero hindi naman niya alam kung paano iyon ipapaliwanag.

Napabuntong hininga na lamang siya.

Parang habang tumatagal ay lalong lumalala ang kalokohang nagawa niya. Sinabi lang naman niyang mahirap siya dahil ayaw niya ng babaeng mukhang pera.

Gusto sana niya ng mapapangasawang marunong makontento sa kung anong kayang i-provide ng asawa.

Ang gusto niya'y mahal na siya ng babae bago pa nito malamang mayaman siya.

Masama ba iyon?

--------------
Danica

"Ate, diba mga magulang ni Ninong Deo iyong kausap ni Lola noong nagpunta tayo sa bahay nila sa GreenHills Subdivision? "

Tanong sa kanya ng kapatid nang makalayo na sila sa komedor.

Nataon kasing wala din itong pasok ng isama siya ng matanda sa pagpunta nito sa kapatid nitong galing probinsya.

Tumango lang siya sa kapatid.

Abala siya sa pag iisip kung bakit itinanggi ni Tito Deo ang bahay ng mga ito?

"Eh bakit itinatanggi ni Ninong Deo na bahay nila iyong pinuntahan natin? "Naguguluhang tanong ulit ni Dianna.

"Halika, pihadong alam ni Lola ang sagot Diyan! "

Naguguluhan din siya, bagamat palagi nilang napapag kwentuhan ang nobyo ng Tita Daisy nila ay wala silang alam dito maliban sa pamangkin ito ng Lola nila.

Nang makalapit sila sa matanda na nagbabasa ng english tabloid ay kaagad nila itong inusisa.

"Ah, iyon ba. Paano kasi nagpanggap na mahirap lang si Tito Deo, ninyo. Ang alam ng Tita Daisy ninyo ay delivery boy lang si Deo sa flower shop, pero ang totoo ay sa kanya lahat ng D'HENSON'S flower shop sa buong kamaynilaan at maging sa Batangas at sa Ilocos." Mahabang paliwanag ng matanda sa kanila.

"Yun nga po ang alam ko lola, dahil nakita ko yung D at Henson ang alam kong surname ni Tito.!"saad niya.

"Eh bakit, po Lola? "Tanong pa ni Dianna.

"Kasi ay Gusto ng Tito Deo ninyo na mahalin siya ng babae dahil siya ay siya! At hindi dahil mayaman siya. Ayaw daw niya ng babaeng mukhang pera! "Tugon ulet ng matanda.

Ganun?

"So kaya pala ayaw ni Tita Daisy dati kay Tito Deo, dati.Dahil sa ang alam niya ay hampas lupa lang si Tito? "
Bigla niyang naintindihan ang sitwasyon.

"Ganoon na nga, so ibig sabihin ang akala ni Ninong ay mukhang pera si Ninang? "

"Palagi kasing sinasabi ni Tita na hindi siya mag aasawa ng mahirap lang! "Sambot niya.

"Hindi ba parang niloloko ni Ninong si Ninang? Ha Lola? "Baling ni ada sa matanda.

"Hayaan na natin sila sa sitwasyon nila, tutal matatanda na ang mga iyan. Kung totoong nagmamahalan ang mga iyan ay walang bagay ang hindi nila mapapagkasunduan, lalo na kung kanilang pag uusapan. "Pahayag ng matanda.

Tama naman si Lola!

Kaya lang ay kawawa naman ang Tita
Daisy niya, kailangan pa munang pumasa sa kunyaring mahirap mode ng nobyo nito bago pa tuluyang lumigaya?

Hindi ba dapat kapag mahal mo ang isang tao, lahat ay kaya mong ibigay? Lahat ay kaya mong tanggapin, lahat ng kapintasan at kasiraan ay kaya mong unawain dahil mahal mo?

Kailan pa nauso iyong ita-try mo muna ang isang tao kung papasa sa mga standards mo bago mo mahalin?

Ang galing ng puso nila, natuturuan!

Para saan iyong salitang na love at first sight?

Bakit may kasabihang love is blind?

Sinong nag likha niyong sinasabing oh pag ibig na makapangyarihan! Hahamakin ang lahat masunod ka lamang?

Anyare sa panahon ngayon?

Kawawa naman pala silang next generation na iibig pa lang...

Iba na pala ang patakaran ngayon.

"Diba natin iyan sasabihin sa Ninang?"bulong sa kanya ng kapatid.

"Ewan ko,!"naguguluhan ding sagot niya sa kapatid.

Panira ng moment itong kapatid niya, nag da drama pa siya mag isa eh, naka epal-epal naman ng tanong.

Hump!

Matama niyang tinitigan ang nakababatang kapatid, masyado itong close sa ninang nito.

Mabuti kung makatiis itong hindi sabihin ang natuklasan nito.

Napabuntonghinina siyang muli.

"Hayaan na natin sila, tulad ng sabi ni Lola, huwag na tayong maki alam. Siguro kapag nakita na lang natin na dehado na ang ninang mo tsaka tayo papalag."Bulong din niya sa kapatid, para maglubag ang loob nito.

Nakita naman niyang umaliwalas ang mukha nito, bago dinampot ang tasa ng kape at humigop niyon.

Para tuloy nawalan siya ng ganang tuksuhin na ang Tita daisy niya sa nobyo nito.

Masyadong maganda ang pananaw niya sa pag ibig... Dahil sa nakita niya sa Daddy Zach at sa ina niya.

Tapos biglang ganito?

Ano 'to, rules and regulations ng matandang dalaga at matandang binata?

Nawala tuloy ang kilig na nararamdaman niya dati kapag nakikitang mag kasama ang dalawa.

Baka kasi dumating ang panahon na mag kabukingan eh silang may mga alam ang mapag buntunan ng galit ng Tita niya.

The Old MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon