Prologue

181 33 2
                                    

Kinuha si Daisy ni Senyora Guada, sapul ng ikasal na sina Zach at Melanie.

Siya ang ipinalit nito sa PA nitong si Marlyn na nag asawa na. Sa Mansion sa Forbes Park sila tumira ng Senyora.

Talaga namang mabait ang matandang amo dahil hindi Senyora ang patawag nito sa kanya kundi Tita Guada.

Palagi din syempre siyang kasama kapag dumadalaw ito sa anak nitong si Zack at sa Manugang nitong si Melanie na bff naman niya.

At pinapayagan na din siya ng matanda na dumalaw saglit sa ama't ina niyang nananatiling nakatira sa riles na pinangalingan nila ng kaibigang si Melanie.

Hindi din naman siya nalulumbay sa Mansion dahil doon din nakatira ang dalawang dalagang anak ni Melanie na sina Danica at Dianna. Dito sa Maynila pinag aral ng college ang mga ito ng matanda.

Wala namang tutol ang kaibigan niya dahil talagang malapit ang matanda sa mga anak nito.

Wala din naman siyang problema sa Senyora dahil sa bukod sa mabait ito ay malaki ang pa sweldo nito sa kanya.

Pero talagang mahilig mag ala kupido ang matanda.

Dahil nag success ang pag rereto nito kay Zach at Melanie ay siya naman ang isinunod nito.

Hindi na siya magtataka kung ito rin ang maghahanap ng mapa pangasawa ng mga anak ng kaibigan niya.

Inerereto siya ng Senyora sa pamangkin nitong si Deo na nakilala niya sa birthday party ni Melanie.

Okay naman sana itong si Deo.

Gwapo ito ,matangkad at bagay sa aura nito ang morenong kulay nito.
Lalaking-lalaki ang dating... Ika nga ni Mystica ay balat pinoy, tulad ni Goma at Manoy.

Ang problema ay isa din itong mahirap na katulad niya. Delivery boy lang ito ng isang sikat na flower shop sa makati.

Hindi naman siya nanghahamak ng kapwa niya, kaya lang eh anong buhay ang maibibigay nito sa kanya eh mukhang mas malaki pa ang sahod niya dito.

Eh anong mangyayari?

Siya ang bubuhay dito?

Naku di bale na lang na tumanda na talaga siyang dalaga!

Hump!

Iyon eh kung su swertihin siya na maiwasan ito palagi, gayong napaka kulit nito at pursigido talagang pasagutin siya kahit binasted na niya.

At kung kakayanin pa niyang tangihan ang maiinit nitong mga halik na tumutupok sa katinuan niya.

Paano sa tuwinang hahalikan siya nito, naglalambitin siya ng kusa batok nito sa halip na tumanggi.

Hay Daisy...

Huwag mo nang pigilan...

Ang pag ibig, habang pinipigilan ay lalong nag uumalpas yan...

Sabi ko...

Hahaha...

Hello, guys this is my next story after Panaginip.

Ang buhay ni daisy...

Sana ay subaybayan n'yo din ito guys...

Keep on reading and voting guys!!!

Lab yah...

Danlans at u'r service...!!!

The Old MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon