Chapter 1: The plan

4 0 0
                                    

              *****Realla POV*****




"Ma?Lola? Kailan niyo ba balak ilabas ako sa malaking bodega na to huh???" Pagmamaktol ko sa kanila. Gosh kailan man hindi pa ako nakalabas sa malaking bodega na to. Ano ba talaga apo pa ba niya ako huh!!



Bigla niya akong binatukan sa tagiliran ko...
"Lola naman Oo masakit kaya!!"
I pout my lips..muli na naman niya akong binatukan.



"Tumigil ka na nga diyan apo hindi kana bata!!" Sigaw nito pero hindi gaano malakas ahh mahal na mahal kaya ako nito.
"Maghintayhintay kalang makakalabas karin dito."




"Kailan pa Lola naiinip na ako ehh!!
Pwede ko naman silang labanan at kayang kaya ko naman silang talunin!!" Inis na sabi ko.




Ngayon naman si mama na ang nambatok saakin. Kailan ba nila ako titigilan huh at pinagtutulungan pa talaga nila ako.




"Ilang beses ko bang sasabihin sayong bata ka na akala nila patay kana hindi pwedeng basta basta ka nalang magpapakita!!!"
Ngayon galit na si Lola kaya tumahimik nalang ako.



"Sorry na po Lola." Hinging paumanhin ko.



"Here's the plan dudukutin nila Minister Jeong si Kenneth Moore para maisakatuparan ang plano. At ang gaganap na Kenneth Moore ay si James Byran dahil sasamahan ka niya sa kaharian ng Mianhae para mabantayan ka niya." Paliwanag ni Lola.




Nang biglang may tumawag kay Lola.
Lumabas na si Lola para tingnan kung sino iyon at ano ang kailangan niya. Ngayon kami na ni mama ang naiwan. Biglang lumapit si mama saakin at umupo sa tabi ko. Hinaplos niya ang aking pisngi at ngumiti ng maaliwalas na parang ang gaan gaan ng pakiramdam niya. Ang ganda talaga ni Mama kahit kailan.




"Anak pag natupad na ang plano ay kailangan mong mag ingat doon huh." Ngiti na may halong pag alala.




"Ma, mag iingat naman po ako doon at huwag kang mag alala nandiyan naman si Bryan para bantayan ako."
Ngiting sabi ko kay mama.



"Hindi mo pa gaano kilala ang mga tao doon kaya mag ingat ka maaari mong malinlang ang lahat pero hindi lang sakanya."



 The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon