*****Realla POV*****
Kitang kita ko ang mga nangyayari sa labas ng kaharian dahil sa mahiwagang salamin na nasa harapan ko. Malaki ang kwarto na ito ngunit ni isang ilaw mula sa labas ay di ko makita kaya ko to natawag na bodega. Kahit bintana o pintuan man lang ay wala sa kwartong ito. At sa underground pa talaga huh!!Oo kumpleto ng gamit pero para ka namang ikinulong sa bodegang to. Si Lola,Mama, at Bryan lang ang tanging nakakaalam ng lungga ko at ang nakakaalam na buhay ako at kasali na rin si Mrs. Suarez.
Ang alam ng lahat ay patay na ako dahil nakita ng lahat na wala na akong hininga ngunit dahil sa kapangyarihan na taglay ko ay hindi ako namatay dahil si Justin lang ang tanging taong makakapatay saakin. Kaya siya ang mission ko ngayon ang patayin siya.
Hindi nila alam na buhay ako kaya kampante na ang mga kaaway namin na kaya nila kaming talunin ngunit sa tagal ng panahon ay hindi parin nila kami natalo dahil hanggang ngayon buhay pa ako. Pag hindi ko siya mapapatay at hindi rin niya ako mapapatay ay kaming dalawa ang mamatay pagdating ng maitim na buwan. Alam ko na nagawa lang ni Lola ang sumpa na yun dahil sa matinding galit niya sa dalawa.
Ikaw ba naman ang lokohin ng taong mahal mo at ang pinakamatindi pa ay ito pang matalik na kaibigan niya ang naging karelasyon ng taong mahal niya. Malaki ang kanilang kasalanan kay Lola ngunit parang ngayon sila pa ang galit saaming lahat. Sila pa yung may matinding galit saamin. WOW HUH!!! Ang galing nila super.Nakita ko na si Bryan na sugatan dahil binugbog siya ng mga tauhan ni Lola pero hindi naman talaga totoo yun dahil iyon ay plano para makasama ko si Bryan. Hindi kasi pwede na si Bryan talaga kasi kilalang kilala na nila si Bryan dahil isa ito sa magaling na mandirigma sa kaharian at ang pinagkakatiwalaan ni Lola. Syempre kaibigan ko yan ako pa ba pipili ng cheap na lalaki noh....never talaga mangyayari yun. Actually crush ko nga yan ehh mabait, gwapo, mapagmahal na kaibigan, mapagkakatiwalaan pa at higit sa lahat ay matapang at magaling makipag laban kaya ano pa nga ba ang hahanapin ko edi wala na...Bryan is a perfect guy for me...hehehehe kinilig si ako.
"Anong ibig sabihin ng mga ngiting iyan huh Cha???"- Mama
Na ikina gulat ko pa."Wala po ma excited lang po talaga ako na makalabas dito at magawa ko po ang mission ko." Palusot ko kay mama
"Hindi naman ako magagalit anak ehhh aminin mo na kasi na may paghanga ka kay Bryan." Pang aasar ni mama.
"Ehh sino bang may sabi sayo na kailangan mong magalit..."
Binatukan niya ako..tsss...hindi ba talaga siya magsasawa kakabatok saakin."Ma naman pang ilan na kaya yun." Pagmamaktol ko."Hahahaha ikaw kasi pilisopo ka. Ano nga si Bryan ba talaga anak?"
"Hindi po siya mama pang ilan ko na pong sinasabi sainyo na wala akong gusto kay Bryan."
"Weh di nga totoo? Bakit namumula ang magkabilang pisngi mo??"
Pang aasar niya...wait di nga...Patay wala na akong takas dito."OO NA!! Gusto ko na si Bryan!! Happy ka na ba ma????"
Tumawa siya...."Ikaw talagang bata ka nagdadalaga kana talaga huwag kang mag alala butong buto ako sa inyong dalawa ni Bryan." Bigla niya akong yinakap ng mahigpit."I love you anak." Sabay halik sa noo ko.
" Baliw ka talaga Mama!!I love you too ma."
"Sige anak dito ka muna huh."
"Ma samahan niyo na lang po ako dito." Pagmamakaawa ko sakanya. Iba kasi pakiramdam ko ehh. Kinakabahan ako ewan ba.
"Anak, hindi pwede kasi nandoon ang Lola mo hindi ko siya pwedeng pabayaan doon." Sabay hawak ng dalawa niyang kamay sa magkabilang pisngi ko.
"Ma nandoon naman po yung mga Ministro nakikipaglaban bakit kailangan niyo pa pong lumaban doon???"
"Anak ano ba naman yan? Hindi ko kayang tingnan ang mga nangyayari sa labas hayaan mo anak alam kung maaayos din ang lahat." Ngiti niyang sabi.
Tumango nalang ako at tiningnan siya paalis. Nagteleport na si mama patungo sa labas ng Kaharian para makipaglaban.
Pinapanood ko sila ng may isang lalaki na kaharap na ni mama ngayon....
Wait.....
Hindi ba si Justin yun. Mama na man ehhh sa lahat ng makakalaban niya ay siya pa. Naging matindi ang kanilang labanan pero hindi parin nawawala ang kaba sa dib dib ko. Tingin ko kasi may masasamang mangyayari.
Wait...wait...."MAMA SA LIKURAN MO!!!!" Huli na ang lahat ng makita niya ito kaya......
"MAMAAAAAAAAAAAA!!!!!!!"
****Author's note****
Hayyysss pati ako naging emotional sa story na to...😭😭😭😂😂😂
BINABASA MO ANG
The Curse
FantasyThis two kingdom has a good relationship but everything was gone because the two princesses has fallen inlove within one guy. And because of that the curse was created. The curse was ended up in their grandchildren.