Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events and incidents are either products of my imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
Dedicated to R.C.P. I hope you're peacefully watching from heaven. :)
Enjoy reading!
xx _bloodheaven_ xx
--------------------------
** Xander's POV **
"Sayang.. bakit hindi kita niligawan... eh kasi naman..."
"Hoy!"
Natigil ako sa pagkanta at pagtugtog ng gitara nang makita ang bestfriend ko na palapit sa akin.
"Cynth! Kumusta na?" ngumiti ako sa kanya.
"Kumusta ka dyan... eh parang kanina lang tayo nagkita.." Tsk! Nakikita ko na ang lungkot sa mukha niya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinisil hanggang sa nakakatawa na ang hitsura niya. Natawa ako pero hindi malakas.
"Haha! Ikaw talaga.. Smile ka naman dyan oh! Babalik din ako.. Promise.."
"Eh hindi naman sure yun eh.. Baka di ka na makabalik."
"Don't worry.. Eto.. remembrance.."
Inabot ko sa kanya ang gitara ko at nagulat siya.
"Teka.." para siyang kinakabahan.
"Hmm?"
"Eh bigay sayo ito ng tatay mo.. tapos bibigay mo sa akin?" pilit niyang binabalik yung gitara pero ayaw ko hawakan.
"Sayo na yan... para maalala mo ako kahit malayo ako sayo.."
"Ano ba yan.. parang telenobela ang peg.. naiiyak tuloy ako."
Niyakap ko siya. Alam ko wala lang sa kanya iyon. Ang turing niya sa akin parang kuya.
"I'm gonna miss you, Cynth."
"Me too, Alex. Me too.."
Hindi ko alam kung imagination ko lang iyon pero parang naramdaman ko na tumulo ang luha ni Cynth. Niyakap ko siya... mahigpit. Yung tipong hindi ko na papakawalan.
-----------------------
** Cynth's POV **
After 3 years...
DINGDONG!
OMG! Start of classes na! Bakit parang di ako excited? Sabagay.. sila sila din naman makikita ko.. Mga dati kong classmates. Haay... Miss ko na si Alex. Mga 3 years ko din syang hindi nakita. Saan na kaya sya? Wala na akong update about sa kanya.
Pumasok ako sa classroom at nagulat ako. Bakit andito din si Erick? FYI, almost a year na syang nanliligaw sa akin. Well, ilang beses ko na syang binusted pero eto...
"Hyacinth! Good morning!" ang laki laki ng ngiti nya, pakaway-kaway pa.
Hindi ko sya pinansin. Umupo nalang ako sa pinakamalayong upuan sa kanya. Maya maya, dumating si Miss Prim, yung sinasabi nilang matandang dalaga na teacher sa school na ito. Kilala sya ng karamihan bilang "Fire Dragon".
"Good Morning, class!" bati nya sa amin.
"Good Morning, Miss Prim!" bati namin sa kanya.
"As you all know, it's the start of another school year and based on my records, you have known each other since 1st year. However, I would like to announce that you'll be having a new classmate starting today".
BINABASA MO ANG
SAYANG
Teen FictionIn life, there are many choices. Fall in love or fall out of love? Go on or move back? Follow or leave? This is a story about a boy and a girl... best friends as they call themselves.. but what if friendship turns to love? Subaybayan ang story tungk...