Chapter 8 - Reply

35 1 0
                                    

** Xander’s POV **

“Good morning, Xander!” It was Monday morning. Kakarating ko lang sa classroom nang makita ko si Ysabelle na malapit sa pinto. She was smiling when she greeted me.

“Good morning.” I greeted back.

“Excuse me.” Napatingin kami sa likod. Si Cynth ang nagsalita. Nakaharang pala kami sa daan.

“Oh, Hyacinth! Good morning!” sabi ni Ysabelle. Lumakad papasok ng classroom si Cynth. “Ang aga mo pala umalis nung party. What happened?”

“Sorry. I was not feeling well. Hindi na ako nakapagpaalam.”

“That’s fine. At least, nakapagpahinga ka ng mabuti.”

Ang tamlay ng mukha ni Cynth. Hindi siya sumagot nung inamin ko na may gusto ako sa kanya. She just said “goodnight” and ended the call. I want to ask her a lot of questions pero mukhang galit siya sa akin.

Dumating si Miss Prim and bago mag start ang lessons, may inannouce siya sa amin.

“You’ll be having a 3-day Field Trip next week. You’ll stay at a resort and tour different places such as a museum, hotel and park. Please distribute these permission slips.” Inabot niya ang ilang papel sa mga nakaupo sa unahan para ipasa sa iba. “The details are on those papers. Have your guardians sign them and return them to me tomorrow.”

Excited ang karamihan sa classmates ko. Gusto kong kausapin si Cynth. I want to know what she’s thinking about right now.

I texted her. “Meet me at the rooftop after classes.”

I waiter for her reply hanggang matapos ang klase. Wala siyang reply kahit isa. Nang matapos na ang last period, pumunta ako sa rooftop.

“Hey, Xander! Pauwi ka na ba?” tanong ni Trixx na nakasalubong ko sa hallway.

“Ah.. I need to go to the library pa. See you tomorrow!” tumakbo ako palayo. Sana di niya ako sinundan.

Nang makarating ako sa rooftop, nandoon na si Cynth. Nakatalikod siya at tinitignan ang mga ulap.

“Cynth.” I said.

“Bakit mo ako pinapunta dito?” mabilis niyang tanong sa akin nang hindi lumilingon.

“I want to talk with you... hindi mo ako kinausap mula nung tumawag ako nung Friday.”

“Ahhh..”

“I want to say it properly. Can you look at me?”

Humarap siya sa akin. Hindi ko mabasa ang expression niya.

“Cynth, I like you. Gusto na kita mula nung mga bata pa tayo pero hindi ko sinabi kasi you treated me as your bestfriend. Nang makita kita ngayon after 3 years, mas lalong nag develop ang feelings ko sa iyo.”

I paused. I waited for her reply but she just stared at me.

“I’m sorry. Kung gusto mong mag stay tayo as bestfriends, okay lang. Maghihintay ako hanggang dumating ang araw na... pwede na kitang... ligawan.” Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Just then, she crossed her arms and walked close to me.

“Alex.. do you think we can still be friends after what you said to me?”

Uh-oh. Galit ba siya?

“From now on..” hinawakan niya ang kamay ko,“..we’re gonna start talking with each other at school.. hindi na tayo magpapanggap na hindi tayo close...”

“Pero.. sabi mo ayaw mong malaman sa school na..”

“Eh paano mo ako liligawan kung di mo ako kakausapin?”

“So this means... payag ka na.. na ligawan kita?”

Tumango siya at ngumiti.

 **************************

A/N:

Promise! I'm gonna update as soon as I have the time. May work pa kasi later.

If you liked the story, please vote and comment! :)

xx _bloodheaven_ xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon