Chapter 3 - Busted

44 3 0
                                    

** Xander’s POV **

“What a nice Monday morning!” sabi ko paglabas ng car. Nag-stretch ako ng arms. Excited na akong makita si Cynth. Umalis ako ng parking lot at naglakad papuntang classroom.

“Hi, Xander!” bati sa akin ng dalawang babae. They looked familiar.

“I’m Ellaine.” sabi ng isa. Makikipag-shakehands sana siya pero biglang sumingit ang kasama niya.

“And I’m Trixx. Nice to meet you.” Nakipag-shakehands siya. “We’re classmates.”

“Oh.” sagot ko lang.

“Tara, sabay na tayong pumunta ng classroom.” pag-aya ni Trixx.

“Oo nga.” sabi naman ni Ellaine.

“Okay.” sagot ko. Hindi ako tumanggi para di sila ma-offend. Ayoko sana pero since parehas naman kaming papunta ng classroom, pumayag na ako.

Pagpasok ng classroom, tinginan sa amin ang lahat. Cynth looked up from reading a book. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.

“Hey, Xander!” lumapit si Erick sa akin. “Wow. You’re with these girls kahit may girlfriend ka?”

“What?!” Trixx and Ellaine exclaimed.

“Diba we saw each other at the mall last Saturday? Kasama mo si... Hazel, your girlfriend, right?” Erick said, grinning.

“Yeah.” sagot ko. Nakita ko iyong ibang classmates namin na nagbubulungan. Big deal ba iyon?

Bumulong si Erick sa akin. “Then, stay away from Hyacinth.”

 What? Did he just threaten me?

** Cynth’s POV **

Ano yung binubulong bulong ni Erick kay Alex? Hmm.. This doesn’t look good. Lumingon silang dalawa sa akin. Ako naman biglang bumalik sa pagbabasa ng book, acting as if hindi ko sila napansin.

Umupo si Alex sa seat niya. He didn’t say a word pero si Erick lumapit sa akin.

“Hi, Cynth,” he greeted me, “Are you busy this Saturday?”

Gusto ko ipukpok iyong book ko sa ulo niya. Hindi ba makaintindi ang lalakeng ito?

“Yeah.” sagot ko, still looking at the words on my book.

“No, you’re not. Go out with me.”

“I said I’m busy. Ba’t ba ang kulit mo?” Naiinis na talaga ako sa kanya.

“Hey, Erick!” boses ni Trixx. Tinignan namin siya. “Maybe Hyacinth already has a date on Saturday. That’s why she can’t go out with you.”

“Gosh,” Ellaine reacted, “almost a year ka na nga palang nanliligaw kay Hyacinth pero di ka pa rin niya sinasagot. Maybe... she already has a boyfriend?”

Tinignan ako lahat ng classmates ko... well.. maliban kay Alex.

“Is that true?” tanong ni Erick. Unti unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Siyempre, nilalayo ko ang face ko. Baka mamaya ma-disgrasya. Tsk!

“Do you really have a boyfriend?” usisa niya.

“NO!” malakas na sagot ko at tinulak ko siya palayo. Napabuntong hininga siya.

“But.... I like someone else. Sorry.”

BOOM!!! Umingay ang iba. Kanya kanyang reaksyon. May nagbulungan, nagtawanan, nang-asar... pero si Erick.. ayun.. hindi maipinta ang mukha.

SAYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon