** Xander’s POV **
“Xander, nasa amusement park ka ba nung Saturday?”
Napalunok ako at humarap kay Trixx. Umagang umaga at ganun ang bungad na tanong niya sa akin.
“Ahh.. yeah..” sagot ko.
“Iyong kasama mo ba... yun ba... yung girlfriend mo?”
Napatingin ang iba naming classmates. Halatang interesado sa usapan.
“Oo. Kasama ko nga ang girlfriend ko nun.”
“Nakita daw kayo ni Trixx eh kaso bigla kayong nawala.” sabi naman ni Ellaine.
“Saan nag aaral ang girlfriend mo?” usisa ni Trixx.
“Well.. it’s a secret.” Napangiti ako sa kanila. I wish I could see Cynth’s reaction kaso nasa likod ko siya. Mapapansin ng iba kapag tumingin ako sa kanya.
"Pa-secret secret ka pa.." asar ni Ellaine.
Just then, dumating si Erick. Nagulat kami dahil may dala dala siyang malaking white teddy bear, a boquet of roses and a box of Ferrero Rocher chocolates. Napatingin ako kay Cynth. Busy siya sa pagbabasa ng book kahit na umingay na ang iba at nasa harap na niya si Erick.
“Hyacinth.” sabi ni Erick, may lungkot sa mukha niya.
Cynth looked up from reading her book and didn’t even have the slightest bit of a concern.
“This is for you.” Binigay ni Erick kay Cynth iyong roses. Imbes na kunin iyon ni Cynth gamit ang kamay niya, tinago niya ang kamay niya sa ilalim ng desk. Nilapag ni Erick ang roses sa desk kasama ang chocolates. Iyong teddy bear nasa gilid lang ng chair ni Cynth.
Hinihintay ng lahat ang sasabihin niya pero napabuntong hininga lang siya at tumingin sa labas ng bintana.
“Hyacinth...” nangungusap na ang mga mata ni Erick “I won’t give up. Kahit may iba kang gusto, liligawan pa rin kita. Gusto mo man siya ngayon, malay natin.. balang araw, hindi mo na siya magustuhan. Baka.. ako na magustuhan mo.”
Natawa ang ilan sa mga babae dahil sa kakornihan ni Erick. Nakita ko nag roll ng eyes si Trixx. Si Ellaine parang naaawa kay Erick. Nang tinignan ni Erick ng masama iyong mga babaeng tumawa, nanahimik sila.
“Kung.. kung wala namang gusto sa iyo iyong lalakeng gusto mo, pwede bang tayo nalang?”
Tumingin si Cynth sa kanya. Mukhang natuwa si Erick pero..
“You should not waste your time on me.” malutong na sabi ni Cynth.
“But... why? Wala ba talaga akong pag asa?”
Cynth shooked her head. “Sorry.”
Pagkarinig nun, lumabas si Erick sa classroom. Bigla namang dumating si Miss Prim.
“What happ...” magtatanong sana si Miss Prim pero nakita na niya ang dahilan. “Let’s start the class.” Seryoso ang tono niya habang binubuklat ang class record niya. Umayos na ng upo ang mga students. Ano kaya ang iniisip ni Cynth ngayon?
** Cynth’s POV **
- BREAK TIME -
“Hey, guys! I have an announcement to make.” Humarap ang lahat kay Trixx. “Nahihiya kasi si Ysa kaya ako nalang mag aannounce.”
Tiningnan ko si Ysabelle, classmate namin. Nakaupo siya sa likod ng klase. Shy type siya, complete opposite ng pinsan niyang si Trixx.
“She’ll be 16 this Friday! Invited kayong lahat sa Sweet 16 party niya.”
Nagpalakpakan ang iba at may mga kumakanta ng “Happy Birthday”. Halos lahat tuwang tuwa.
“And! Wala tayong pasok sa araw na yun! Oops!” tinaas si Trixx ang isang kamay niya to silence everyone. “Don’t worry. Legal naming nakuha ang permission ng school principal kaya walang mawawala sa party!”
Naghiyawan ang marami. Si Alex tumingin kay Ysabelle. Nang nahalata niyang napansin ko, humarap siya sa whiteboard. After 5 seconds, lumingon ako kay Ysabelle. Nakatitig siya kay Alex. OMG! May gusto kaya sila sa isa’t isa???
NO! No! No! I’m over-reacting. Inhale,exhale. Calm down, Cynth.
Maya maya nag distribute sina Trixx at Ellaine ng invitation cards para sa birthday ni Ysabelle. Binuksan ko ang pink card. Nakalagay ang date, time and place. Dress Code: Semi-formal
---
After a few hours..
Nilagay ko ang teddy bear sa upuan ni Erick. Iyong flowers and chocolates nasa desk niya. Mag isa nalang ako sa classroom. Tapos na ang klase sa araw na ito. Naglakad ako papuntang Locker Area sa baba ng building. Nang malapit na ako sa 1st floor, I heard a familiar voice.
“It’s okay. Mabibigat naman talaga ito.”
Sumilip ako mula sa taas ng stairs. Nakita ko si Alex may hawak na books kaharap si... Ysabelle.
“Thanks for carrying those books. Ilalagay ko na sa locker ko.” sabi ni Ysabelle, smiling. First time kong nakitang ngumiti nang ganun si Ysabelle. Parang... hindi naman siya shy type. May gusto kaya siya kay Alex?
“It’s okay. Samahan na kitang ilagay sa locker mo.” Alex replied.
Teka lang. Parang nanghina ang tuhod ko ah. Humawak ako nang mabuti sa gilid ng stairs.
“I’ll be expecting you on Friday. Sana makapunta ka sa party ko.”
“Yeah, sure. Uhmm.. tara.. punta na tayo sa lockers..”
“Ah.. Okay.” Narinig ko ang footsteps nila palayo.
Napaatras ako at nagsimulang maglakad pabalik ng classroom... 1, 2, 3.. Teka... Bakit babalik ako ng classroom? Wala naman akong tinataguan ah.
Dumeresto ako sa Locker Area. Bahala na kung andun sila. Pagdating ko dun, si Ysabelle lang ang nakita ko. Binuksan ko ang locker ko na malapit sa locker niya.
“Hi!” she said.
I looked at my right side. Kami lang dalawa ang nandito ngayon.
“Me?” tinuro ko ang sarili ko.
“Yes, Hyacinth.” humakbang siya palapit sa akin. “See you on my party.”
“Ah.. okay.”
Then, she smiled, turned around and walked away. At that moment, I could have sworn that her smile looked like Trixx’s when she’s planning something bad.
******************
Author's Note:
New kontrabida? Let's see...
By the way, if you liked this story, click the STAR on the upper right side of the page.
THANKS! <3
xx _bloodheaven_ xx
BINABASA MO ANG
SAYANG
Teen FictionIn life, there are many choices. Fall in love or fall out of love? Go on or move back? Follow or leave? This is a story about a boy and a girl... best friends as they call themselves.. but what if friendship turns to love? Subaybayan ang story tungk...