** Cynth’s POV **
The week went smoothly. Hindi na ako masyadong ginugulo ni Erick unlike before. Feeling stalker siya dati. Ngayon, lagi na lang niya akong binabati pag nagkakasalubong kami.
Kinausap ko si Alex via phone (yeah, nag exchange kami ng cellphone numbers) nung nakauwi na ako sa bahay matapos ang first day of school. Sinabi ko na ayaw ko malaman sa buong school na bestfriends kami... kung gaano kami ka-close.. na magkakilala kami mula pagkabata. Ayaw ko kasing kinukulit ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya lalo na iyong dalawang kikay classmates namin na sina Trixx at Ellaine. For sure, pag nalaman nila na close kami ni Alex, kukulitin nila ako about sa buhay niya. Kawawa naman ang bestfriend ko. Damay na din ako.
Nung una, ayaw pumayag ni Alex. Parang di niya daw kayang isekreto iyon sa lahat pero siyempre, pumayag din siya. Ang bait talaga niya.
Saturday Morning. Walang nang magawa sa bahay. Katatapos ko lang mag advance reading about sa next lesson namin sa Trigonometry. Nag ring ang phone ko. I immediately picked it up.
“Hello.” bati ko.
“Cynth! “ boses ni Alex. Ang saya niya ata? “Let’s go out.”
Nagulat ako. Tama ba narinig ko?
“Huh? Saan? Why?” dami kong tanong.
“I’m getting bored in the house. Anywhere you like. Miss na kasi kita eh.”
Hindi ko alam kung tatawa ako or ngingiti. Miss. Niya. Daw. Ako.
“Same here.” i replied.
“Hmm?” mukhang naguluhan siya.
“Bored na din ako sa bahay.”
“Ahh.”
“Sige. Labas tayo.”
Long pause. Naputol kaya ang call?
“Alex? Hello?...”
“Ah! Yeah.. sige. Labas tayo. I’ll pick you up in an hour.”
“Okay. See you later.”
“Right! Bye.”
“Bye.”
Pagkababa ng phone, dumeretso ako sa CR. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
“This is it, Cynth!” i told myself before taking a shower.
----------------------
** Xander’s POV **
After an hour, naka-park na ako sa labas ng house ni Cynth. Tinext niya ako na maghintay nalang sa car. Gusto ko sana batiin sina Tita at Tito (parents niya) pero pinaghihintay niya naman ako dito. Iniisip ko tuloy kung may problema sa family niya.
Maya maya, nakita ko si Cynth... Teka, si Cynth kaya iyon? Lumabas sa pinto ng bahay ang isang babae. Ka-height ni Cynth. Long, curly hair, naka-shades, naka-lipstick, naka-dress and high heels???
Kumaway siya sa akin. So this means...
“Hoy!” sabi niya pagpasok ng car. Ganun ang pagbati sa akin ni Cynth kahit dati pa.
Natulala lang ako. Si CYNTH nga kaya ito?
“Alex...” tinanggal niya iyong shades niya at confirmed nga, mga mata ni Cynth ang nakita ko kahit pa may make-up.
“Uh...” hindi pa rin ako makapag salita ng maayos. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I’m stunned by her beauty.
Tumawa siya ng malakas at tinapik ang braso ko.
BINABASA MO ANG
SAYANG
Teen FictionIn life, there are many choices. Fall in love or fall out of love? Go on or move back? Follow or leave? This is a story about a boy and a girl... best friends as they call themselves.. but what if friendship turns to love? Subaybayan ang story tungk...