Book 2: When She Returns
After Umalis ni Eleanor sa Pilipinas, anim Taon na ang nakalilipas.
Siya pa rin ang nakatakdang mamuno sa Marcelo Incorporation. Kaya kailangan niyang bumalik, hindi lamang para sa ikabubuti niya at nang kompanya ng kanyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Book Started: November 20, 2017 Revision Started: August 7, 2018 Book Finished: (On-Going)
________________________ When She Returns By: THIRTEENSXS [Official Prologue]
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Kelan tayo babalik El? Kelan mo pamumunuan yung Kompanya?" Biglang napatanong ni Ate Cassandra habang nagtutupi ako ng mga damit ni Daniella. Napatigil ako sa ginagawa ko. Ni hindi ko nga alam kung babalik pa ako o Hindi na.
"H-hindi ko alam." Utal kong sagot sa kanya. Alam niya namang ayokong napaguusapan namin to. Ayoko na kasi. Masaya na ako dito, walang gulo, walang pagaabalahan kundi ang anak ko lang.
"Hindi mo nanaman alam? Eleanor...we've been here for 6 years! Look at Daniella." Kunot noo niyang Sabi sakin. Ever since umalis ako 6 years ago, dito ko na natuloy pagaaral ko pagkatapos Kong iniluwal si Daniella sa sinapupunan ko. I never thought of Leaving. Sa totoo gusto ko si Ate ang mamuno ng kompanya, Alumni Holder siya at ako Magna Cumlaude nagtapos ako ng Masteral's Degree in Business and Management dito.
Parehas lang rin naman kami ng course, kaya pwedeng-pwede naman siyang mamuno sa Marcelo Inc. At kami ni Daniella dito nalang.
Napatango nalang ako sa sinabi ni Ate. "Hindi mo tutuparin kay Dad yung promise mo na ikaw mamumuno sa Marcelo inc? Remember you promised him, ano sa tingin mong sasabihin ni Dad sayo El?" Pinaalala nanaman sakin si Dad. Hays.
"Ate hindi ba pwedeng ikaw nalang mamuno? Ikaw nalang bumalik...ayoko na kasi. Masaya na ako dito, and I want Daniella to grow up here." sagot ko sa kanya. I never liked opening up my thoughts. Never ko ring sinabi sa kanya ito. Kapag nararating kami sa topic na to, I ignore her.
Alam niya naman kasing ayaw ko diba? Bat niya pa kasi ipapaalala ang lahat? I put everything behind me. Parang sa isa sa mga favorite movies ni Daniella. Yung Lion King, ba yun. Hakuna Matata "Putting everything behind you, means no worries for the rest of your days."
"Eleanor, hindi ako pwedeng bumalik doon na hindi ka kasama. At hindi rin ako pwedeng mamuno sa Marcelo Inc. Even if I'm willing to, ang nasa will ni Dad is ikaw. Kundi babagsak ang kompanya kapag walang mamamahala." tugon ni Ate. Ayokong napaguusapan si Dad kasi wala na siya... Bali si Mom ang namamahala temporarily pero sinabi sa will niya na ako lang daw.
"It's what he wants El. Last wishes ni dad yun. Don't worry naman, ako ang vice ng kompanya you're not alone. Always together tayo." Sabi niya sakin at ngumiti ako. We're twins. Of course we should be together. Tumaas kami para mailagay yung mga damit na naitupi sa closets namin.
"And besides, if dito mo palalakihin si Daniella. Ibig sabihin nun you won't let her father know her existence?" Nagsalita nanaman siya. Hays. Heto nanaman. Kala ko okay na eh.
I swear mas malala siya kay Mom na magsermon.
"Hindi ko na kailangan ng tatay para sa kanya." sagot ko sa ate kong nanenermon nanaman.
"Eleanor naman! Isipin mo yung anak mo, wag lang puro sarili mo. Sa tingin mo habang buhay na hindi itatanong ni Daniella sa sarili niya kung sino yung tatay niya? May karapatan siyang makilala manlang ang kanyang tatay at alam kong kilala mo ang biological father niya." Sagot uli ni Ate Cassandra.
See I told you.
"Kailangan mo nang bumalik sa Pilipinas Eleanor. Hindi lang para kina mom at dad. Kundi para din kay Daniella para ipakilala mo na siya sa kanyang ama." pahabol niyang sabi. "Para malaman mo rin kung tatanggapin niya si Daniella o hindi. Isipin mong mabuti El." sabi niya muli.
Nilapitan ko si Daniella. Mahimbing na natutulog sa higaan. Ang baby girl ko...
She needs to know. She deserves to know. After 6 years na pagtakbo sa States. Pagkatapos ng anim na taong pagtatago sa kanya...
Alam kong hindi magiging madali na makausap dahil sa mataas na posisyon niya...
Kailangan niyang makilala ang anak niya...
"Para kay Daniella babalik ako." Bulong ko sa aking sarili.
"Ano?" Muling tanong ni Ate.
"I will return for Daniella at para na rin sa ikabubuti ng Marcelo Incorporation." Sagot ko at ngumisi si Ate Cassandra. Nang nagsimula na akong ihanda ang mga gamit ko para sa alis namin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
=+=+=+=+=+=+=+=+= Chapter Published: August 25, 2017
Welcome to the new and revisioned book 2! And I promise you this will be a hectic ride for Eleanor :>
“All characters and events depicted in this story are entirely fictitious and given thought by the author herself. Any similarity to actual events or persons, living or dead, is purely coincidental.”
—To all readers; Please, if I may say this book isn't perfect although it is Revisioned. Wrong Spellings, typos and wrong grammars such as errors are still possible. So please if you may, comment down in which sentence of the chapters have errors. Thank you.