O N E

1.1K 43 12
                                        

CHAPTER ONE“

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER ONE

Her Return



»Eleanor«

Minulat ko ang mga mata ko at narinig ko mula sa speakers ng eroplano na, "Please to anyone who's standing up, please return to your seats, turn off all of your gadgets or devices. Fasten your seatbelts, and hold on tight everybody. We are now about to land."

Pinatay ko yung cellphone ko, hinugot ang earphones ko at nilagay ko sa shoulder bag ko. Inayos ko na yung sarili ko baka may muta pa ako sa mata, nakakahiya naman kung unang pagkikita namin ng mga kaibigan ko may muta ako. Hanuena?

Pagkatapos ng anim na taon na pagtira ko sa States, di ko akalain na ngayon ako makakabalik. Hindi ko sana sasagutin yung request ni Dad na bumalik ako para mamuno na sa Marcelo Incorporation pero kinakailangan na rin...

Sa loob ng anim taon na nawala ako, andami kong hindi napuntahang mahahalagang araw ng mga kaibigan ko...Biglaan din kase ang pagalis ko sa Pilipinas. Buti nalang at nabilisan ang proseso ng pagalis ko kundi nahirapan ako lalong ibago ang sarili ko.

Sa mga nakaraang taon...naging sikat nang Fashion designer si Kath at nagpakasal na sina ni Shawn a year after pagkatapos ng alis ko. Si Ate Carmella naman ganap ng Lawyer at nagpakasal na sina ni Alexander pagkatapos nang isang taon kong pagalis. Si Ate Chelsea naman ganap na ring Cardiac Surgeon sa Golden Great Wright Hospital.

Akalain ko ba na ang Campus Queens ng GGWU ay may successful na pamumuhay, pati na rin ang Campus Kings...maslalo na si...Devon...

Pagbaba ko sa Eroplano, hinitay ko ang mga bagahe ko at dumeretso sa CR para ayusin ko yung sarili ko. Ngayon uli pagkatapos ng anim taon, makikita ang mga kaibigan ko.

Sigurado babatukan ako ng mga yun dahil marami akong event na hindi pinuntahan lalo na ang kasal at binyag ng anak nila. Kahit di ako nakapunta, ginawa pa rin akong ninang. Kaines. Well, sila rin naman ginawa kong Ninang sa anak kong si Daniella. Haha.

Naghilamos ako para kahit papano mawala ang pagkaoily ng fes ng ate niyo. Naglagay nalang ulit ng face powder at konting lipstick then bem, natural look na ba? Haha. Nagsuklay na rin ako na nagulo-gulo yung buhok ko habang nasa flight. Kaines.

Lumabas ako mula sa CR at dumaan na ako kung saan makikita ang mga naghihintay sakin.

Nauna ko silang nakita kasi yung Pangalan ko hawak hawak nila, nasa likod naman ni Carmella ang kanyang asawa bitbit ang kanilang anak na lalake, parehas din Kay Kath na nasa likod niya si Shawn at bitbit ang anak nilang babae.

Gosh. Look at them. Ang saya siguro sa feeling na may tatay yung anak mo noh? Yun siguro yung sinasabi sakin ni Ate Cassandra.

Kaya rin siguro, ako bumalik dito...

When She Returns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon