T H R E E

935 39 9
                                    

Chapter Three:"Her party"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter Three:
"Her party"

»Eleanor«

Paggising ko kaninang umaga bigla nalang akong tinawagan ni mom. Hindi ko na sasabihin kung ano pang sinabi niya basta the main thing there is she'll throw a welcome party para saaming tatlo.

Ako, Cassandra at si Daniella.

I was so excited kasi gustong gusto ni Daniella na magsuot ng mga formal dresses especially for parties. Minsanan lang kase niya naeexperience to nung nasa states kami, during birthday niya, tuwing lalabas kami, birthdays ko at ni Cassandra at tuwing iniinvite siya ng mga friends niya sa states.

When she wears a dress, yung ngiti niyang napakaexcited. Kasi sasabihan niya yung sarili niyang, "Mama, I'm sooo cute!" or di kaya, "I look beautiful mama!" syempre anak ko yan edi todo support. Galing sa genes ko yung face niya eh. Kaya syempre.

Maganda din ako. (^∇^)

Sabi ni mom ipapadala niya daw yung mga damit na susuotin namin sa bahay. Oh and I forgot to day, andito pa pala kami sa bahay nina mom at dad. Pero kase biglaan nalang daw umalis si mom eh kaya hindi niya nasabi samin ng harapan kung may party o wala.

Gaganapin yung party sa Marcelo Pavilion. Sosyal dba? May pa pavilion pavilion pa eh pwede naman ring sa likod lang ng bahay namin kase maluwag din at ang ganda ng garden.

Pero dahil sa kaartehan ni mom, wala kaming magagawa bukod sa sumumod nalang. Mabuti na rin yung nagpapakabusy siya para hindi siya nagmumukmok sa bahay kakaisip sa pagkamatay ni dad.

At dahil may Work ako ngayon, pinabantay ko kay Cassandra si Daniella. As always. Kasi may meeting ako with the board of directors ngayon at ilan sa investors ko.

They demanded to meet me that quick to see daw if sa tingin nilang kaya kong mas paangatin ang kompanya.

There is this ranking called, "Top Industries of the current" kung nasaan nakalista ang lahat ng pangalan ng kompanya, empire, or kung anumang business involved yan.

And of course, as always, nasa pinakaunahan ang Wright Industry. Susunod sa kanya ang kompanya ni Alexander at yung kay Shawn naman ang pumapangatlo. Ang Marcelo Incorp naman is nasa 14th Place at the moment.

They said makatapak lang ang kompanya mo sa 15th place okay na daw yun, isang malaking karangalan na daw ang maibibigay nun sayo. Kase ang ilan sa tinitignan ng foreign investors natin is those who are in the 15th place and below.

Di nila masyado inaasikaso ang mga nasa 16th and above kase para ano pa? Dba? And besides, not all nang nasa 1st-15th place pumapayag ng magkaroon ng foreign investors. Some owners just simply invest in higher companies and whatever they get from it yun ang ilalagay sa sarili nilang kompanya. Give and take.

When She Returns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon