"Ouch Story" Chapter 1 [Part 1] -The Transferee-

314 4 4
                                    

"Sa paglunok ko sa PRIDE ko, kasabay naman nitong NAWAWASAK ang puso ko."

Lagi ko tong naririnig sa mga pinsan ko, madalas kapag sila'y "Broken Hearted" o kaya naman ay "Umasa sa wala." Dati pag sinasabi nila ito, di ko lang pinapansin, as in wala lang, ano bang paki ko sa love? Mas gusto ko na lang na manuod ng Anime or magbasa ng Manga. At isa pa, sayang lang ang oras ko sa love, yan ang pananaw ko pagdating sa pag-ibig. Akala ko di magbabago yung pananaw ko na yun, pero isang araw, bigla na lang may taong dumating at tuluyang binago ang pananaw kong yun. Siya ang taong minahal ko ng husto, actually mahal ko pa rin siya hanggang ngayon eh. Well, siya lang naman ang nagturo sa akin kung gaano kasakit ang umibig, at siya rin ang nagtulak sa akin na huwag nang ibukas muli ang pinto ng pag-ibig.

Ako si Jarod, first year ako nung mag-transfer si Lizelle sa school namin, sa lahat ng transfer students sa klase namin nun, siya ang pinaka-una kong napansin, ang tahimik kasi niya, misteryoso kung baga, parang ako, TAHIMIK. Lagi niya nung kasama si Aila, transfer din sa section namin. Nung mga araw na yun, medyo di ko pa siya ka-friends, kasi, gaya nga ng sinabi ko kanina, tahimik siya, tahimik ako, Tahimik kaming dalawa. Di ko siya kinakausap nun, kahit magka-tabi kami ng pwesto sa room. 2 or 3 weeks yata bago ko siya tuluyang naka-usap ng matino, at dahil pa yun sa pencil case ko kasi parehong Spongebob ang pencil case namin, magka-iba lang ng design at kulay. Nung nakaka-usap ko na siya, masaya naman pala siyang kasama, medyo naging close kami, pero di kagaya ng closeness niya sa iba. Tapos, isang araw, isa sa mga kaklase ko ang bumili ng gitara. Edi nagka-interes kaming lahat halos sa gitara. May talent pala si Lizelle sa ganung bagay, so naging close ang buong klase sa kanya, ako naman dedma lang, pero nakikisali pa rin ako sa mga jamming nila. 

-Itutuloy- 

"Ouch Story" -A Story Of A Broken Heart-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon