Diba nga February nun? Syempre, Valentines nun, so binigyan ng regalo ni Owen si Lizelle, si Cyrus naman binigyan siya ng roses(mahal pa rin daw niya si Lizelle) , ako iba ang binigyan ko ng chocolates nun, kasi yung taong binigyan ko ng chocolates nun, medyo close talaga siya sakin at lagi siyang may problema sa love so naisip ko na dahil Valentines naman, eh, bibigyan ko siya ng chocolates. Tapos dun din ako nagpa-rinig, nung dumaan si Owen bigla kong sinabi na "Mas gusto ko naman si Cyrus para kay Lizelle kesa kay Owen." Eh nasa harapan ko nun si Lizelle, kaya tinapik niya ko sa balikat, kasi nga nandun si Owen. Nun ding araw na yun, nasigawan ko si Ken, kasi si Cyrus nakikipag-bati na kay Lizelle sa may hagdan eh, si Ken, ginugulo yung dalawa, kaya nung nag-bell na, edi pumasok na si Ken tas sinigawan ko siya bigla, "Nakikipag-bati na nga yung tao bat di mo pa hayaan!" Eh, dumaan si Cyrus nun, so narinig niya yung sinigaw ko, so yun, nung kinagabihan na mag-OL ako sa FB, nagpa-thank you siya dun sa ginawa ko. Tas sinabi niya, mabait daw pala talaga ako, kasi, naikukwento pala ako ng isa kong kabarkada kay Cyrus, eh ka-close din niya yun. Tas minsan, dahil kilala na nga ako ni Cyrus, na-tripan ko siyang i-text, eh, na-save nung kabarkada ko yung number niya sa CP ko nung maki-insert siya ng sim sakin. as yun, naging ka-close ko siya lalo, at lagi naming topic sa text or chat ay si Lizelle. Nung mga oras na yun tinatawag ko narin siyang "kuya". Gusto niya kasing ginagalang siya, lalu pa't matanda siya samin, kaya yun , "Kuya Cyrus" na ang tawag ko sa kanya, pero as usual, di pa rin kami nag-uusap sa school.
So, March na ngayon, malapit ng mag-graduate ang 4th years. At malapit na rin ang bakasyon namin, edi yun, bilang na nga ang mga araw namin sa school. So nagpa-day camp ang mga teachers, at dahil nga kasama ako sa BSP, nag-kusa na akong mag-bantay dun sa mga bata. Nag enjoy ako nun, kasi, only child ako, di ako sanay sa mga bata. Masaya naman pala, ang daming nagta-tanong kung ano ang pangalan ko, tapos may nag-bigay pa ng sanwich sakin. Sobrang nag-enjoy ako nun. Tapos andun pa si Lenard , kaya mas naging masaya. Then, bumalik na kami sa school. Pag-dating dun, nakita ko si Lizelle sa may kubo, edi pag-baba ko ng sasakyan, pinuntahan ko agad siya. Kinwento ko lahat ang mga nangyari dun sa day camp nung mga bata. Tas yun, ang saya ko talaga nung araw na yun. Tapos, nung dumating yung sundo ko, inasar ako nung tito ko.
-Itutuloy-
BINABASA MO ANG
"Ouch Story" -A Story Of A Broken Heart-
Teen FictionFirst Heart Break ba kamo? Noon iniisip ko di naman ganoon kasakit yun, di ko pa kasi naramdaman eh. Pero ngayon alam ko na ang sakit ng FHB. Basahin niyo ang story ko, para malaman niyo, kung pano ako umasa at nasaktan sa isang tao na minahal ko ng...