"Ouch Story" Chapter 1 [Part 3] -Break Up-

116 1 0
                                    

Okay, i-fast-forward ulit natin ng konti, konti lang talaga. Eto naman yung nung nakita ni Lenard (Kapatid ni Lizelle) ang isang picture sa Facebook na naging dahilan ng break-up ni Lizelle at Cyrus. Dun kasi sa litratong yun, naka-akbay si Cyrus kay Lizelle, at yun, ipinakita yata ito ni Lenard sa mama nila. Tapos yun, nagka-conference ang parents ni Lizelle at mama ni Cyrus at mailang mga teacher sa school namin, syempre kasama sina Cyrus at Lizell dun. Edi yun nga, nag-hihintay ang parents ni Lizelle sa baba (second floor ang room namin...), kasi, di pa tapos ang class hours namin. Pero kahit di pa tapos ang class hours, ako at ang matakaw kong kaklase na si Ken ay bumaba saglit para bumili ng kung ano sa tindahan, tapos yun, nag-mano pa kami sa parents ni Lizelle, tapos tinanong nila kami kung nasaan si Lizelle, syempre madaldal si Ken kaya siya na ang sumagot ng tanong na yun.

At yun na nga, ang resulta ng conference ay BREAK-UP. Mas naging close ulit ako nun sa kanya, kasi binibigyan ko siya ng mga advice, magaling ako sa mga yun, single kasi eh... okay, back to topic. Pag kasi break time, madalas ko siyang maka-usap about dun sa nangyari sa kanila ni Cyrus. Lagi siyang tumatabi sakin nun pag nagdo-drawing ako ng Anime or kung ano. Dun ko rin sinabi sa kanya na, "Kung mahal ka niya, di siya bibitiw ng ganun-ganun na lang. Kahit pa sinabi ng papa mo na ni anino niya huwag palalapitin sayo, gagawa pa rin siya ng paraan, yun ay kung mahal ka talaga niya." Nung sinasabi ko sakanya yun, medyo naka-yuko siya, tapos tahimik lang siyang nakikinig sa mga sermon ko. Pero dahil napapansin ko na nalulungkot siya sa mga pinagsasa-sabi ko, nilalagyan ko nalang ng mga jokes ang sinasabi ko, para kahit paano ay hindi siya nagiging sobrang down. At diba nga sabi ko na crush ko siya? Tapos sinabi ko rin na maglalaho din ang paghanga kong yun? Pwes eto ang balita. Lalu lang lumala ang paghanga ko sa kanya. 

-Itutuloy-

"Ouch Story" -A Story Of A Broken Heart-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon